Chapter 5 - Her Life(part 1)

253 27 4
                                    

Kristoff Pov

Andito kami ngayon kila Celine hindi lang para magplano para sa demo teaching namin . Kinausap ko din ang mga kaibigan ni Janna para sa isang surpresa, Nagpaplano ako na liligawan ko sya. Kaya nga kami na late ni Bea eh nagpapractice kame para sa plano.

Tuwing titignan ko sya ngayon na nakaupo sa sulok habang seryoso sa pagpipinta, hindi ko alam kung paano ko ilalarawan si Janna pero ang alam kong Misteryoso sya hindi mo malalaman ang tunay na buhay nya hanggat hindi mo nakukuha tiwala nya. Hindi ko nga alam kung paano pa sya nakakangiti sa likod ng pait ng tunay na buhay nya. Sya pa nga ang isa sa dahilan kung bakit masaya minsan ang barkada , Ang tibay nya talaga, wala syang pake kung anong problema meron sya, basta ang sabi nya sakin ang Problema sa bahay, iniiwan sa bahay at hindi mo na kailangan idamay ang mga tao sa paligid mo.

Napapangingiti na lang ako dito sa kabilang sulok habang lihim ko syang sinusulyapan.

Ibang klase talaga sya. Kaya oras na para may magmahal sayo Janna, sagutin mo lang ako Papadama ko Ang Forever na pingaawayan ng mga tao.

Janna Pov

Konti na lang matatapos ko na pagpipinta ko , tapos glitters para sa finishing.

"Alexa , si mom nasa skype na , bilisan mo " si Sam yan kadadarating lang namin pero yung parents nila kanina pa sila kinukulit ng tawag at ngayon nga hindi na natiis nagchat na sa skype. Napapailing na lang ako.

Tumayo na si alexa para sumunod sa kambal nya.

"Wait lang guys ah tumatawag si Ate" napatingin naman ako kay Bea na nagsalita

"Celine , punta lang ako sa kanto may papaabot si Ate eh" si abby naman yan na inistorbo si Celine na kanina pa may kausap sa telepono , yung lola nya tinatanong kung may kailangan pa kame.

" Guys si papa nagtext kailangan ko lang magpaload sa labas, naubusan na kasi ako , saglit lang ah" si kristoff na nagmamadali lumabas ng pinto

Pupusta na ako si Jhanine kaya kanina pa kachat papa nya sa Facebook

"Celine, yung Wifi ? Nalowbat na Cp ko eh kachat ko si Papa ,yung Loptop muna gamitin ko ,ok lang? " si Jhanine yan

"Sige kunin mo na lang doon"si Celine habang tinuturo yung Cabinet malapit sa kinalalagyan ko.

Eh ako kaya naalala kaya nila ako? May Janna Monteclaro parin kaya silang anak at apo.

Natatandaan ko pa nung pinaalis nila ako ,

Flashback

"Malas ka sa buhay na ito wala ka ng nagawang tama, puro kapalpakan lumayas ka dito wala ka ng nagawang tama."

sabay ng mabigat na kamay na dumampi sa pisngi ko halos tumabingi ang panga ko sa sobrang lakas ng impact.

Nanatili lang akong nakatayo sa harap nya , at pinipigilan ang mainit na likido na pumatak sa mga mata ko.

"Aba hindi ka pa titinag ,sabi ko lumayas ka dito," at sinalubong ako ng hanger na tumama sa ilong ko naramdaman ko ang pulang likido na tumutulo dito agad ko tong pinahid.

"Ang sabi ko umalis ka na dito Malas ka " at tuluyan na akong hinataw ang hawak nyang dospordos sa aking katawan .

Tinitiis ko ang sakit na dala nito. Naririnig ko pa ang paglagatok ng kahoy na yaon sa pagtama sa katawan ko.

Nang tumigil sya , huminga ako ng malalim at tsaka nagsalita.

"Kung patuloy nyo po akong ikukumpara sa paraan ng pamumuhay na gusto nyo, kailanman wala akong tamang magagawa sa Paningin mo" tsaka ako lumakad palabas ng pinto akala ko tapos na ang palabas may pang Grand finale pa pala na pagbato ng laruan na tumama sa ulo ko.

Accidentally Fall Inlove with a GAY( on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon