CHAPTER 17

2 0 0
                                    





"Nice to see you here." binaba ni Donny ang tray sa table at nginitian ako. "Why are you alone?" tinikman niya ang ice cream sa float.


"May problema ba kung mag-isa ako?" taas kilay kong nilagyan ng ketchup ang fries.


"Laki ng galit mo sa 'kin." pansin niya.

"Hindi naman masyado." piloposo kong sagot at pinunasan ang daliri ko gamit ang tissue. "Galing ng manager mo, pumapayag siyang lumabas ka na walang kasama sa public." plastic kong reaksyon para tawanan niya ako.



"Close na close ka kasi kay Josh, kita mo parehas na kayong maganda kausap." patawa niyang pang damay kay Josh.


Kumunot ang noo ko habang iniisip kung totoo ba ang napansin niya o sadyang inaasar niya lang ako.


"Anlayo, boy." hindi ko siya nagawang naabot kaya tumakip na lang ako sa ere.

"Try mo kasing isipin, parehas na parehas kayo." energetic niyang pagpumilit habang tumatayo-tayo pa sa inuupuan.


"Galing-galing umarte, I'm so proud of you." pumapalakpak ako habang sumakay sa energy niya.


Huminto ako sa pagpalakpak when I realized na nahawa na ako sa taas ng energy ni Donny. Sumakit ang ulo ko sa sobrang taas.


"Parang si Josh lang ang kasama ko." ginilid ko ang ulo nang mabanggit niya na naman si Josh.


Paano na ako makakapag move on kung lagi rin si Josh ang babanggitin niya sa araw-araw kaming magkikita at magsasama ni Donny.


"Kumain ka lang please, dami mong say." inalis ko sa tray ang chicken at burger para mag focus siya kumain.


Sumasakit ang ulo ko sa kanya. Damay na nga ako sa energy, hindi pa niya ako hinayaan makapag move on.


Humingi ako kay Lord ng makakatulong sa 'kin pero binigyan niya ako ng bagong tao na lalong ipaparamdam na si Josh pa rin kasi hindi na pwede.


"Okay na tayo kanina, eh."

"Nagbago ang isip ko, kumain ka na."


Naka-nguso niyang pinanood ang pag subo ko sa kanya ng burger para hindi na siya makapag salita at kumain na lang.

Kada bukas ng bibig niya, sinusubo ko sa kanya ang mga inorder niya para mabusog at nang hindi bumaba ang energy niya.


Tinutok ko ang rechargeable fan sa leeg na pawis na pawis kakalakad sa campus. May inaayos kasi ako para sa graduation.


Tumambay ako sa cafe na lagi kaming pumupunta after kong matapos lahat ng binalikan ko sa Campus.


"Sumabay ka na kasi sana sa 'kin kahapon." bunggad ni Gray nang itulak niya ang front door ng cafe.


"May photoshoot nga ako kahapon." tinabi ko ang cellphone na aking chinarge sa power bank. "Kasama mo sina Mel?" tanong ko sa mga block mate namin.


"Kanina pero umuwi na sila." sumilip siya sa counter at umupo muna nang makitang may mga naka-pila. "How are you?" seryoso niyang tanong nang mag tama ang paningin namin.

"Mukha ba akong hindi okay?" tanong ko kaysa sagutin ang kanyang tanong.

Ngumiti siya when he realized my technique.


"Question after the question." kibit balikat akong tumawa. "Anong sabi ni Janella? Umamin na ba?" umiling ako.


"Hindi madaling mag out, and I know na ayaw niya akong masaktan lalo na I like her boyfriend." tinutok ko ang fan ko sa noo ko.


Showbiz Series #4: It Is What It IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon