"Hintayin ka ni Josh?"
"Malapit naman na condo ko dito, lalakarin ko papunta doon." tinanggal ko ang naka-suot na seatbelt sa katawan ko.
"Hintayin ka namin." tinignan ko si Josh ng idamay niya si Janella para hinintay ako. How sweet naman silang dalawa.
"Nakakahiya sa inyo." sarcastic kong sagot. "I mean... Yeah, nakakahiya at ayan naman na ang condo ko." tinuro ko ang katapat na condo unit sa convenience store.
Lumingon pa si Josh sa likuran at nag kibit balikat na lang si Janella bago binalik ang tingin sa 'kin.
"Ingat ka."
"Mag-ingat kayo." double meaning kong paalala bago bumaba. Hindi ko na sila ginawang lingunin pa at ayaw kong mag drama.
Binilisan ko ang pagpasok sa loob ng convenience store at nakayukong humanap ng area na walang tao. Kumapit ako sa stoll at nilabas ang emosyon na pilit kong tinatago buong byahe kasama sila.
"I don't believe it." paos kong boses sabay sinubsob ang mukha sa mga biscuits na naka-display dito. "Putangina, all this time sila na. Hindi ko man lang nagawang mapansin." hirap na hirap kong pagsasalita sa sobrang iyak na nilalabas ko.
Galing nila mag tago, ang laki ko namang tanga kasi puro landi lang ginawa ko at hindi man lang napansin na may relasyon na ang dalawa.
"Dami kong ginawa, lahat ginawa ko pero bakit hindi pa rin ako ang pinili?" tanong ko sa sarili ko habang inalala ang mga panahon na akala ko ako na. "Ako na lang kasi." tinulak tulak ko pa ang lalagyan ng mga biscuits pero nang may isang nahulog tinigil ko na.
Kakahiya kung magkakalat ako. Nag emote na nga, maninira pa. Mamaya paalisin ako ng manager dito.
Sinuli ko ang nahulog ko at natigil ako ng muling tumulo uli ang luha ko nang maalala ang pagkikita namin ni Josh dito mismo sa convenience store.
"Dito kami naging close, eh." umiyak uli ako pero pinigilan ko ang sarili kong 'wag maingay sa pag-iyak nang hindi ako mapaalis. "Putangina, bakit dito ako pumunta." inalog-alog ko ang stall pero mahina na lang para walang mahulog.
"Uh, excuse." napapunas ako ng luha at tinago lalo ang mukha ko. "Uh pwede ba akong magpasuyo sa'yo?" hingi niya ng favor.
"Alin ba?" napansin ko ang pinigilan niya ang sarili na lumapit para guluhin ako sa pag drama.
"Yung vanilla sana." umusog ako at tinignan ang biscuit na tinutukoy niya. Nasa tapat ko lang pala kaya naman pala hindi na niya ako inabala para paalisin.
"Vanilla lang?" paninigurado ko.
"Yung matcha na rin." bumaba ang tingin ko at yumuko para kunin ang matcha flavor.
Ta-tayo na sana ako para iabot sa kanya pero nang inabot ko na natigil ako sa pagkikilos nang makita ang picture ni Josh na isang biscuit na siya ang endorser.
"Sir?" he called me again pero nabitawan ko ang pinaabot niya at lumingon sa paligid kung saan ako pwedeng pumunta pero biglang may pumunta sa area ko kanina.
"Uy, may matcha na."
"Shit." lalabas na lang sana ako pero napayakap na lang ako sa lalaki nang tumayo siya after pulutin ang mga biscuit.
"Sir?"
"Please, pabayaan mo muna ako." siniksik ko ang mukha ko sa kanyang dibdib at nilabas ang emosyon ko na nag trigger nang makita ko ang picture niya.
BINABASA MO ANG
Showbiz Series #4: It Is What It Is
RomanceHow does the fanboy make his idol fall for him? Ctto (Pinterest) to the picture I used to edit as the cover photo.