CHAPTER 28

296 14 1
                                    

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may malambot na dumapo sa noo ko at sunod kong narinig ang pagsara ng pintuan.

Bumungad sa paningin ko ang puting kisame at pamilyar na amoy ng hospital. Sobrang tahimik at tanging tunog lang ng aircon ang naririnig ko.

Sinubokan kong igalaw ang katawan ko pero napapikit ako sa sakit ng likod ko. Saktong bumukas ang pinto at pumasok ang bagong dating na si Solene.

Nanlaki ang mga mata nito ng makitang gising na ako.

“Mommy!” Agad itong lumapit sa akin at inalalayan ako sa pag-upo sa kama.

Nilagyan niya ng unan ang likod ko bilang suporta. She even adjusted the bed into semi-fowlers position.

Her eyes glistened with tears. She bit her lower lips. “I'm glad you're awake, mommy... Akala ko hindi na kita makikita pa. Kumusta po ang pakiramdam niyo?” Sinuri nito ang kabuuan ko.

“May masakit po ba? Ano po? Sabihin niyo po sa akin. Teka! Tatawag ako ng doctor!” Aalis na sana ito pero hinawakan ko ito sa braso at pinakalma.

I smiled. “Kumalma ka nga, 'nak. I'm fine,” I softly said.

She looked at me worriedly. Agad ako nitong niyakap at umiyak. “I'm sorry, mommy! I'm so sorry! Iniwan kita!” hingi nito ng tawad sa akin kahit wala naman siyang kasalanan.

I chuckled and ruffled her hair. “Shhh... Hindi mo ginusto iyon. Wala kang kasalanan, Solene,” I said. Ako mismo ang nagtulak sa kaniya na iwan ako para makapag tawag ng tulong

Umiling-iling ito habang yakap pa rin ako nito. “Kahit na po! They hurt you because you helped me escaped! Look at you! Marami ka daw pong sugat sa likod mo! Nasaktan ka po ng sobra! Sana hindi na lang kita iniwan doon, mommy!” sisi niya sa sarili at lumayo sa pagkakayap sa akin.

Nakanguso ito habang umiiyak. I wiped her cheeks.

“Tahan na, Solene. Kung hindi ka nakaalis doon, paano tayo maliligtas at hihingi ng tulong? Kaya wala kang kasalanan. Tama lang na umalis ka at humingi ng tulong,” I explained.

“Tsaka mas mabuti ng wala ka roon dahil mas masakit makitang ikaw ang nasasaktan. Hindi makakayanan ni mommy iyon.”

I can't imagine my daughter being in my situation.

She kissed my cheeks. “I love you so much, mommy!”

“Mommy love you so much, anak.” Nakangiting sagot ko rin pabalik.

Unti-unting naglaho ang ngiti ko ng biglang naalala ko ang nangyari bago ako tuloyang nawalan ng malay.

Bigla akong nanlamig. “Where's your daddy Steve?” natatarantang tanong ko. He wasn't here when I woke up. 

I heard a gunshot before I passed out! The corner of my eye started to heat up.

I roamed my eyes around the room.
Napabalik ang tingin ko kay Solene ng hawakan nito ng marahan ang kamay ko at malungkot na ngumiti.

“He's fine, mommy... Tinamaan po sa braso si daddy pero okay naman na po siya. Kaya kumalma ka na po.” I breathed a sigh of relief when Solene said that.

“Nasaan siya kung ganun? I want to see him. Call him, Solene, and tell him to come here. Hindi ako makakampante ng hindi siya nakikitang ayos lang,” utos ko sa anak ko.

“Yes po, mommy. Wait.” Magalang na sagot nito at lumayo ng konti sa akin para tawagan ang daddy niya.

Habang nag-aantay kay Solene ay pinakiramdaman ko ang katawan ko. Napapangiwi ako sa tuwing gumagalaw ako.

SELENE [BOOK 2]Where stories live. Discover now