Ending
Nagmulat ako ng mata at unang bumungad saakin ang puting kisame, napalibot ang mata ko at natigil yun sa dextrose na nakakabit saakin. Marahan kong pinasandahan ang nakakabit sa kamay ko at nawala lang ang tingin ko dun ng bumukas ang pintuan ng kwarto.
Walang imik akong hinintay syang makaupo sa tabi ko. Ang bigat sa dibdib ko ay mas lalo lang nagpaahon ng mga emosyong ayokong maramdaman nang kunin nya ang kamay ko at tinapik-tapik na para bang sinasabi na magiging maayos ang lahat. Huminga ako ng malalim upang pigilan ang mga luha kong gusto ng magsiunahang pumatak
"P-paul..." tuluyang nabasag ang boses ko ng tawagin ko ang pangalan ni paul kaya mabilis dumapo ang kamay nya sa likuran ko at hinagod iyon.
"Just cry, bria. I'm here" mababang tonong sagot nya at tuluyan akong napahikbi
"A-ang sakit, ang sakit sakit!" nanatili syang tahimik at hinayaan akong umiyak sa bisig nya.
Tangina, naiisip ko pa lang na si athena nga ang fiance nya ay tuluyan ng nanlulumo ang buong pagkatao ko, para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Bakit sya pa? bakit sa lahat ng babaeng pwedeng maging fiance nya ay si athena pa? Why do he need to cheat? bakit kailangan nya pang magsinungaling saakin?
Binuhos ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pag iyak, nanatili namang nakatayo si paul sa harap at marahan na hinahagod ang likod ko at ang isang kamay nya ay nasa buhok ko. Tuluyan lang akong natigil sa pag iyak ng pati ang mata ko ay napagod na, parang bang sinasabi neto na tama na, na itigil ko na dahil nakakapagod na. Humiwalay ako kay paul at pinunasan ang luha ko.
"Feeling better?" tanong nya at umupo bago ako pinagmasdan
Nanatili namang tikom ang bibig ko at dahan dahan lang na tumango sa tanong nya. Nanaig ang katahimikan sa pagitan namin na mas nagpagaan sa loob ko. The silent between us felt peace, parang pakiramdam ko ay ang tanging kapayapaan ko lang ay ang katahimikan. Nag angat ako ng tingin at nagsimulang magsalita
"Ikaw ba yung pumunta sa apartment ko?" pinunasan ko ulit ang luhang namuo sa kaliwang mata ko at huminga ulit ng malalim. Napatitig naman sya saakim at bumuntong hininga bago tumango
"Sandy called me" sagot nya at mabagal naman akong tumango. Sa bawat paggalaw ko ay para akong nauubusan ng lakas. Is this how it feels to be cheated? Inangat ko ang tingin sa kisame para mas pigilan ang pagtulo ng luha ko.
"I don't know what to feel..." saad ko at sinabayanng pekeng tawa at nanatili naman syang tahimik habang pinapakinggan ako. Magsasalita ulit sana ako ng putulin nya ang sinasabi ko
"He chea---"
"James is looking for you, bria" kaagad na dumapo ang tingin ko sakanya at napakagat labing napailing
"I don't wanna see him! Alam kong makikita ko pa lang sya ay tuluyan na akong susuko, paul. Hindi ko kaya.." kumawala ang hikbi sa bibig ko ng isagot ko iyon sakanya.
Ang puso kong nagkukumahog sa tuwing naririnig ang pangalan nya ay unti-unting napapalitan ng galit. Halos ayokong marinig ang pangalan nya dahil naalala ko kung paano syang nagsinungaling saakin.
"Bria---"
Pinutol ko ang sasabihin nya at nagsimulang humagulhol.
"Please! just this time! Ayoko na syang makita paul..." pagmamakaawa ko at lumambot naman ang ekspresyon nya at mabilis akong kinabig para sa isang yakap. Hindi ko maintindihan kung bakit ganto kasakit. Maybe because I wasn't expecting for this. Kahit kailan ay hindi ko naisip na darating kami sa puntong ito ng buhay namin. I always knew that we're okay, walang kulang, wala ng dahilan para hanapin pa sa iba pero ano toh? Bakit biglang may arrange marriage?
BINABASA MO ANG
Wishing Silently
RomanceBriannie Bumadilla known as "Bria" adores James Galdones since she was in junior high school. She told herself that she will never confess her feelings to him but what if one day. She will be so eagered to confess what she feels? Will she have a cha...