Encounter
Napapitlag ako ng may bahagyang sumampal sa pisngi ko at kasunod naman ay ang pagtawag sa pangalan ko.
"Bria! Gising na! Malalate tayo" pang gigising ng kung sino kaya tumalikod ako at tinaas ang kumot ko hanggang ulo.
"Bria! Letche ka. Hihilain talaga kita!" Sabay alis ng kumot ko at hinila ang dalawang kamay ko
" Fine! Fine!" Pasigaw ko ring saad at kusang bumaba ng kama.
Nagkusot ako ng mata at pipihitin sana ang door knob ng napatingin ulit ako sa kung sinong gumising saakin.
"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat kung tanong kay sheryl at hinila na rin sya palabas ng kwarto
"What? Hindi na ba ako welcome dito?" Nakanguso nyang saad at humalakipkip
Napaikot naman ako ng mata at inanyayahan na syang bumaba para kumain.
It's saturday. Nandito lang talaga si sheryl para mambulabog at sirain ang napaka ganda kung panaginip. Umupo sya sa isang high chair at kumuha naman ako ng pwedeng maluto sa ref
"I like you..."
napailing nalang ako bigla ng pumasok ulit sa isip ko ang napanaginipan ko kagabi. As if he would do that in real life. Napabuntong hininga ako at inumpisahang magbatil ng itlog.
"Mag grogrocery ka ba ngayon?" Tanong ni sheryl saakin at kinuha ang isang apple bago dumiretsyo sa lababo para hugasan.
"Oo, sasama ka?" Tanong ko at nilagay sa kawali ang nahiwa na ring sibuyas at kamatis.
"Sure! Tawagan ko nalang rin sila summer para pumunta dito mamaya. Maglunch tayo dito." napaangat naman ang isang labi ko at tumingin sakanya.
"Bahay mo?" Saad ko at bahagyang tumawa
"Oo" sagot nya saakin at tumawa
Napailing nalang ako at tinuloy ang pagluluto. Hindi rin naman nagtagal ay natapos kami at dumiretsyo ako sa banyo para maligo. Nagprisinta naman na maghugas si sheryl kaya pumayag na ako. Sino ba namang tatanggi diba
Pagkatapos kung naligo ay dumiretsyo ako sa taas para magbihis. Nilabas ko sa closet ang isang white semi-fitted dress at sinuot. Dumiretsyo ako sa baba at nakitang kumakain na rin si Ianne habang si sheryl ay nasa sofa at may katawagan.
Nginuso ko ang cellphone na hawak nya kaya nya bahagyang nilayo sa tenga nya at sumagot saakin.
"Summer.." sagot nya at tumango naman ako bago dumiretsyo sa isang kwarto at kinuha ang sandal ko
Lumabas ako ulit at dumiretsyo sa kusina para kunin ang susi ng sasakyan
"May lakad kayo?" Tanong ni ianne saakin at sumubo sa pagkain nya
"Oo, sama ka?" Tanong ko at inayos na ang sling bag ko.
Umiling sya.
"Hindi na, lalabas rin ako mamaya. Pahinging pera" pinasingkitan nya ang mata nya at ngumiti ng nakaka-asar.
Napailing nalang ako at binuksan ko ang gcash ko para sendan sya ng pera.
"Allowance mo na yan, wag ka ng hihingi" pilyo kung saad at lumapit sa pwesto ni sheryl
"Tara na?" Tanong nya saakin kaya napatango ako at naunang lumabas
Binuksan ko ang sasakyan at pinaandar muna para uminit ang makina.
"Sunduin na kaya natin yung dalawa tas sa La union na lang pumunta?" Lumingon saakin si sheryl at tinaasan ng dalawang kilay
"Sige" pagsasang-ayon ko kaya naman napa "yes" sya at may kasamang pagsuntok pa sa hangin.
Nasa waiting shed na malapit sa bahay ng isang kaklase namin si summer at sandy kaya dun nalang namin sila sinundo at dumiretsyo papuntang La union.
"Akala ko ba lunch sa bahay nila bria? Di ako nainform na sa La union na pala bahay nyo" sarcastic na saad ni sandy kaya natawa naman kaming tatlo.
"Yang si sheryl kasi, ang sabi maglulunch lang sa bahay tapos sinabing dumiretsyo nalang sa La union para mas makamura ng bilihin" saad ko at bahagyang tumingin sakanya sa passenger seat at binalik ulit ang atensyon sa daanan
"It's a fact" proud namang sagot ni sheryl sa likuran kaya napailing nalang ako at tinuon nalang ang pansin sa pagdridrive.
Tumigil kami sa isang gasoline station at dumiretsyo naman ang tatlo sa cr.
Pinark ko naman ang sasakyan sa may gilid ng 7-eleven ng makabalik sila sa sasakyan.
"Pahinga muna. Namamanhid na kamay ko" saad ko kaya nagsalita si sandy
"Ako na magdridrive" prisinta nya
"You sure?"
"Yup!" Nakangiting nyang sagot at bumaba na ng sasakyan.
Inanyayahan ko muna silang pumasok sa 7 eleven at sumang-ayon naman. It's already past 10. Malapit na rin naman kami kaya bumili lang ako ng energy drink para makakain pa ako mamaya.
Hindi rin naman kami nagtagal at nagpatuloy ulit kami sa pagbyabyahe hanggang sa makarating na kami sa San Fernando. Mag-aalas dose na ng makarating kami kaya naman minabuti nilang dumiretsyo sa robinson para kumain muna at mamaya nalang ang grocery.
"Saan tayo kakain?" Tanong ni summer saamin at naunang lumakad.
"May alam akong masarap na kainan dun sa 3rd floor pero I forgot kung anong name" conyong saad ni sheryl kaya napaikot ako ng mata at napatawa naman sila.
Kumain kami sa isang fast food sa 3rd floor at hindi naman kami natagalan. Pag katapos kumain ay naglibot libot muna kami sa buong floor ng robinson at todo naman ang mata ng mga gago kakalingon sa mga lalakeng nadadaanan namin.
"Mga mata nyo dudukutin ko yan" saad ko sakanila at nagsiangalan naman ang tatlo bago tumawa
Bumili muna kami ng mango graham shake bago naisipang pumunta sa SM para makapag grocery.
"Maglilibot lang ako, kita nalang tayo sa sasakyan mamaya" paalam ni sandy at kumawag bago humiwalay saamin.
"Mag grogrocery na ako, sama kayo?" Tanong ko sakanila.
"Sasama ako" saad ni sheryl
"Ako rin" dugtong ni summer.
Kumuha ako ng push cart at dumiretsyo sa mga sabon at kumuha ng mga kailangan sa bahay. Dumiretsyo naman si summer at sheryl sa meat section kaya napahiwalay ako.
Dumiretsyo ako sa mga cereal at kumuha ng ilang stocks bago pumunta sa canned goods. Kumuha ako ng tig-aapat sa bawat canned foods at ilang mga noodles.
Should I get drinks too?
Kusa akong napatango tango sa naisip ko at dumiretsyo sa bilihan ng inumin.
"Fresh Milk.." mahina kung bulong at tinitignan ang bawat section ng inumin.
Bahagya akong napangiti ng makita ang hinahanap ko at inabot ang karton ng gatas pero sakto ring may humawak sa kukunin ko.
"Oh. Here, take it" saad ng nagsalita at inabot saakin ang fresh milk kaya napa angat ako ng tingin para pantayan ang tingin nya.
He smiled.
"J-james" I stuttered and blushed.
@evie.
BINABASA MO ANG
Wishing Silently
RomanceBriannie Bumadilla known as "Bria" adores James Galdones since she was in junior high school. She told herself that she will never confess her feelings to him but what if one day. She will be so eagered to confess what she feels? Will she have a cha...