Suitor
Kinaumagahan ay masakit ang ulo kung bumangon. Inabot ko ang tubig sa side table ko at ininom yun
Hindi naman masyadong marami ang nainom ko kagabi ah? Bakit parang binibiyak ang ulo ko
Dumiretsyo ako sa banyo para maligo at ng malamigan kunti ang ulo ko pero pagtapos ko ay ganun pa rin katindi ang sakit.
Bumaba ako at inayos na ang gamit ko at kinuha na ang susi ng sasakyan
"Hindi ka na kakain nak?" Napalingon ako kay mama ng tinanong nya ako.
Napailing naman ako sakanya
"Late na ako ma, kakain nalang ako sa school mamaya. Pumasok na si Ianne?" Tanong ko at sya naman ang tumango
Nagpaalam na ako tsaka ako sumakay sa sasakyan at dumiretsyo sa school.
Nang makababa ako ng sasakyan ay sya ring pagdating ni james sa tabi ko
"Goodmorning!" Ngumiti sya saakin.
Feeling ko lahat ng sakit sa katawan ko ay biglang nawala. His smile can cure everything in just a snap.
Nginitian ko rin sya at sinarado ang pintuan ng sasakyan
Kinuha nya ang bag ko at sya ang nagbuhat.
"Ako na yan" saad ko pero umiling sya at naunang lumakad
"Ako na. Mapapagod ka" pang-aasar nya kaya natawa naman ako at sumabay sakanya
Habang pataas kami sa hagdan ay kusang nagdidikit ang kamay namin kaya bahagya kung nilayo sakanya.
He look at me then gently held my hand.
Sabi na eh, mamatay talaga ako pag magpapatuloy syang ganto saakin
Namumula naman akong nag-iwas ng tingin at narinig ko naman ang bahagya nyang pagtawa
"Uncomfortable ka?" Malambing nyang tanong saakin kaya mas naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko at ang mga paro paro sa sikmura ko
I'd never felt this before. He's really like a poison
"S-stop that!" Nahihiya kung saad sakanya
"Stop what?" Ngisi nyang saad saakin at bahagyang nilapit ang mukha saakin
Bahagya ko syang tinulak at tumalikod para tampalin ang pisngi ko. Letche, bakit ba di ako matigil sa pag ngiti!
"Halika na, ihahatid na kita sa classroom nyo" bahagya nyang hinapit ang bewang ko at nilagay sa harap nya para itulak ako papunta sa classroom namin.
"Sabay tayong magrecess?" Tanong ko at tumango naman sya saakin.
"You shouldn't ask that anymore. We'll do anything you want from now on" nilapit na naman nya ang mukha nya saakin at kaagad na hinalikan ang tuktok ng ulo ko tsaka sya kumaway at nakangiting pumasok sa classroom nila
Tulala naman ako sa labas ng classroom namin habang nakahawak ako sa bag ko.
"OMYGHAD BRIA!!!! WHAT WAS THAT??" hinampas hampas ako ni summer kaya naman napabalik ako sa ulirat
"Masakit!" Napalayo ako sakanya at todo pa naman ang tili nya
Maya maya ay nakita namin ang teacher namin na pumasok kaya pumasok na rin kami ni summer.
Pagkaupo pa lang namin ay imbis na makinig sya sa harap ay ako ang hinarap nya at nilakihan na ako ng mata. Forcing me to tell her what just happened in front of her
Natawa naman ako at inayos ang bag ko bago nakipagchismisan sakanya
"So, you mean nanliligaw na sya ngayon?!" Tili nyang saad kaya napatango tango naman ako ng masabi ko na sakanya lahat
Feeling proud eh?
"Akala ko nga rin he doesn't feel the same way, diba kasi nung nakaraan meron pa si athena? Tas nireto sakanya yun?" Pagtatanong ko at tumango naman sya
"Sabi ni gerome may something sila that time pero parang si girl lang rin ata ang naghahabol. Nagseselos ka dun?" Napaiwas naman ako ng tingin at napa-isip. Do I?
Medyo matagal na rin naman nangyari yun kaya dapat pa bang pagselosan?
Napailing ako kay summer.
"Hindi naman"
"Susss" pang-aasar nya kaya natawa nalang ako
Matapos ang dalawang klase ay dumiretsyo ako sa labas. Sakto ring nagsilabasan sa kabila at hinanap kaagad ng mata ko si james
"Here, bri" napatingin ako sa gilid ko ng biglang sumulpot si james sa tabi ko habang nakangiti na saakin
Nasa likod ang kamay nya at parang batang nakatingin saakin. Ahh I can't help it!
Kaagad kung pinisil ang pisngi nya at bahagya namang napalaki ang mata nya at sumeryoso ang mukha.
"Cute mo!" ngiting saad ko at naunang tumalikod habang nakangiti
Sumabay naman kaagad sya saakin.
"You really know how to make someone fluttered huh" sabay baba ng tingin nya kaya napatawa naman ako
"I didn't do anything" patay malisyang sagot ko kaya natawa na rin sya
Sabay kaming bumaba at todo naman ang tingin ng iba saamin, more likely. Grabe ang tingin nila sa katabi ko
Ofcourse, who wouldn't. Sa tangkad ba naman at kapogian nya. Ako nga nahulog kaagad sakanya eh
"Anong gusto mo?" Tanong nya saakin ng nasa canteen na kami
"Ikaw.." bulong ko at linapit naman nya ang mukha nya para mas marinig ako
"Ano?" Ngising saad nya
"C-carbonara kako" sabay iwas ko ng paningin ko at bahagyang umubo
"Hindi ata yan ang narinig ko" ngising saad nya at bumulong ng mas malapit sa tenga ko
"Mas gusto kita" sabay tayo nya ng maayos at natulala naman ulit ako. Letche talaga!
Kaagad na nyang hinila ang kamay ko ng makabili sya at tumungo kami sa mini-garden na nasa loob rin ng school namin. Nilapag nya ang binili nya at umupo sa kaharap na upuan ng inuupuan ko.
"Kain na" nakangiting saad nya
"Babayaran ko nalang yung pinambili mo kanina" saad ko at seryoso naman syang napaangat ng tingin saakin
"Who told you to pay me? That's my treat." Napaiwas sya ng tingin saakin at inumpisahang kumain.
D-did I offend him?
Sinimulan kung kumain at tahimik naman sya. I really did offend him.
Tuminidor ako ng carbo at nilapit sakanya. Tumingin naman muna sya sa inaabot ko bago tumingin saakin
"Peace offering" saad ko at naglihis ng tingin.
Imbis na kunin nya ang tinidor na hawak ko ay kaagad nyang sinubo ang carbo sa bibig nya kaya mukha tuloy na sinusubuan ko sya.
Napangiti naman ako ng nakangiti nyang kinakain ang carbo na pinakain ko sakanya
"Masarap?" Tanong ko at tumango naman sya saakin
"Should we go togther and see the sunset after class?" Ako naman ang napatigil at tumingin sakanya.
"I'd love that..." ngumiti sya saakin at hinaplos ang buhok ko.
How I love this man....
@evie.
BINABASA MO ANG
Wishing Silently
RomanceBriannie Bumadilla known as "Bria" adores James Galdones since she was in junior high school. She told herself that she will never confess her feelings to him but what if one day. She will be so eagered to confess what she feels? Will she have a cha...