25

7 0 0
                                    

Spg

Nang matapos kaming magkape ay inaya ko syang lumabas para makapaglibot kami ng mas maaga at para mas marami kaming mapuntahan

"Puntahan muna natin kaya si summer?" tanong ko habang palabas na kami ng apartment at napatingin naman sya saakin

"Sure, love" ngumiti naman ako at pinagpatuloy ang paglalakad

Hindi din naman kalayuan ang apartment ni summer sa apartment ko kaya mas maganda ng lakarin. Baka mamaya ay sumama pa ang loob nya pag hindi ako nagpakita sakanya, alam mo naman nanay ko eh. Isang floor lang ang agwat ng apartment namin ni summer. Nasa 2nd floor sya habang nasa 4th floor naman ang akin.

Nang makarating kami sa harap ng apartment nya ay sakto ring bumukas ang pintuan nya. Lumabas sya at agad kaming napansin sa labas

"Briii!" excited nyang sigaw at kaagad yumakap saakin.

Akala mo naman isang taong hindi nagkita, ni wala ngang isang buwan!

"Ilang araw lang tayong hindi nagkita, akala mo naman talaga eh" umirap sya saakin at kaagad na binaba ang kamay nyang nakayakap saakin

"Porket meron si james ngayon ganyan ka. Tinatakwil na kita" nakabusangot sya habang nagsasalita at papasok ulit sana sa loob ng tumatawa akong humawak sa braso nya

"Di ka mabiro. Pasok na tayo, gutom na ako" nakangiti kong pagsasalita at mas naunang naglakad papasok sa loob habang hawak ang kamay ni james sa kanang kamay ko at hila ko naman si summer sa kabila

"Ang kapal talaga" rinig kong pagsasalita nya kaya napatawa ako at rinig ko naman ang mahina ring pagtawa ni james

Nang makapasok kami sa loob ay pinaupo nya kami sa sala at sinabing kukuha lang muna sya ng mamemeryenda sa may kusina kaya naman pumayag ako. Nag-insist pa ako na tumulong sakanya pero sabi nya ay bisita kami kaya wag nalang pero pag wala si james ay malamang uutusan ako. Kapal eh

Nagring ang phone ni james kaya napatingin ako dun at kaagad nya namang sinagot.

"I'll just take this" tumingin sya saakin at tumango naman ako.

Lumabas sya sa sala at sakto namang bumalik si summer mula sa kusina dala ang meryenda namin. Nilapag nya sa table ang lemon juice at baked mac.

"Asan punta nun?" napaangat ang tingin ko kay summer.

"May tumawag sakanya" seryoso kong sagot at kumuha na sa baked mac at sinimulang kumain

"Bakit mukha ka na namang nalugi. May tumawag lang naman pala eh" umiling sya saakin at umupo sa kabilang sofa

nakasimangot akong sumubo sa pagkain at hinintay syang bumalik. Saktong paubos ko na ang unang plato ng pagkain ko ng bumalik sya sa sala

"Who's that?" kaagad kong tanong at tumingin naman sya saakin

"Dad." maikli nyang sagot at bahagyang minasahe ang ulo nya bago umupo sa tabi ko.

His dad! His dad don't really get along with him. It's not that he doesn't like james pero he expect something into james. He always pressure him with his course he's taking rn. A normal treatment of a businessman to his son.

Nilagyan ko ang isang pinggan ng pagkain at marahan yung nilapag sa harap nya. Tumaas naman ang tingin nya saakin at kita ko kaagad ang pag-aalala sa mga mata nya kaya kinuha ko ang kamay nyang nakapatong sa binti at mahigpit yung hinawakan.

"Is everthing okay?" nag-aalalang tanong ko at tumango naman sya saakin habang pilit na ngumiti

"Yes love, don't worry. May tinanong lang si daddy" sagot nya at ngumiti saakin pero hindi pa rin ako makampante. Hindi na ako nagtanong pa dahil sa asta nya ay halatang ayaw na nyang pag-usapan ang kung anong naging paguusap nila ng daddy nya.

Wishing SilentlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon