1

24 3 0
                                    

First

Sikat ng araw na nagmumula sa bintana ang gumising sa mahimbing kung pagkakatulog. Bahagya kung inabot ang teleponong nasa tabi ko at tinignan ang oras mula dito.

Kaagad akong napabangon ng makitang alas sais pasyado na ng umaga. Unang araw ngayon ng pasukan.

Ilang taon ring natigil ang f2f classes dahil sa covid at ngayon ay ang pagbabalik namin sa eskwelahan.

Halos magtatatlong taon na rin at parang kailan lang ay nasa grade 8 pa ako at ngayon ay shs na. Naka time-lapse ba? bakit parang masyadong nagiging mabilis ang panahon?

Kinuha ko ang towel na nakasabit sa hanger na sinabit ko kagabi at dumiretsyo sa banyo sa baba dahil inaayos ang banyo dito sa taas. Nilock ko ang pintuan at inumpisahang mag alis ng damit bago dumiretsyo sa shower at binuksan.

"Letche! ang lamig!" Kahit na nanginginig ang tuhod ko dahil sa lamig ng tubig ay pinagpatuloy ko at minadali nalang na maligo. Kaagad akong dumiretsyo sa kwarto ng matapos ako at nagbihis.

Wala pang available na uniform dahil marami ang nagpareserve sa bawat tindahan ng uniform bago pa man nagsimula ang pasukan at inannounce rin naman ng paaralan namin na pwedeng hindi muna maguniform dahil unang araw pa lang naman ng klase

Kinuha ko ang white t-shirt at maong na pants sa cabinet ko tsaka  ko yun sinuot, nang matapos ako ay dumiretsyo ulit ako sa baba para kumain at isuot ang sapatos ko. Nadatnan ko namang gising na rin si mama at nagluluto ng pang umagahan. Lumapit ako sa pwesto nya at humalik sa pisngi nya.

"Morning" bati ko

"Morning, ginising mo na sana yung kapatid mo" sabi nya saakin at tinuon ulit ang pansin sa niluluto nya

"Ginising ko na, pababa na raw"

Kumuha ako ng tasa at nagsimulang magtimpla ng kape, sakto namang pumasok sa cr ang kapatid ko at minadali ring maligo.

Halos mag aalas syete na nung matapos sya kaya nauna na akong kumain. Ayoko namang malate sa unang araw ng klase. Patapos na ako nung umupo sya sa mesa at sinimulan ring kumain. Hindi ko nalang sya pinansin at lumapit na ako sa sink para magsipilyo ng ngipin, ofcourse. 3x a day

Nang matapos ako ay dumiretsyo ako sa salamin at tinignan ang kabuoan ko, ngumiti ako sa repleksyon ko tsaka ako dumiretsyo sa sala at kinuha ang bag ko. Sinabit ko yun sa balikat ko tsaka ako humalik ulit kay mama. Sabi naman nya ay ihahatid na nya kami pero umiling ako, kaya ko naman ng magdrive.

Nang matapos ang kapatid ko ay drinive ko na ang sasakyan.

Nang makarating kami ay nakita ko naman kaagad sa gate ang mga kaibigan ko, pinark ko ang sasakyan namin at ng makababa ako ay lumapit ako sakanila tsaka sila nginitian

"Riaaa! Ahhh i miss you!" Sigaw saakin ni summer at mas hinigpitan ang pagkakayakap saakin. Napaikot naman ako ng mata, kakakita lang namin kahapon dahil bumili kami ng gamit sa mall sa kabilang bayan

Bahagya kung hinampas ang kamay nya kaya napabitiw na sya saakin, napanguso naman sya kaya ko sya binatukan.

"Para kang bata" nag make face naman sya kaagad. Isip bata talaga

"Goodmorning" tumingin naman ako sa likod ko at nakita ko sya, jairo. My boyfriend. Lumapit sya saakin at bahagyang ngumiti

"Sorry to keep you waiting, hatid ka na namin sa classroom nyo" napatango naman ako sakanya. Nakita ko naman ang pag-ikot ng mata ng mga kasama ko kaya ko sila sinita.

Nauna na kaming naglakad ni jairo at nasa likod naman namin ang iba naming kasama.

Nasa pinakadulo ng hallway sa second floor ang classroom ko. Stem ang kinuha namin since grade 11. Humss naman ang kinuha ni jairo at nung isa pa nyang kaibigan. Pumasok kami ni summer sa classroom. Dumiretsyo naman sa 4th floor sila sandy at sheryl dahil nandun ang classroom ng stem 2. Sa pagcor naman pumunta sila jairo. Sabi nya ay babalik daw sya mamayang recess para sabay kaming bumili. Tumango naman ako sakanya.

"Ilang months na ulit kayo ni jairo?" Tanong saakin ni summer ng pagkaupo na pagkaupo pa lang namin. Nasa pinakahuli kaming row.

"2 months"

"Ria what if--" hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng agad ko syang binatukan.

"Manahimik ka, hindi mo ako mapapa overthink dahil all boys sila sa section nila" tawa naman sya ng tawa kaya inirapan ko ulit.

"Fine, tatahimik na pero what if bakla pala bet nyang boyfriend mo"

Napairap ako ng mata.

Sakto namang pumasok sa loob ang teacher namin, she's our advicer and also our gen chem teacher. 7:30 to 8:30 ang gen chem namin at sunod ang earth science then after nung earth science ay recess tapos 9:00 to 10:00 is oral communication and our last sub is pre-cal. Well i guess, this day wouldn't be so bad at all

Introduce yourself lang ang nangyari sa dalawa naming sub.

lumabas kami ng matapos ang earth science tsaka kami tumambay sa labas ng classroom namin. Hinintay namin ang iba naming kasama bago kami pumunta sa canteen.

Nang pabalik na kami ay kasama namin sila jairo, bago pa man kami maka-akyat sa hagdan ay pinahawak ko muna sakanya ang binili ko tsaka ko sinintas ang tali ng sapatos ko. Saktong pag angat ko ng tingin ay isang pares ng mata ang sumalubong saakin.

It's james. My long time crush, hindi naman siguro masama na magkacrush kahit may boyfriend na diba?

Bahagya namang yumuko si jairo kaya sya ulit ang nasa paningin ko. Ngumiti sya saakin at inabot ang kamay ko kaya tumayo na rin ako. Bahagya akong napaiwas ng tingin tsaka kami sabay tumaas at tumambay sa harap ng classroom namin

"Sabay tayong lalabas mamaya?" Tanong nya saakin bago uminom sa canned coke na binili nya. Inabot nya saakin ang isa at binuksan ko muna bago sumagot sakanya

"It depends, mamayang hapon ba?" Tanong ko at uminom sa hawak ko

"Yes"

"Sure" pag sasang-ayon ko tsaka na ako nagpaalam na papasok na ako sa loob. Tumango naman sya saakin, hinintay ko muna syang bumaba bago ako pumasok sa loob

"Kita ko yung kanina, yung tinginan nyo ni james" natatawang saad ni summer bago nya sinundot ang tagiliran ko.

"Manahimik ka" saad ko pero sa loob looban ko ay parang may kung anong mga nagsisilaparan sa sikmura ko. Butterflies, they said.

"Sus, ikaw ha! pero honestly mas bet ko pa si james para sayo kaysa sa boyfriend mo"

Inikutan ko muna sya ng mata bago ako sumagot sakanya

"Oo at halata ring hindi ako papatulan."

Tumawa naman sya bago umayos ng upo dahil pumasok na rin ang teacher namin

James is my long time crush, before ko pa nakilala si jairo ay mas nauna ko ng nakilala si james but jairo pursued me and james didn't. Kasi sino ba naman ako and I'm not planning to have a relationship with him, I'm contented adoring him silently. The glances that i can have. That's enough for me.

James? how can i describe him? He's almost perfect. Volleyball player, tall, he's more flawless than other girls out there, proud nose, thin pinkish lips, perfect eyebrows, long eyelashes, his perfect brown doll eyes, perfect masculine body. His aura always scream "fictional wattpad boy vibes" he's just so good to be true and i know that i actually don't have the chance to have him.

Bahagya akong napailing at tumingin nalang sa harap  at nakinig sa teacher namin.

@evie.




Wishing SilentlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon