12

14 1 1
                                    

Jealous

Tinulak ko pabalik sa kanya ang inaabot nyang fresh milk saakin pero umiling sya

"Sayo na" saad ko at tinulak ulit pero tinulak nya rin pabalik saakin

"No. Take it." Seryoso nyang saad pero ako rin ang umiling at binigay ulit sakanya

"Take it, james" I said, almost a whisper.

"Bria, I insist." he answered then smiled.

Letcheng ngiti yan. Auto "butterflies in my stomach" basta ngiting galing  sakanya.

"A-anong ginagawa mo dito?" Lito kung tanong sakanya at kinuha na ang inaabot nyang fresh milk at nilagay sa pushcart ko.

"Can't I come here?" Pilyo nyang sagot saakin at bahagyang hinawakan ang kamay ko para hilain paalis sa pushcart at sya na mismo ang nagtulak

"W-what are you doing?" Tumaas ang tingin ko sakanya at pilyong ngiti lang ang natanggap ko sakanya.

"Let's go?" Pilyong saad nya saakin at naunang maglakad habang tulak tulak ang pushcart ko

Patakbo naman akong sumunod dahil sa laki ng mga hakbang nya. He's tall. Medyo mas matangkad nga lang si paul pero hindi naman masyadong nalalayo ang tangkad nila ni james pati sa body features. 

Paul is tall and have a masculine body but in a sexy way. Yung katawan na alam mong nag gygym pero hindi katulad ng iba na nasosobrahan na sa laki ng biceps and muscles dahil sa pag gygym.

While James have a slim waist and also a masculine biceps and masculine legs. Maybe because he is a volleyball player. Madalas rin ang training nila kaya siguro maganda ang pangangatawan at healthy tignan.

Napailing ako.

Why am I even comparing them? At bakit katawan nila ang pinaguusapan ko?

Napabuntong-hininga ako kaya biglang napalingon si james saakin habang naglalakad kami.

"Pagod ka na?" he asked in a worried voice.

Napailing naman ako kaagad sakanya.

"Hindi, hindi! Okay lang ako" sagot ko at bahagyang naglihis ng tingin.

Tumango naman sya saakin at bahagyang hinila ulit ang kamay ko para mapalapit sakanya.

Letche! Mahihimatay ako ng wala sa oras dahil sa panghihila nya sakin eh

Naglibot pa kami at kumuha ako ng ilan pang groceries para hindi na kailangang mag grocery ulit next week. Makailang beses ko ring sinubukang kunin ang pushcart ko kay james pero palagi nyang sinasabi ang "I insist" kaya wala tuloy akong choice kundi ang hayaan nalang syang magtulak.

Para tuloy kaming nag grogrocery date. Eme

Napatawa ako sa sarili kung banat at nakipag-usap nalang ulit sakanya habang todo naman ang ngiti nya sa bawat kwento ko.

Wala na, hulog na hulog na ako sa letcheng  ngiting yan. Hindi lang pala sa ngiti nya, kundi sakanya na talaga.

Dumaan kami sa may meat section at napatigil ng may tumawag sa pangalan ko.

"Bria!" Sigaw ni summer at lalapit sana sa pwesto ko ng biglang humarap rin ang katabi ko sa kung saan ako nakatingin

Gulat namang napatigil si summer at kasunod naman nya si sheryl sa likod na bahagya pang nahawak ng bibig at nilakihan ang mata. Maybe asking, why I am with this handsome man beside me.

Bahagya pa akong napangiti at kumaway.

Dumiretsyo naman ang dalawa sa harap namin at napansin ko naman ang dalawang karne na hawak nila pareho.

Wishing SilentlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon