CHAPTER 26

508 11 3
                                    

I was confused why my daughter is here with me when I thought she's just at home—wait? I suddenly remembered my conversation with Steve. 

Nagpaalam ito sa kaniyang umalis kasama ang mga kaibigan.

“Mmmmm....” it was Solene.

“Don't worry, anak, okay? Mommy's here.” I assured my daughter, who looks scared. I roamed my eyes around to find something sharp to help me untie my hands and feet. 

Nakita ko ang isang walang laman na bote ng beer na nakapatong sa mesa hindi kalayuan sa kinaroroonan namin. Walang tao dito pero may naririnig akong mga boses sa labas.

Nakatingin lang sa akin si Solene. Ngumiti ako sa kanya para gumaan ang pakiramdam niya. May nakita akong pasa sa maganda niyang mukha sa gilid ng kaliwang mata niya.

I stopped myself from crying and tried to remain calm.

Hindi ako dapat panghinaan ng loob lalo't kasama ko ang anak ko. Kung magpapadala ako sa takot at alaala ko sa nakaraan pareho kaming mamamatay rito.

Hinding-hindi ko hahayaan may mangyaring masama sa anak ko.

I tried sitting because I was lying on my side when I woke up.

Pagkaupo ko ginawa ko ang lahat para makalapit sa lamesang may bote ng beer. Nahirapan ako ng sobra dahil nakatali ang mga kamay at paa ko pero buti na lang naabot ng paa ko ang mesa at sinipa ito ng bahagya para matumba ang beer.

Rinig na rinig ang pagkabasag nito dahilan kung bakit napahinto ako. I looked at the door to see if they heard it from outside. Pero napahinga ako ng maluwag ng walang pumasok. Sobrang ingay nila sa labas at parang walang nakapansin sa ingay rito sa loob.

Tumalikod ako sa basag na botelya  para maabot ng kamay ko sa likod at kumuha ng isang matalas na bubog. Sinubukan kong putulin ang tali sa kamay ko habang nakatitig sa anak kong walang tigil sa pag-iyak.

“Shhh...” sabi ko habang pilit na tinatanggal ang nakatali sa mga kamay ko.

Natatamaan ang kamay ko sa tuwing nagkakamali ako imbes na tali ang tamaan dahil hindi ko makita ang kamay ko sa likod ko.

Sobrang hapdi nito sa balat.

“Hmmmpmmm...”

Medyo mahirap maputol ang tali dahil makapal ang ginamit nila pero gayunpaman ay nagtagumpay ako at mabilis na sinunod ang tali sa paa ko.

Mabilis ang naging kilos ko upang makalapit rin ako sa anak at siya naman ang sunod na pakawalan.

Tumayo ako at tinakbo ang direksyon ni Solene ng makawala ako. Hinilot ko ang kamay na namumula at may sugat. Lumuhod ako sa harap ni Solene at tinanggal ang tape sa bibig niya.

“M-Mommy...” iyak nito.

I cupped her cheeks and wiped her cheeks. I caressed the bruise on her face. I burst into tears.

“Makakaalis rin tayo rito. Huwag ka ng umiyak, nak. I'll protect you, alright? Tanggalin lang ni mommy ang tali, okay?” I softly said to my daughter. 

She nodded while crying.

I kissed her forehead. “Shhhh...” nilagay ko ang daliri ko sa bibig ko.

Solene bit her lips, trying to stop herself from making noise as she cried while watching me untie her. 

Nasa kalagitnaan ako ng pagtanggal ng tali sa kamay ng anak ko ng biglang sinigaw ni Solene ang pangalan ko at sunod kong naramdaman na may sumipa sa akin palayo sa anak ko at hinila ang buhok ko.

Nabitawan ko ang tali.

“Mommy!” Solene shouted. “No! Stop hurting her!”

Napatingin ako sa lalaking nakahawak ng mahigpit sa buhok ko. Napalingon ang mukha ko sa kanan nang sampalin niya ako. Ramdam ko ang paglabas ng dugo sa ilong ko dahil sa impact ng sampal niya.

SELENE [BOOK 2]Where stories live. Discover now