Janna's POV
Hindi na ako nag inarte pa pagod na pagod na ako kakaiyak pagod na pagod na din ako sa problema umangkas na lamang ako sa kanya at kumapit sa balikat pero hinawakan niya ang kamay ko at nilipat niya sa kanyang beywang , biglang nabuhayan ang katawang tao sa kanyang ginawa para bang maya kuryenteng dumaloy sa dugo kaya muling nabuhayan ang aking loob.
Pinaandar niya na ang motor sumandal naman ako sa balikat niya, pigil pigil ang kaba at luhang kanina pa gusto lumabas miss na miss ko na sila, matagal ko na silang gustong makita matagal ko ng gustong mayakap sila. Lalong lalo na si papa, alam ko kahit na binubugbog niya ako alam ko na kahit kakaunti tinuturing niya ako bilang kanyang anak, mahal na mahal ko pa din si papqa kahit na ganun siya maging si mama mahal na mahal ko siya.
Tinuro ko lang sa kanya ang daan kung paano makarating sa dati kong tinitirahan, hindi kalaunan nakarating na din kami, tandang tanda ko pa ang lugar na eto, kung paano ako ung napunta dito ang simula ng kalungkutan sa buhay ko.
Bumaba na ako sa motor tsaka tinignan ang paligid.
"Ako na lang mag-isa pupunta" sabi ko sa kanya habng nanatiling nakatalikod at nakatitig sa kawalan
"Sigurado ka? Mukhang delikado sa dadaanan maggagabi na din?"
"Okay lang ako kabisado ko naman ang daan"
"Pero paano kung maharang ka ng mga tambay dyan?"
"Ayos lang ako, tagadito ako"
"Alam ko pero kunsensya ko pag may nangyari sayo na hindi maganda" sa pagkakataong eto humarap siya sa akin kaya nasapo ko ang sinseridad niya sa mga mata niya
Nginitian ko siya para bigyan ng assurance na kaya ko talaga, ayoko makita ang kahinaan ko ayoko makita niya ang dahilan ng lahat
"Kaya ko na" tsaka ko pa nilapadan ang ngiti ko
Sinuklian niya lang ako ng ngiti tsaka siya humugot ng malalim na paghinga, tumango siya na ibig sabihin na pumapayag na siya, hinawakan niya ang dalawang kamay ko tsaka tumitig sa mata ko
"Basta pangako mo babalik ka dito ng walang galos at buhay, kapag may humarang sayo sipain mo sa sensitive part at tawagin mo lang pangalan ko darating agad ako ha" sabi niya
Tumango lang ako sa kanya tsaka tumalikod sinimulan ko na ang maglakad pero hindi pa ako nakakalayo
"Janna" nilingon ko ulit siya
"Mag ingat ka ah"
Nginitian ko siya ng malapad at sinabing " Para sayo mag iingat ako"
Ngumiti lang siya tsaka ko pinagpatuloy ang paglalakad.
Tanda ko pa din ang daan papunta sa lugar kung saan ako unang nasaktan, sana sa pagbalik ko iba na ang lahat sana masaya na ang alaala na babaunin ko.
Tumapat na nga ako sa gate ng dati naming bahay, nagdalawang isip pa ako kung mag dodoorbell na ba ako, ilang beses pa ako nag atras abante bago ko tuluyan mapindot ang doorbell, pero sa huli nagawa ko din to. Naghintay lang ako ng ilang minuto bago may katulong na magbukas hindi ko siya kilala maaring bago lang siya o sobrang tagal ko na talagang hindi nakakabalik sa bahay na ito mula ng pinalayas ako
"Sino po hanap niyo?" tanong niya sa akin
"Nandyan po ba sila Mrs. Monteclaro? "
"Ay opo nandito po silang lahat maging sila Ma'am Araneta nandito din, ikaw po ba ang mag-aayos para sa burol po?"
BINABASA MO ANG
Accidentally Fall Inlove with a GAY( on-going)
Teen FictionAng magmahal ng taong iba ang mahal, sobrang sakit na ang dala.Pero may sasakit pa ba kung ang taong kinababaliwan mo na sobrang Gwapo Ay GWAPO Din ang hanap. Mamahalin mo parin kaya Sya o Maniniwala ka na lang Sa teacher mo sa Science na Walang FOR...