Sam's Pov
"Tol wag mo tirahin sa puwet hindi tatayo yan"
"Ayaw pumasok sa butas eh . Ahhh... Ahhh... Ahhh..."
"Isentro mo muna bago mo kasi ibaon"
"Uhg. Uhg. Uhg. Ayaw talaga dito na lang masarap din naman"
"Wooh ako na nga tutusok nung sayo"
"Siguraduhin mong maipapasok mo yan ah"
"Uhg. Uhg. Potsa tol hindi kinaya ng beauty ko sabay nga tayo, hawakan mo ako magpapasok Uhg. Uhg."
"Taena tol kahit bakla ka ang galing mo sharp shooter ka talaga"
"Oh sipsipin mo na, dami mo pang sinasabi."
"Oh loko to wag mo kagatin"
"Sarap eh gusto mo tikman?"
"Tol ubos na ata?"
"Pisilin mo meron pa yan. Simutin mo yan"
"Oy taena nyong dalawa magpatulog kayo. Umiinom lang kayo ng Zesto dami nyo pang sinasabi."
Sumingit na ako sa kalokohan ng dalawa.
Badtrip tong si Pat at Kristoff parang mga ewan.
Ingay ingay eto na lang time ko umidlip dahil walang prof . Boset to!
Ewan ko ba naman dito kay Kristoff pagkatapos mabusted ni Janna ayun lumaklak ng Zesto.
Weird noh kala ko magpapakalango sa alak pero ayun Zesto ang tinitira. Lagi nyang kasama si Pat.
Makatulog na nga lang ulit gisingin nyo na lang ulit ako pag andyan na si Suho XD
Celine's Pov
Nandito ko ngayon sa library humahanap at pilit iniintindi ang mga law books sa harap ko.
Bakit nga ba kailangan ko itong gawin?
Para lang sa isang hot proffesor namin sa Constitution.
Yung gwapo nyang mukha tinernuhan ng mahaba nyang buhok, matangos na ilong at mapupulang labi. At alam ko sa loob ng long sleeve nya nagtatago ang anim na pandesal at yummy nyang V-line.
OH mah Ghad Celine airconditioned dito pero grabe pawis ko.
So ayun na nga kailangan ko magpabida para mapansin nya.
Ewan ko ba kahit sabihin ng mga kaibigan ko na tama na pagpapantasya at kahit bata pa si sir bawal talaga kami.
Pinagbabawalan nila ako eh wala naman namamagitan sa amin.
Mga kaibigan ko masyadong advance kung mag-isip.
Tsaka almost 2years left para makagraduate ako. Pag nakagraduate na ako pwede na maging kami. Yihiiii
Sisiguraduhin kong magiging kami. At hindi matutulad kay Kristoff ang love life namin. Busted na nga muntikan pang masabutahe.
Paano ba naman akala naming lahat na yung surprise at roses na natatanggapni Janna sya yung may pakana.
Kung hindi pa namin nakita sa may hallway malapit sa theatre may kalampungan. Kaya hindi ko din masisisi si Janna kung bakit hindi nya sinagot etong mokong na ito eh.
Buti na lang matalino kami ni Jhanine at gina wan namin ng paraan.
Isa isa kaming umalis sa tabi ni Janna that time buti nga hindi nakahalata, tulala kasi malalim siguro iniisip. Nung makatakas na kami tsaka namin pinaliguan ng sapok si Kristoff.
BINABASA MO ANG
Accidentally Fall Inlove with a GAY( on-going)
Teen FictionAng magmahal ng taong iba ang mahal, sobrang sakit na ang dala.Pero may sasakit pa ba kung ang taong kinababaliwan mo na sobrang Gwapo Ay GWAPO Din ang hanap. Mamahalin mo parin kaya Sya o Maniniwala ka na lang Sa teacher mo sa Science na Walang FOR...