3

7 2 0
                                    

Eye contact

Umuwi ako nang masama ang loob, hindi ko pinansin si avie hanggang sa matapos ang klase dahil natatakot akong may masabi sakanya dahil alam kung naiinis pa rin ako sa ginawa nya kanina. I know that it shouldn't be a big deal but i can't help it. Napabuga ako ng hangin at nilapag ang bag sa sofa.

"May niluto akong meryenda, tignan mo nalang sa kusina. Pupunta muna ako sa farm" saad ni mama habang nag-aayos ng gamit.

Our family owned a farm here in Tagudin, it is the first town in Ilocos sur at isa rin sa pinakamalaking paitlugan dito sa tagudin ang farm namin kaya naman madalas na wala si mama dito, si daddy naman ay inaayos ang papel nya para makapagretired na sya at hinintay lang talaga ang promotion bilang technical sergeant sa pagsusundalo

I wasn't spoiled. Hindi kaming pinalaking ganun ni mama at daddy, dati ay madalas rin kaming kapos at walang makuhanan ng pera. I didn't grow up in a sudden luxury . 2 years ago nagsimula ang pagbubusiness nila mama, lahat na ata ng pagtratrabaho noon ay ginawa nila pero dito lang talaga sa paitlugan lumago at umayos ang buhay namin kaya tinuloy tuloy nila mama hanggang sa mas lumaki nga ang nakukuha naming kita

Pero kahit na maayos na ang buhay namin, i still didn't want to buy things that i want, then please them to pay for it. Pinagiipunan ko lahat ng gusto ko. I still remember when i order a shoes and a vb ball, halos walong libo mahigit ang nagastos ko at ilang linggo rin akong hindi nagrecess, it wasn't a problem for me because i always eat a heavy breakfast before i went to school.

Kumain ako sa carbonara at kalaunan ay nakadalawang pinggan na ako, ofcourse this is my favorite food. Nang matapos ay dumiretsyo ako sa lababo at hinugasan ang pinagkainan ko.

Nang matapos ko lahat ang gawaing bahay ay dumiretsyo ako sa taas at kumuha ng pamalit at dumiretsyo sa banyo. Hindi rin naman ako nagtagal dahil halfbath lang ang ginawa ko. Inayos ko rin ang kama bago ako humiga at nag scroll ulit sa fb

Nakita ko ang my day ni james pero hindi ko yun viniew, nagtatalo ang puso at isip ko pero syempre sinunod ko ang nasa isipan ko. Sinasabi neto na "no, ria. Wag kang marupok" i laugh because of my sudden thoughts. Kahit na gustong-gusto ko sya, i should keep a distance. Simula nung nangyari sa school ay sigurado akong he doesn't feel the same way or siguro ay may iba syang natitipuhan

Naiisip ko kung kasing ganda ba ako ng mga nakikita ko sa internet, matitipuhan nya rin kaya ako? Hindi naman sa dinodown ko ang sarili ko pero bakit parang napapatanong ako sa pagkatao ko tuwing naiisip ko sya at ang nangyari saamin. Umiling ako at pinatay ang ilaw ng kwarto, narinig ko rin ang pagsara ng pintuan ng kabilang kwarto kaya siguro ay matutulog na sila mama pati na rin ang kwarto ng kapatid ko

Mag-aalas dose na pero gising na gising pa rin ang diwa ko. My thoughts is still lingering in my head. I shouldn't feel this way. Napabangon ako at umupo sa kama at bumuga ng malalim. Nakakainis, bakit ba kasi hindi sya mawala wala sa isipan ko. May pasok pa ako bukas!

Humiga ulit ako sa kama at hinayaan ang utak kung maglakbay sa kung saan hanggang sa unti unti na akong nakatulog

Huebes na ngayon at bukas ay walang pasok hanggang sa martes. Saktong pagtaas ko sa second floor ay si james kaagad ang nakita ko. Wow naman kupido, hindi ko alam kung sinasadya mo na ba toh o ano eh.

Nagtama ang tinginan namin at kusa akong natigil sa paglalakad, ganun din sya. Nagkukumahog ang puso ko at di ko alam kung iiwasan ko ba ang titig nya o kung hayaan syang maunang bumitaw sa tinginan namin pero hindi ganun ang nangyari.

Ako ang naunang bumitaw dahil tinawag ni summer ang pangalan ko. Ngumiti ako kahit na nasa dulo sya ng hallway habang kumakaway, sinimulan kung maglakad at nang malapit na ako sa pwesto ni james ay sya ring paglabas ng mga kaklase nya para sa flag ceremony.

Mukha tuloy akong napagitnaan ng mga higante. Hindi naman ako maliit sadyang matatangkad lang sila, nasa 5'1 o 5'2 ang height ko. Not bad for my age.

"Tumabi kayo, may dadaan" rinig kung sabi nya. Napaangat ako ng tingin at ng nakitang nakatingin na sya saakin ay minadali kung maglakad. Bahagya pa akong nadulas pero may humawak na saakin. I'm glad it's not james, isa pa rin yun sa mga kaklase nya

"Okay ka lang?" Tanong saakin at tumango naman ako bilang sagot. Tumayo rin ako ng maayos at dumiretsyo na sa classroom at ramdam ang pamumula ng mukha ko

That was embarassing!

Bakit naman kasi pati sa labas ng classroom nila ay  nagflofloorwax sila! Ilang beses na akong muntikang madulas dun kahit na nag-iingat ako. Yung adviser naman kasi nila masyadong cinacareer ang cleanliness sa loob at labas ng classroom.

Tawang-tawa si summer ng nakapasok na ako sa classroom dahil nakita nya rin ang nangyari saakin. I still can feel my cheeks burning! Sobrang nakakahiya lalo na't sa harap pa nya

"That was epic!" Saad ni summer at tumawa ulit. Kaagad ko naman syang sinapak ng pabiro pero mas lumakas pa ang pagtawa nya. Ofcourse she knows how much i like james. Eh sya pa nga mismo ang nang-aasar saakin noon kahit na kami pa ni jairo. Natigil nalang si summer sa pagtawa ng dumating ang teacher namin.

Sabay kaming lumabas ni summer sa classroom ng matapos na ang klase namin sa hapon, it's 4 in the afternoon and i don't wanna go home yet. Wala rin naman sila mama dun at nasa duty si daddy sa nueva ecija. Siguro ay uuwi rin mamaya dahil balak naming pumunta sa baguio kinabukasan

"Milktea tayo?" Tanong ni summer saakin habang nakadungaw kami sa railings at tinitignan ang papalabas ring ibang mga estudyante na galing sa lower grades na naglalakad sa open ground.

"Sila sandy?" Tanong ko

"Wait, chat ko lang" saad nya kaya tumango ako.

Humarap ulit ako sa katabing room namin at saktong papalabas na rin ang mga ibang grade 12. Tinignan ko sila habang unti-unting nauubos ang loob ng classroom ng humss. Hindi ko sya nakitang lumabas kaya kinalabit ko ang isa kung kaklase na kaibigan ko rin.

"Lester, tignan mo nga kung nandyan pa sya" saad ko at ramdam uli ang pamumula ng pisngi ko ng bahagya syang tumawa at dumungaw nga sa classroom. Kunwari ay napadaan at kaagad rin syang bumalik sa pwesto

"Meron pa, may hinihintay siguro" pang-aasar nya kay napasimangot ako.

Kinalabit ako ni summer kaya napabaling ang tingin ko sakanya

"Pababa na raw, hintayin nalang natin saglit" tumango ako sakanya at hindi naman nagtagal ay nakababa na rin sila.

Dumaan kami sa harap ng classroom nila james at hindi ko sya makita nang tumingin ako sa pintuan sa front door. Nang marating namin ang backdoor nila ay nagsasalamin sya. Sakto ulit ang pagtama ng mata namin at ako na ang unang umiwas. I can't stand looking at him anymore.

Hulog na hulog na ako ng di ko namamalayan.

@evie.

Wishing SilentlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon