CHAPTER 3

1.7K 47 2
                                    

"Why is Nico here, Selene?" Steve asked me curiously when we entered my office. Umupo siya sa sofa at sumandal.

Hindi ko nilingon kanina si Nico nang lumabas na kami ng elevator. I completely ignored him.

I sighed and sat in my swivel chair. "I don't know," I answered in a low voice.

"Buti na lang dumating ako kanina," he uttered.

I looked at him and smiled. "Yeah, buti na lang. I can't stand to be with him alone," I agreed.

"What did he said to you earlier. Parang may pinag-uusapan ata kayo?" tanong ni Steve sa akin. Nakatitig ito sa expresyon ko.

I shrugged my shoulders. "Nothing, it's not that important," usal ko. "Are you not busy? You have work, right?" pang-iiba ko ng topic kay Steve.

He shook his head. "My secretary can handle it."

Steve was the one who was handling their family business here in the Philippines when we got back here.

Siya lang ata ang CEO na hindi busy pero sobrang yaman. Kung sabagay, kahit ata hindi na siya magtrabaho at ang future anak nito mayaman pa rin sila. He came from an old money family in Russia.

I stared at him. "Paano ba iyan? I'll be busy, I have lot of patients today," wika ko at sumandal sa swivel chair ko.

Steve bit licked his lower lip. Tinaas nito ang isang kamay. "I'll be a good boy. I'll not disturb you in your work. I'll just sit here and watch you work." His brows waggle.

"Okay, fine. But if you get bored here, you're welcome to go out," tanging sabi ko.

He nodded. "Yes, Doc." Steve answered promptly.

Nagsimula na akong magtrabaho habang si Steve naman ay tahimik lang na nakaupo habang may kinakalikot sa cellphone.

Panaka-naka akong tumitingin kay Steve. Tinitingnan ko kung na bo-bored na ba ito. Nang lingunin ko ito ng isang beses ay nagtama ang tingin naming dalawa. Kanina pa ba siya nakatitig sa akin?

He smiled at me. "I'm fine," sabi niya kahit hindi naman ako nagtatanong sa kanya.

Tinaasan ko ito ng kilay. "Are you sure?" Paninigurado ko.

"Yeah," he answered. He glanced at his wrist watch and looked at me after. "What do you want to eat? I'll order food online for our lunch."

"Ikaw bahala," sagot ko at nagkibit balikat.

"Okay," he said as he nodded.

Hindi na kami nag-usap ulit dahil pumasok na ang susunod kong pasyente.

"See you in your next check up, Mrs. Santos." Nakangiting aniya ko sa pasyente ko ng matapos ko itong ma check-up. May mga ilang binilin ako rito tungkol sa pagbubuntis niya. She's already six months pregnant.

She smiled at me. "Thank you, Doc," pasalamat nito at lumabas na ng opisina ko.

Uupo na sana ako sa swivel chair nang mapatingin ako kay Steve na ngayo'y tulog na habang nakaupo. Naawa naman ako kaya nilapitan ito.

"Hey, Steve, wake up. Magkaka stiff neck ka niyan sa ayos mo." Bahagya kong niyugyog ang balikat niya para magising siya.

Agad siyang nagising at nagmulat ng mata. Timing namang may kumatok sa pintuan kaya napabaling ang tingin ko roon.

"Come in," I said to my secretary from outside.

Bumukas ang pituan bahagya at pumasok roon ang ulo ng sekretarya ko. "Ma'am, may dumating na delivery. Nakapangalan kay sir Steve," she informed me.

SELENE [BOOK 2]Where stories live. Discover now