Part 23

25K 1K 163
                                    


KAUSAP ni Amari si Nicci sa phone, nagtaka siya at ito mismo ang tumawag sa kanya. Hindi sila madalas mag-usap nito, kung may sasabihin man ito ay sa text lang.

"Wait, what?" naguguluhang tanong niya sa kapatid.

Tumawa si Nicci. "You heard it right, gusto kitang kasama kong mag-endorse ng Skin Haven products. Ipo-post ko sa social media accounts ko ang photos mo, tapos isi-share kita sa bayad sa akin."

"Bakit?"

"Because you have a stunning skin complexion, Amari. You see, halos lahat ng brand ambassadors ng Skin Haven ay mga mapuputi. Mas nagfo-focus sila sa products na pampaputi kasi. Gusto kong makakita naman ang customers ng natural na light brown-skinned na hindi gustong baguhin ang kulay ng balat niya."

"You think my skin looks good?"

"Duh! Hindi mo alam? Inggit nga ako sa complexion mo, effortless na makinis at tan. Gusto ko sana ganyan din ang kulay ko kaso si Mama, ayaw niya akong paarawan. Mas maganda daw kung maputi."

Nicci wanted a tanned skin? Hindi niya alam iyon.

"Huwag ka kasi nakikinig palagi kay Mama," sulsol ni Amari.

"Nakakasawa na nga rin," himutok naman nito. "Gusto ko sana magpa-tattoo ng maliit lang sa wrist, ayaw niya. Dumi lang daw sa balat iyon."

"Bakit mo pa kasi ipagpapaalam? You're an adult now, you can decide for yourself. Besides, acceptable na sa Miss U ang may tattoo."

"Yeah, tama ka."

Ramdam ni Amari ang lungkot sa boses ni Nicci.

"Kumakain ka pa ba? Parang pumayat ka konti noong nakita kita sa TV kagabi."

Tumawa ang kapatid. "Oo naman, diet nga lang. Buti ka pa, hindi tumataba. Ako e makaamoy lang ng burger ay naggi-gain na agad ng weight. Nakakapagod na rin mag-gym palagi."

Hindi siya sanay na naghihinaing sa kanya si Nicci, lalong hindi siya sanay na naghahayag ito ng parang inggit sa kanya.

"Basta huwag ka naman papagutom, baka mag-collapse ka sa pageant, o magka-brain fog ka't hindi makasagot sa Q and A, sige ka."

"Try ko tumakas mamaya, kain ako ng donut o pizza."

"Kung nandiyan lang ako, igagawa kita ng cinnamon rolls."

"Ay, sobrang nami-miss ko na nga iyan! Ang tagal ko nang hindi nakakakain ng carbs."

"As in no carbs diet ka ba? Iyan ba ang sabi sa iyo ng dietician o nutritionist ng ATI?"

"Puwede naman daw konting carbs o mag-splurge sometimes. Kaso nakabantay palagi sa akin si Mama."

Napa-roll eyes si Amari. "Panira talaga ng trip si Mama kahit kelan."

Bumuntonghininga na lang si Nicci. "O, ano? Pag-isipan mo ang offer ko, ha?" pagkuwa'y paalala nito. "Hindi naman need na pro ang mga photo, kahit kuha lang ng cellphone mo, basta malinaw at litaw ang skin mo. Ipadala mo sa akin anytime, at ako na ang bahala."

"Si-share mo talaga ako sa TF mo?"

"Oo sabi."

Si Amari naman ang tumawa. "Sige, pag-iisipan ko."

"Siyanga pala, on the way na iyong mga padala kong canned foods for you."

"Endorser ka na rin ng mga de lata? Sige, patulan mo lahat ng mga iyan, income din 'yan, ano? At siyempre may freebies din ako."

"Oo, kaka-pirma ko lang kahapon sa De Villa Legacy."

"As in DVL talaga? Bongga! Biggest food and beverage company iyan sa bansa."

Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon