CHAPTER 7

1 0 0
                                    










"Good morning --- shit!" Sinara ko agad ang kurtina sa sobrang init. Sinilip ko ang oras sa wall clock at doon ko lang na-realize na ala una na pala ng hapon.



Sinapo ko ang aking noo at napa-takbo papunta ng kitchen saka pinatay ang stove. Ngiti-ngiti pa akong bumangon, akala ko for the morning person na ako pero hapon na nagising.


Naalala ko, alas singko na ng umaga ako dumating sa condo at dumiretso ako ng club after the shooting. Yung panaginip ko kasi, nagising ako ng 5 am kaya akala ko, morning ako nagising.



Nilagay sa plato ang na-pritong chicken nuggets. Binuksan ko ang refrigerator at kinuha sa gilid ketchup. Nilabas ko na rin ang milk saka nanguha ng ice sa freezer.


Nilagyan ko ng limang piraso ng ice cube ang baso bago ako nagsalin ng gatas. Tuluyang nawala ang antok ko ng maramdaman ang lamig ng gatas. Nawala agad hang over, sulit!



Dinala ko ang plato at baso sa leaving area at sinindi ang TV para manood. Minsan lang ako manood ng TV shows at halos Netflix na lang ako nanonood.



Sakto namang channel ng network nila Josh ang bumungad sa 'kin at saktong commercial niya ang pinapalabas.


"Pogi mo, mahal." kinikilig kong pagsubo ng chicken nuggets.


Ilang weeks na kaming hindi nagkikita. Na-udlot yung sinabi ni Gray na lagi ng nanonood si Josh ng laro namin dahil sa 'kin, kaya noong last game namin hindi na siya nanood uli. Bwesit kasi si Ante! Sayang yung inspiration, buti na lang pwede niyang mapanood laro ko sa TikTok kaya ginalingan ko na.


Sinawsaw ko sa ketchup ang chicken nuggets at sinubo. Iniimagine ko pang kasabay ko siya kumain kasi miss na miss ko na siya.


Kamusta na kaya ang bebe ko? Miss niya rin ba ako? Kung hindi, bakit? Dapat miss niya rin ako, kasi ako mahal na mahal ko siya.



1 notification.


Nilunok ko ng mabilisan ang kanin ng mag vibrate ang phone ko.


Janella : tih! Busy ka?


"Oo, ante." pinunasan ko ang palad ko at nag reply.  Hindi, why?


Janella : pwede mo ba akong puntahan.


Sunod niyang sinend ang details kung nasaan siya.


Janella : wala kasing service tapos may kailangan akong bilhin sa commercial shoot ni Josh.



Umangat ang pwetan ko sa oras na nabasa ko ang pangalan ni Josh sa message niya.


Andy : need na ba now?


Tumayo na ako ng mabilisan at tinakpan sa dinning ang kinakain ko.


"Babalikan kita, unahin ko lang kiligin." kumuha muna ako ng isang nuggets bago pumunta ng kwarto at nag palit ng damit.



Ini-spray ko sa aking buong katawan ang perfume, hindi pwedeng mag aamoy alak ko kapag naamoy ako ni Josh. Nag apply pa 'ko ng lip balm para maganda ang lips ko at ma-attract siya.



In-off ko ang TV bago ako lumabas ng Condo. Tinawagan ko na si Janella kung may kailan ba akong daanan bago siya puntahan. Sabi niya lang ay dalian ko at malapit na mag start ang shoot ng bebe ko.




"Lesson learned, sa susunod mag dala na ng sariling service." sermon ko pag pasok niya sa passenger seat.


"May service kami, may inutos lang si Josh sa driver niya kaya wala akong ibang pagsasakyan." sinuot niya ang seatbelt sa kanya.



Showbiz Series #4: It Is What It IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon