A broken Heart
Nagmulat ako ng mata at dumako ito sa kamay na nakapalibot sa bewang ko. Napangiti naman ako at bahagyang hinaplos ang kamay ni james na mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak saakin kaya napaangat ako ng tingin para makita sya
"Goodmorning beautiful" ngiting saad nya at hinalikan ang noo ko
"Goodmorning" bati ko rin at marahang hinaplos ang pisngi nya
Dahan dahan syang bumangon sa kama at nakita kong may saplot na sya. Naginit naman ang pisngi ko dahil kusang nagpakita sa utak ko ang nangyari kagabi.
Uupo sana ako ng bigla kong maramdaman ang hapdi sa gitna ng hita ko at napadaing dahil dun. Who wouldn't? Ang sakit! parang may nahiwa sa gitna ko! Narinig ko ang pagtawa nya kaya umangat ang tingin ko sakanya at inikutan ng mata
"Kasalanan mo toh eh!" daing ko kaya sya lumapit saakin at pinaliguan ako ng halik bago tumayo ulit ng maayos at tinignan ako
"I'm sorry lovey. Just take a rest. I'll cook our breakfast" tumango naman ako sakanya.
Lumapit sya at inayos pa ang blanket bago sya lumabas at dumiretsyo sa kusina. Napahiga naman ulit ako at tinitigan ang kisame. Nawala lang ang pansin ko dun ng biglang tumunog ang telepeno kung nasa lamesa. Inabot ko yun at muling napadaing
Bwisit! Ang sakit sakit!
"Hello?" sagot ko sa tawag
"Hello, is this Briannie Bumadilla?" kumunot naman ang noo ko at tinignan ang caller
"Sino toh?" tanong ko ulit
"Summer's boyfriend. You're her friend, right?" rinig ko rin ang pagtataka sa boses nya kaya sinagot ko na ng maayos
"Ah oo. Bakit ka napatawag?" pagtatanong ko dahil sa pagkakaalam ko wala namang dahilan para tawagan nya ako
Narinig ko ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya bago sumagot saakin
"I just wanna check on her. Sumama kasi ang loob nya saakin ng nagkita kami kahapon and she's not picking up her phone. Hindi rin ako makapunta sakanya dahil pinauwi ako dito kaagad sa manila" problemado nyang sagot at narinig ko ulit ang malakas nyang pagbuntong hininga
May ngisi namang nabuo sa labi ko dahil sa pag-aalala nya sa kaibigan ko.
"I'll check on her later" sagot ko at nagpasalamat naman sya bago pinatay ang tawag. Sakto namang bumukas ang pintuan at niluwa nun ang naka-apron kong boyfriend. Ngumiti ako sakanya na kaagad naman nyang sinuklian.
"Can you walk?" nag-aalalang tanong nya saakin at nilapitan ako bago nya inabot ang kamay saakin
Tumango naman ako pinulupot ng maayos ang blanket sa katawan ko bago binaba ang aking mga paa. Napadaing naman ako ng maramdaman ko ulit ang hapdi, tolerable naman kaya dahan dahan akong tumayo at inalalayan nya naman ako.
"I'll take a bath first" umangat ang tingin ko sakanya at tumalikod para pumunta sa banyo pero nakadalawang hakbang pa lang ako ay muntikan na akong matumba kaya mabilis na pumulupot sa bewang ko ang kanyang matitipunong braso
"Let's just take a bath together, okay?" nag-aalalang sabi nya saakin pero naramdaman ko naman ang pagiinit ng pisngi ko kaya mabilis akong kumawala sa hawak nya at napasandal nalang sa kabinet para alalayan ang sarili ko. Kumunot naman ang noo nyang nakatingin saakin dahil sa biglang pagkilos ko at lalapit sana ulit ng pinahinto ko sya
"I-i can manage!" natataranta kong saad at humakbang palikod habang ang puso ko ay nagkukumahog dahil sa pagkapahiya, ramdam ko rin ang pagiinit pa rin ng pisngi ko
BINABASA MO ANG
Wishing Silently
RomantikBriannie Bumadilla known as "Bria" adores James Galdones since she was in junior high school. She told herself that she will never confess her feelings to him but what if one day. She will be so eagered to confess what she feels? Will she have a cha...