Janna's POV
Nakailang minuto na din ako na puro 'ahm' lang ang nasasabi ko eh hindi ko naman talaga alam kung para kanino talaga yung kanta, eh sa yun na lang yung una kong naisip eh. Pinagpapawisan na ako dito ng yelo tumataas na yung balahibo ko potek natatae pa ata ako eh.
"Ano ka ba? yun lang yung pumasok sa isip ko kaya ayun na lang yung kinanta ko pag kumanta ba kailangan may meaning?" sana maniwala eto
"Hindi naman , sige sabi mo eh" sabay pat sa ulo ko hilig neto guluhin buhok ko magulo na nga guguluhin pa?
Hindi na ako sumagot, baka mamaya may masabi pa ako na di dapat masabi
"Tara hatid na kita baka hinahanap ka na sa inyo, masyado na din malalim yung gabi oh tsaka baka hinahanap kana sa inyo"
Hindi na ako nag inarte pa tsaka medyo inaantok na din ako, tinuro ko lang sa kanya yung daan papunta sa boarding house
Masyado ng malalim yung gabi mag alas dos na din ng umaga kaya pala gustong gusto ng pumikit ng mga mata ko.
Pagod na din ako, ala singko pa ng umaga ang pasok ko mamaya, wala nanaman akong tulog kailangan ko na talagang makauwi, sabog nanaman ako neto bukas sa school.
Maya maya pa huminto na kami sa tapat ng boarding house, bumaba na ako ng motor ng may tumawag sa pangalan ko.
"Janna!" sigaw ni Kristoff na kinagulat ko ngayon lang kami ulit nagkita simula ng nangyari sa gymnasium ng school.
"Okay ka lang ba?" hinawakan niya ko sa balikat tsaka inikot ikot na para bang sinusuri ang buong pagkato ko
"Saan ka ba nanggaliln? saan ka nagpunta? sino kasama mo? ayos ka lang ba? ano bang ginawa mo? may masakit ba sayo? ano ba naiisipan mo at anong oras na kung saan saan ka pa nagpupunta? ano ba gagawin mo? sana tinext mo ko diba? hindi ka man lang nagpaalam sa akin? alam mo ba kanina pa ko kinakabahan sayo? bakit hindi mo ko tinext? bakit hindi ka nagpasama kahit sa akin? ano okay ka lang ba?" sunod sunod na tanong ni Kristoff hindi ko alam kung ano ang unang sasagutin ko, napakamot na lang ako sa ulo sa sobrang pressure kung ano ba ang unang isasagot ko
"Ahm Janna?" singit ni Anton
Tinignan naman siya ni Kristoff mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri
"Nagkita na ba tayo, parang pamilyar ka sa akin? anong ginawa mo kay Janna?" tanong ni Kristoff kay Anton
"Ahm, Kristoff si Sir. Anthony yann sya yung magkicritic sa demo natin, tsaka wala siyang ginawa sa akin, nakita niya lang ako kaya sinamahan niya ko pauwi"
Paliwanag ko kay Kristoff
"Boyfriend mo?" tanong ni Anton sa akin
"Oo boyfriend niya ko may problema tayo? Stop messing with my girl" pag singit ni Kristoff na siya namang kinainit ng ulo ko
"Nako, Anton masyadong palabiro etong si Kristoff magkaibigan lang naman kami" paliwanag ko tsaka ko siniko sa tagiliran si Kristoff kapal ng mukha, mamaya maudlot pa yung hinihintay kong love life eh
"Ah sige Janna, maiwan ko na kayo magkita na lang tayo bukas sa demo, God Bless" sabay ngiti niya sa akin
"Salamat sa lahat ha, hindi ko alam gagawin ko kung wala ka " sagot ko naman sa kanya
Sumakay na siya ng motor at sinimulang iistart eto
BINABASA MO ANG
Accidentally Fall Inlove with a GAY( on-going)
Novela JuvenilAng magmahal ng taong iba ang mahal, sobrang sakit na ang dala.Pero may sasakit pa ba kung ang taong kinababaliwan mo na sobrang Gwapo Ay GWAPO Din ang hanap. Mamahalin mo parin kaya Sya o Maniniwala ka na lang Sa teacher mo sa Science na Walang FOR...