4

8 2 0
                                    

Travel

Kinabukasan ay maaga kaming ginising dahil ngayon rin kami magbyabyahe papuntang baguio. Alas quatro na ng umaga at dumiretsyo ako sa banyo para maligo. Masyadong malamig ang tubig kaya nagmadali ako. Nang nagbibihis ako ay nagsimula na akong mangati. Allergies, ofcourse.

Grade 7 ako ng nagsimulang magsilabasan ang mga allergies ko basta pag masyadong malamig na tubig ang pinanliligo ko, pareho kami ni mama. She also have the same allergy as mine when she was 16, college sya noon at sa baguio nag-aaral that's why it's even harder for her. Madalas na magsilabasan ang mga allergy nya noon at madalas madala sa clinic dahil nagbabara rin ang lalaumanan nya.

Hindi yun nawala pero hindi naman na masyadong malala dahil dito na sya sa Ilocos nakatira.

I started to wear my sleveless turtle neck, faded skinny jeans, a boots and a coat. I didn't wear the coat yet because it's still hot in here.

Kinuha ko ang bag na may lamang mga damit at iba pang kakailanganin ko nang nagtawag na si daddy na aalis na kami. Nagsimula ang byahe namin at hindi naman traffic dahil wala ngang special event sa baguio ngayon. My parents doesn't want the "crowded baguio" that's why everytime that we will visit baguio they will really check if there will be an event there.

Nakatulog na ang kapatid ko at ako naman ay nakatingin lang sa labas habang nagbyabyahe kami. Naiisip ko isang taon nalang rin pala ay gragraduate na kami at pati na rin si james. Saan kaya sya mag-aaral? May mahahanap kaya syang iba? Syempre hindi na rin naman kataka-taka. Baka nga sya pa ang lapitan ng babae if ever na magcocollege na sya. Napailing ako. Why do i even care about his lovelife?

Huminto ang sasakyan namin sa isang gasoline station. Bumaba kaagad si mama at dumiretsyo sa cr. Bumaba rin ako ng sasakyan at magccr rin sana pero paglabas ko pa lang ay ramdam ko na ang lamig. Hindi ko suot ang coat ko kaya kinuha ko rin yun sa loob ng sasakyan at sinuot. Malapit na rin kami sa baguio kaya ramdam na dito ang lamig.

Natatawa akong lumapit kay mama ng nakita syang nagsusuka. Hindi na sanay sa byahe. Bahagya nya naman akong inikutan ng mata ng matapos sya at naghugas ng bibig. Nag cr ako sa kabilang banyo at lumabas rin.

Nagpatuloy ang byahe namin at hindi ko namalayang nakatulog na rin ako, nagising nalang ako ng maramdaman kung huminto ang sasakyan. Nakapila kami papunta sa parking area na malapit sa burnham park. Kaagad kung inayos ang upuan ko at nagkusot ng mata

"Dito na tayo magparking dahil walang parkingan malapit sa session road" tumango ako at sinimulang mag-ayos ng mukha. Naglagay ako ng mascara at kunting lipbalm para hindi mag-dry ang labi ko. Binigay ko ang lipbalm na hawak ko ng humingi rin si ianne, kapatid ko. She's 3 years younger than me, currently in grade 8.

I don't know if she's just boyish or a bi. She told us before that she have a girlfriend. For heaven sake? Girlfriend? Our parents didn't totally agree with it but they kinda support her which i didn't like. It's not that i hate it. But i totally disagree with it.

Bumaba kami ng sasakyan at dumiretsyo ulit sa malapit na cr dahil naiihi na naman si mama. Nilibot ko naman ang paningin ko at hindi pa naman masyadong maraming tao kaya nagustuhan ko.

Dumiretsyo kami sa session road at kumain sa isang kainan. It's a light breakfast because daddy doesn't want a heavy meal for breakfast, baka daw hindi na sya makalakad mamaya if magheheavy meal na kami. Unang pinuntahan namin ay ang cathedral. My parents always tell me that we should always thank God for always giving us blessing, so i did.

Lumuhod ako at pinagsiklop ang kamay ko at pumikit.

I prayed.

Nang maghahapon na ay dumiretsyo kami sa isang hotel na medyo may kalayuan sa burnham pero ayos lang naman saakin. My body is still not that tired but i know my parents feel the opposite of it.

Nagcheck in kami sa isang hotel at dalawang kwarto ang kinuha. Yung family room sana ang kukunin kaso hindi daw available sa hotel na tutuluyan namin dahil nakareserve

Binigay saakin ni daddy ang room card at nauna na silang pumasok sa isang kwarto.

Dumiretsyo naman kami ni ianne sa isang kwarto at pumasok, nilagay ko na ang room card para mabuksan ang mga ilaw  sa loob.

Dalawang queen size bed ang meron at malawak rin ang cr. May dining area na sakto lang ang laki para sa pang dalawahang tao. May tv rin at mini fridge. Binuksan ko yun at may tubig na mukhang bago lang rin. Nilapag ko muna ang gamit ko sa sofa at humiga sa kama

"May swimming pool daw sa taas, ligo tayo mamaya!" Tuwang saad ni ianne saakin pero napailing ako. Siguro nga ay may heater yun o ano pero wala pa ako sa mood maligo.

"Ikaw nalang, malaki ka na" ngisi kung saad at dumiretsyo sa veranda para magpahangin.

@evie.

Wishing SilentlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon