CHAPTER 8

0 0 0
                                    







"Starting this season sounds weird, because we started with two straight loss. So, yun na yung parang sign sa 'min para gumising na at hindi na pwede maging chill na lang throughout this season."



Losing is not what I aim for. Our goal is to win, but getting hyped is too much. 


There is bashing and criticism. But I wouldn't let that in, and let it destroyed my energies.


"From 0-2, now at rank number 2 and ready to sweep round 2," I smiled at the camera and placed the mic on the table. 



Isipin na nilang mayabang yung statement ko, pinapalakas ko lang ang loob ko at gusto kong matupad yung matagal nang hinihiling ng mga thomasian ay ang ibalik ang korona sa espanya.



"Buong gabi ka nang trending, Andy."



Ngumisi ako nang kunin ni Franz ang atensyon ng lahat. Hawak-hawak niya ang laptop at umupo sa couch malapit sa hagdanan.


"Inaaway ka na ng ibang fandom. Desisyon ka na raw kasi, hindi pa nga nag s-start round two, inangkin mo nang ma-sweep natin." pinatong ni Jay yung kamay niya sa likuran ng upuan ko.


"Why? Masama ba mag manifest?" I also crossed my fingers. Like, ano bang tinatahol nila sa sinabi ko? Bawal ba?


"Lakas talaga ni Captain!" kinuha ni Carlos kamay ko para makipag apir. "I-dog show na lang natin yung mga basher." pag type niya sa cellphone.



"Sige, mamaya ikaw naman na ang trending sa twitter." sabi ni Gray habang inaamoy ang refreshing oil na baon niya.


"Hayaan mo siya, main character lagi 'yan e." humaba ang nguso ni Carlos nang marinig ang pang b-bash ni Charles sa kanya.


"Sakit mo idol, wala kang believe sa 'kin."

"Wala talaga."


Tinawanan na lang namin ang bardagulan ng dalawa. Umarte na nga si Carlos na na-iiyak na parang bata na akala mo ay offend na offend sa say ni Charles. Ang mga bata nga naman, kanina lang nag lalaro pero ngayon nagkaka-pikunan na.



"H'wag niyo kong ipahiya ah, need natin ma-sweep ang second round." mamaya mag trending uli ako tapos pagtawanan nila ako. Sakit no'n sa eyes and soul.


"Kami ang bahala sa'yo, captain. Malakas ka sa 'min." agaw atensyon talaga 'tong si Carlos. Nangunguna na.


"Amaccana accla, hugas ka na lang ng plato doon." pinatong ni Cole ang sponge sa braso ni Carlos.


"Luh."


"'Yan, kain ka kasi nang kain kaya ikaw na mag hugas." pagbatok ni Jay sa kanya.

"Lagi niyo na lang akong inaapi."


Tinignan namin siya nang biglang mag emote at tinaas ang sponge na bigay ni Cole sa kanya.


"Drama-drama naman ni Carlos, pogi-pogi mo eh."

Umingay ang buong kwarto sa panunukso nila kina Carlos at kay Hiro na laging hinaharot si Carlos sa tuwing umiingay ito.


"Iss, nag seselos ako." pumasok naman sa eksena si Drei at inakbayan si Hiro.


"Tangina, nagiging bading na tayong lahat." sabi ni Gray at hinila-hila si Franz sa tabi.


"Aray ko." reklamo ni Franz.


"Wala na, tayo-tayo na lang din nag lalandian." sabi ni Ryster na kakababa lang galing sa kwarto.


Showbiz Series #4: It Is What It IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon