JANNA'S POV
Tahimik lang ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Nauna siyang maglakad pero hindi niya naman ako pinabayaan,pinaasikaso niya ako kanina sa kapatid niya. Buti na lang kasama ng mga kaibigan niya si Celine kaya kahit papaano ay may kausap ako kanina pero hindi nagtagal umuwi na din siya at baka hinahanap na siya sa kanila.
Ilang linggo na din simula ng mamalagi ako dito. Hindi ako sanay sa kinikilos niya ngayon para bang may mali hindi naman siya ganito sa akin dati. Para bang iniiwasan niya ko. Oo aaminin ko nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya at umaakto na akala mo walang nakita. Dinudurog ang puso ko sa tuwing hindi niya ako pinapansin ano ba ang nagawa kong mali? bakit niya ko iniiwasan?
I want to confront him na kung bakit siya naging cold sa akin? Teka kailan ba naging warm or let say na wala naman talaga nagassume lang ako sa kinikilos at pinapakita niya sa akin dati, na wala naman talagang meaning ang sakit naman ng ganito.
Kung interesado siya matagal na, matagal ng may development pero wala he keep ignoring me kahit nasa iisang bahay lang kami ngayon. Mas gugustuhin ko na lang na umalis dahil sa sobrang awkward ng ambiance, ilang linggo na din kasi na akala mo maduming hangin ako dito, hindi pinapansin.
Minsan pa nga magkasalubong kami para may ibigay ako sa kanya, wala kinuha niya lang yung ibibigay ko at walang imik na tinalikuran niya na ako, ang laki pa ng bawat hakbang na ginagawa niya pakiramdam ko tuloy ayaw niya na akong makita pa. Ang sakit sakit kaya Anton alam mo ba yun?
Inayos ko na sa loob ng drawer lahat ng damit na hiniram ko kay Rose napag isip-isip ko na kailangan ko na tlagang umalis. Para saan pa ang pagtira ko dito kung parang wala naman akong kasama. Kailangan kong bumaliksa dorm para maayos din namin magkakaibigan kung ano mang gulo ang namuo sa amin.Gusto ko din puntahan kung saan nakalagak si tatay hindi man ako nakapunta sa libing niya gusto ko siyang dalawin kahit huli na ang lahat.
Nagulat naman ako sa pagkatok sa may pintuan agad ko itong nilapitan at umaasang sana siya,sana si Anton ang nasa likod ng pagkatok na ito.
Pagbukas nadismaya ako sa aking nakita, si Rose nakaayos ito ngayon marahil siguro nililigawan na kaya ganyan hindi katulad ng lola niyo bokya tinalo pa ng batang nasa harapan ko ngayon.
"Dinner is prepared" sabi niya habang nakangiti at pinapalabas ang dimple niya
"Uhm... andyan ba kuya mo?" kinakabahan kong tanong sa kanya
"Si kuya nasa kuwarto niya but I will ask him if he wants to join us on dinner?"
Sus kahit wag na baka hindi pa ako makakain ng maayos at mangatog lang ako sa sobrag cold ng atmosphere kung kasama siya.
"Hey ate Janna are you alright?" pukaw sa akin ni Rose
"O-o-o oo naman" utal kong sagot sa kanya
"I think hindi" nope Rose okay lang ako maniwala ka malamig lang talaga pakiramdam ko
BINABASA MO ANG
Accidentally Fall Inlove with a GAY( on-going)
Teen FictionAng magmahal ng taong iba ang mahal, sobrang sakit na ang dala.Pero may sasakit pa ba kung ang taong kinababaliwan mo na sobrang Gwapo Ay GWAPO Din ang hanap. Mamahalin mo parin kaya Sya o Maniniwala ka na lang Sa teacher mo sa Science na Walang FOR...