"1,2 --- putangina." binagsak ko ang binubuhat ba barbell sa bigat. Humawak pa ako sa likuran ko sa sobrang sakit.
"Pagod na?"
Huminto ako sa pagrereklamo nang lapitan ako ni Josh na kakatapos lang sa arm work out nito.
"Hindi, dumulas lang sa kamay ko." paghanap ko ng rason para hindi mapahiya sa kanya.
"Totoo?" paninigurado niya.
"Oo nga, tignan mo kasi basang basa palad ko. Pasmado." laking thank you na lang dahil totoong pasmado ako para maniwala siya.
"Okay, sabi mo eh."
Taray niya naman, ayaw maniwala.
"Ikaw nga magbuhat dito." lumaki ang mata ko nang ma-realize kung anong inutos ko sa kanya. "I mean --- nevermind." huminga ako nga malalim at ambang bubuhatin uli.
"Ako muna." hinawakan niya ang braso ko at pinunta ako sa gilid para siya ang pumalit sa pwesto ko.
"Ah, sige." hindi na ako umalma dahil unang una, nakaramdam ako ng spark sa paghila siya. Second, na sabi ko na, pangit naman kung babawiin ko pa at ang huli, gusto ko lang makita kung paano lumabas ang mga ugat sa biceps niya. Tangina, ang mga mata.
Inaral niya ng mabuti kung paano niya bubuhatin barbell bago niya tuluyang gawin. Kabado pa nga ako at mamaya kung hindi naging maayos ang form niya o nagkaproblema, ako ang may kasalanan dahil hinamon ko siya.
"Kung hindi kaya, okay lang. H'wag natin ipilit." siningkitan niya ako ng tingin at binalik ang atensyon sa barbell. "Okay, gusto mo 'yan, eh." pagod na ako makipagtalo, for the support na lang ako sa gilid as stage bebe.
"Manood ka lang." sabi niya sa 'kin habang ang kamay ay naka-taas.
I crossed my arms in front of my chest and waiting to what Josh do.
Palihim na akong nag pra-pray sa gilid na walang mangyaring hindi maganda sa oras na nagbuhat na siya. Mukha lang akong kalmado pero kabong kabado na ako kaya ayusin mo 'yan Josh.
"Ahh." kasalukuyan siyang naka-upo at dahan-dahan niyang binuhat pataas ang barbell. Hindi ko tinignan ng maayos ang muscles niya sa braso sa sobrang kaba nang makita ang hirap na hirap niyang itsura sa pagbubuhat. "Woah!" kumindat pa siya sa 'kin bago binaba.
Putek nag pa-cute pa kasi.
"Kalakas ko ano?" mayabang niyang ngisi.
"Okay." galing mo.
"Hindi support, ay." pagpaparinig niya.
"Paano mo nasabi?" pilosopo kong tanong habang hindi siya tinitignan.
"Weh? Hug mo nga ako kung totoo?"
What the fuck Josh? Anong klaseng behavior 'yan?
"Lol! Mukha kang baliw."
"Poging baliw?" nag pogi pose pa si Josh.
Putek na 'yan.
"Kuya, Andy. May gym date pala kayo, ah." kumunot ang noo ko at nilingon ang familiar na boses ni Jay sa likuran ni Josh na sinabayan pa ng pagtatawa nila Ryster at Gray sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Showbiz Series #4: It Is What It Is
RomanceHow does the fanboy make his idol fall for him? Ctto (Pinterest) to the picture I used to edit as the cover photo.