18

4 1 0
                                    

Her side.

Nang matapos kaming maglinis ay lumabas ako ng classroom. Nasa labas naman si james at hinihintay ako

"Tara na?" Tanong nya at kukunin sana ang bag ko ng nilayo ko yun

Bahagya syang nagtaas ng kilay.

"Uuwi muna" saad ko at napatango naman sya

"Uuwi rin muna ako?" Pagtatanong nya kaya natawa ako

"Hindi, sasama ka saakin. Ipapakilala kita" sabay hila ko sa kamay nya at dumiretsyo kami sa sasakyan

Nilabas ko naman ang susi at kaagad na inagaw ni james mula saakin.

Tinaasan ko sya ng kilay at ngumiti naman sya saakin

"I'll drive" sagot nya at hinawakan na ang kamay ko at pinapasok sa passenger seat. Matapos nyang masigurado na okay na ako ay dumiretsyo sya sa driver seat at pinaandar ang sasakyan

"Alam mo bahay namin?" Sabay niliitan ang mata ko

"Ah-huh!" Then he smirked.

"How did you know?" Inayos ko ang seatbelt ko at umupo ng maayos

"Alam ni gerome" tumingin sya saakin at kaagad ring binalik ang atensyon sa pagdridrive.

"No wonder.." sumandal ako sa pintuan at tinitigan sya.

Nakita ko naman ang pagbaba't taas ng adams apple nya kaya natawa ako

"Uncomfortable?" Sabay tawa ko

Nakita ko naman ang pag-iling nya habang nakangisi.

"Who wouldn't, your stare seems something" sabay tingin nya saakin

"Oh stop that!"

Tumawa naman sya at inabot ang isang kamay saakin. Napatingin naman ako sakanya dahil sa inasal nya

"I wanna hold your hand bri" napangiti naman ako at kaagad na hinawakan ang kamay nya

So soft. Daig pa nya ata kamay ko.

Nang makarating kami sa bahay ay kaagad syang bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan.

Gentleman, as always.

"Thank you" sabay ngiti ko sakanya

"Always, bri" inayos nya ang kwelyo ng damit nya at huminga ng malalim.

"Nervous?" Tanong ko at tumango sya

He's wearing white polo t-shirt and partner it with khaki pants.

Hindi talaga uso sakanya ang magsuot ng uniform eh.

Lumapit ako sakanya at pinagpag ang damit nya tsaka sya tinignan sa mata

"It's okay james. You don't have to worry. I swear, they will like you" and smiled.

He smiled at me then held my hand. I gently squeezed it. He's really nervous eh

Pumasok kami sa loob ng bahay at sumalubong naman sa paningin ko si nana melda. Palagi syang pumupunta dito sa bahay pag meron sila mama. More likely, parang kasambahay na rin but to me, she's my second mother

"Nana!" Tawag ko at niyakap sya. Ah it's been a long time since I felt this kind of comfort

Natawa naman sya sa reaksyon ko at niyakap ako habang hinahaplos ang likod ko

"Namiss po kita" saad ko at napangiti naman sya saakin

"Namiss din kita ija" saad nya at dumiretsyo ang tingin sa nasa likod ko.

Tumingin naman ako kay james at kaagad syang lumapit kay nana melda at nagmano

"Magandang hapon po" saad nya at napahawak naman si nana sa bibig nya

"Napaka gwapong bata. Nobyo mo ija?" Pagtatanong ni nana kaya napailing ako

Lumapit ako kay james at kumapit sa braso nya

"Manliligaw po" sagot ko at tinignan si james. Ngumiti naman sya saakin, He's in ease now

"Ay aba, napaswerte mo namang bata ka! Anong ginamit mong panungkit at nakakuha ka ng ganyang kapoging isda sa lawa" natawa naman si james sa tabi ko at napaismid naman ako

Para namang imposibleng magkaroon ako ng manliligaw na ganto kapogi! pareho talaga sila ni mama. Hindi na ako magtataka

"Sila mama po?" Pag-iiba ko ng usapan at sakto namang narinig ko ang pagsara ng pintuan sa isang kwarto

"Anon---" nabitin ang sasabihin nya ng nakita nya ang katabi ko. Bagong gising pa ata eh

Kaagad syang lumapit saamin at imbis na dumiretsyo saakin ay kay james sya dumiretsyo at ngumiti sakanya

"Sya ba yung manliligaw mo nak?" Tanong ni mama at pinagmasdan pa si james mula ulo hanggang paa.

"Oums" ngising sagot ko kay mama kaya inismiran nya ako.

Tumungo naman si james at kinuha ang kamay ni mama para magmano. Napangiti naman si mama dahil sa inasta nya.

"Napakagalang na bata. Tara na muna sa sala. Bakit ba hindi mo muna sya pinaupo briannie ha" napahinga nalang ako ng malalim dahil sa sinabi ni mama

Dumiretsyo kami sa sala at umupo naman kaagad si james. Dumiretsyo naman si nana sa kusina kaya susunod dapat ako ng biglang hinawakan ni james ang kamay ko

"Bakit?" Tanong ko

"Sama ako" parang bata nyang pagsasalita kaya natawa ako

"Sa kusina lang ako, dito ka muna" napailing naman sya sa sinabi ko

"Ayaw, sasama ako" mas lalo akong napatawa ng dalawang kamay na nya ang pinanghawak sa kamay ko

Nakangiti ko nalang hinawakan ang kamay nya hanggang sa makapunta kami sa kusina

Napatingin naman saamin si nana melda.

"Bakit kayo nandito? Ihahanda ko lang toh, bumalik na kayo dun" pagsasalita nya pero dahil pasaway ako ay umupo ako sa high chair at nangalumbaba.

Nagulat naman ako ng imbis na maupo si james sa tabi ko ay dumiretsyo sya kay nana melda at kumuha ng kutsilyo ang ilang rekado para sa niluluto

Gulat ring napatingin si nana sakanya at minadaling tinampal ang kamay nya

"Umupo ka dun, kaya ko na toh" umiling naman si james sakanya

"Palagi ko po kasing tinutulungan si mama pag nagluluto kaya sanay ako. Tutulong na po ako, hindi naman po mabigat na trabaho ito eh" ngiti nyang saad at inumpisahang maghiwa

Napatingin naman saakin si nanay kaya napunta rin sakanya ang paningin ko at sabay kaming napangiti

He's really the standard.

Nakangiti akong nanonood sakanila ni nana. Hindi naman ako makatulong dahil ayaw nilang pareho na tumulong ako. Sabi pa ni nana baka daw dahil sa pagiging clumsy ko imbis na makatulong ako ay kabaliktaran pa ang mangyari kaya minabuti ko nalang na manood kahit na naasar na ako sa pang-aasar nila saakin

"Hindi yan marunong magluto---" pagsasalita ulit ni nana

"Marunong ako" nakangusong pagsasabat ko kaya naman sila natawa

"Really?" Ngising saad ni james kaya napaikot ako ng mata

"Reall---"

"What is this?" Napalingon naman ako kaagad ng may magsalita sa likod ko

"Dad..."

Lumingon sya saakin at kasabay nun ang pag-angat ng mata nya papunta sa manliligaw kung nakasuot na ng apron.

@evie. 

Wishing SilentlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon