24

12 2 0
                                    

Fight

Pumasok ako sa loob ng sasakyan at nilock ang pintuan bago nagsiunahang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Why do I even feels this way? alam ko namang matagal na silang wala, they were just fling back then but why does it feels like this? para akong unti unting binabasag

Nagmadali akong magpunas ng mukha ng makarinig ng pagkatok mula sa pintuan. Kaagad kung binuksan ang pintuan sa driver seat at lumabas at didiretsyo sana sa passenger seat ng agad pinulupot ni james ang kamay nya sa bewang ko at mahigpit akong niyakap.

"I'm sorry" saad nya at siniksik ang mukha sa leeg ko

Kusang namasa ang mata ko at niyakap sya ng mahigpit bago nagsalita

"Bakit ba sa tuwing may hindi tayo pagkakaintindihan, ikaw palagi ang mas nauunang nagsosorry saakin? Bakit hindi mo man lang ako hintayin magsorry sayo kahit na kasalanan ko naman lahat dahil sa pagiging selosa at mapride ko" bahagya nyang hinaplos ang likod ko para pakalmahin ako

"Kasi hindi ko kaya. Hindi kita matiis, bria. Ayokong nagkakatampuhan tayo. Ayokong masama ang loob mo saakin. Kaya kahit na minsan alam ko na kasalanan mo, magsosorry pa rin ako sayo kasi alam ko naman na sa huli magsosorry ka pa rin saakin" bahagya syang tumawa sa huli at tumayo ng maayos habang hawak pa rin ang bewang ko at ngumiti saakin

"Mahal kita" saad nya at dinampian ng isang halik ang noo ko bago ako pinagbuksan ng pintuan sa passenger seat

Inayos nya ang seatbelt ko at namamasa naman ang mata ko habang nakatingin sakanya.

I didn't know he could love me more than I do. I didn't know he would be the best man I would ever know. He...is my life. my man, my james.

Marahan kung hinaplos ang pisngi nya kaya napaangat ang tingin nya saakin.

"Mahal na mahal kita.." ngumiti sya saakin at unti unting lumapit kaya hinintay kung dumampi ang labi nya sa labi ko pero hindi sya tuluyang nakalapit dahil nabitin ang seatbelt nya kaya pareho kaming natawa

"I didn't kissed you because of my seatbelt but I know for sure, I love you more than you love me, bria" tsaka nya hinawakan ang pisngi ko at marahan naman akong sumandal sa kamay nya para damdamin ang haplos nya "Let's go home?" ngiting tanong nya kaya tumango ako

Nang makarating kami sa condo ay kaagad syang bumaba para pagbuksan ako ng pintuan at sakto ring nagring ang phone ko

Tinignan ko ang caller at nagpakita ang pangalan ni summer. Tumingin naman ako kay james at tumango naman sya saakin kaya lumabas ako ng sasakyan at sinagot ang tawag

"Ano na teh, enjoy na enjoy ka naman jan? Habang ako dito stress na. Kailan ka ba uuwi dito sa baguio?" natawa naman ako sa sinabi nya at sinagot ang tanong ng hipokrita

"I'll try to ask james later kung gusto nyang ihatid nalang ako kaysa magbyahe---"

"Ofcourse, ihahatid kita" pangcucut nya sa pananalita ko kaya nang-asar naman si summer mula sa kabilang linya.

"Oh edi sige na! kayo na! Kaya ko naman magdrive magisa eh" natawa kami pareho ni james at todo naman ang pagsinhal ni summer "basta ingat nalang pag nagbyahe kayo, okay? Uy james! naiintindihan mo ba ako? babalik mo si bria ng buo dito, walang galos o kahit ano mang gasgas" napailing nalang ako at sumagot naman si james sa panernermon ng pangalawang nanay ko.

Kahit kailan talaga.

"She's still talkative" napapailing si james sa tabi ko at natawa naman ako sa reaction nya

"I know" tumingin sya saakin at napatawa rin, kinuha nya ang kamay ko at pinagsiklop bago kami naglakad papuntang elevator hanggang sa makarating yun sa floor namin

pumasok kami sa loob at dumiretsyo naman ako sa kwarto nya para magpalit ng damit. Nang makabihis ako ay inayos ko ang ilang gamit na dala ko nung bumaba ako galing baguio, kukunti lang rin naman toh dahil mabilisan lang naman.

Hindi rin naman masyadong nagamit dahil may sarili rin naman akong gamit dito. It's so convenient tho.

Bahagyang may kumatok sa nakaopen na pintuan ng kwarto kaya napaangat ako ng tingin.

"Tapos ka na?" tanong ni james saakin

"Hindi pa pero mabilis nalang toh" sagot ko at napatango naman sya saakin.

Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng gamit at nararamdaman ko naman ang pagtitig nya saakin

"Please, don't look at me like that" saway ko

"Ganda mo, love" bigla naman nyang sagot, kaya biglang naginit ang dalawang pisngi ko dahil sa mga bigla biglaang pagsasagot nya ssakin

"Lumabas ka nga muna. Hindi ako makaconcentrate dahil sayo eh! Labas!" sabay turo ko sa pintuan at natatawa naman syang sumunod saakin at sinarado na mismo ang pintuan ng kwarto

Napailing  nalang ako at pinagatuloy ang pag-aayos ng gamit at di rin naman nagtagal ay naiayos ko na. Lumabas ako ng kwarto at dinala ang bag ko.

Nasa sala si james kaya binuhat ko ang gamit ko at nilapag sa isang sofa bago tumabi sakanya

"Anong oras tayo magbyabyahe? Sure ka bang ihahatid mo ako?" nag-aalalang tanong ko.

Ofcourse , he have schoolworks to finish too. Pano pag may namiss sya pag hinatid nya ako papunt sa baguio?

"Yup, Wala naman akong klase bukas. Sa susunod na araw pa. Then yung mga schoolworks ko nagawa ko na rin para maihatid talaga kita" sagot nya saakin kaya naman ako tumingin sakanya at nginitian sya

"Ang effort mo talaga" marahan nyang inakbayan ang balikat ko at hiniga ko naman ang ulo ko sa braso nya at tumingin sa tv

"Because it's you." humulma ang isang ngiti sa labi ko at hindi sumagot sakanya at tinuon ang focus ko sa panonood.

_____

Alas dos ng madaling ng inaya ko syang magpabaguio na para may time pa syang makapaglibot at makasama ako sa baguio bago ulit sya umuwi sa La union

Pumayag rin naman sya kaya nag-ayos lang  rin sya ng ilang gamit para may pamalit pag makikituloy sya sa apartment ko sa baguio. Iilan lang ang shirt nya sa place ko at karamihan sa iba ay ginawa ko ng oversized shirt ko dahil ang comfy

"Nandito na tayo" pang gigising ko kay james ng nagpalit kami sa pagdridrive ng medyo malapit na rin dito sa baguio dahil nga hindi nya kabisado ang daan.

Bumaba sya ng sasakyan at tinulungan akong magbuhat ng gamit para maipasok na sa loob. Naglibot sya sa apartment ko at ako naman ay nagtimpla ng kape para saamin.

Narinig ko ang yabag ng sapatos nyang papalapit sa pwesto ko at ng makalapit saakin ay agad nyang pinulupot ang kamay nya sa bewang ko mula sa likod at pinatong ang ulo nya sa sa braso ko

"I like the new paint of your place" he said then he left a peck kiss on my neck. Making me shiver with the tickling sensation "But I like you better."  sabay halik ulit ng mabilisan sa leeg ko

@evie.

Wishing SilentlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon