PROLOGUE
"Rian?" Tawag niya sa pangalan ko. Sumagot naman ako. Nandito kami sa condo niya, may ipinapagawa lang akong assignment at natapos naman iyon kaagad.
"Ohm?" Sagot ko at nilingon siya bago binaba ang cellphone.
"Tinawagan ako ni mama kahapon na papupuntahin niya ako sa US." Mukhang nabingi naman ako sa narinig at hindi agad nakapagsalita.
"Bakit naman daw?" Tanong ko sa kanya.
"Doon na niya ako pagpapa-aralin." Lumungkot ang mukha ko sa narinig dahil magiging long distance relationship na naman kami. Noong una kasi nandoon siya sa Baguio, nag-stay at palagi lang kaming nag-video call noon.
"Paano na ako? At diba sabi mo hindi mo na ako iiwan?" Nakanguso kong tanong sa kanya at niyakap siya. "Wag mo naman akong iwan oh, diba sabi mo di'mo na ako iiwan?" Lalo ko pang isiniksik ang sarili ko sa kanya at niyakap niya naman ako pabalik.
"Babalik naman ako, promise iyan." Sagot niya sa akin. Maniniwala ba ako dito? Sabi nga nang iba, promise is turn to sorry.
"Ayuko, dito ka lang gusto kong makasama ka." Niyakap ko siya nang mahigpit, animoy ayukong bitawan siya at pakawalan.
"Babalik naman ako, pagkatapos kong mag-college." Sagot niya sa akin at iniharap ako tsaka hinalikan sa noo.
"Natatakot ako, luv..." Niyuko ko ang aking mukha at naiiyak na isinabi iyon.
"Bakit naman? Babalik naman ako..." hinawakan niya ang mukha ko at iniharap sa kanya.
"Promise, babalik ako at magpapakasal tayo kapag nasa tamang edad ka na." Isiniksik niya ang mukha ko sa kanyang kilikili at hinalikan sa ulo.
"Ayuko, dito ka lang please" pagpipilit ko sa kanya at lalong isiniksik ang sarili ko sa kanya. Ayukong umalis siya, gusto kong dito lang siya sa tabi ko. Ayuko ring magkalayo kami at gustong-gusto ko pag makasama siya.
Napatingin ako kaagad sa kanya nang may nag-ring na cellphone at sa kanya iyon. Sinagot niya iyon at napaiwas nalang ako.
"Hello, mom?" Narinig kong sagot niya.
"Halika na, nandyan na yung service na sasakyan natin." Rinig kong sabi nito sa kanya. Bigla nalang tumulo yung luha ko nang marinig kong sabi nito sa kanya. "Naka-impake ka na rin ba?" Dagdag nitong sabi.
"O-opo," sagot niya. Ako naman ay humihingos habang umiiyak. Gusto kong manatili siya dito at samahan ako. Please naman oh wag ka nang umalis.
"Oh, bakit ka nauutal? Halika na at makapunta na sa airport, Naghihintay na si Princess sayo." Sumagot naman siyang lalabas na bago at pinatay na ang cellphone at humarap sa akin. Napatingin nalang ako ng marinig ko ang huli nitong sinabi.
Who's Princess?
"Sinong Princess?" Pinukol ko siyang masama ang tingin. "Sino siya? At bakit ka niya hinihintay? May relasyon ba kayong dalawa?" Halo-halong emosyon ang nasa mukha ko. "Please naman sumagot ka!" Sigaw ko sa kanya at naiiyak na naman.
"S-she's my girlfriend." Sagot niya sa akin. Sa narinig ko, mukha akong sinampal ng katutuhanan. Na hindi kami bagay at hindi kami para sa isat isa.
Sinampal ko siya at sinigawan.
"Napaka wala kang kwenta!" Sigaw ko at tumayo. Sumunod din naman ito sa akin at akmang hahawakan niya ako sa magkabilang braso nang hinawi ko iyon at dinuro siya.
"A-ayuko na, n-napaka wala kang kwenta." Yumuko ako habang umiiyak at lumalayo sa kanya. Siya naman ay pilit akong hinahawakan pero hinahawi ko iyon.
"M-makinig ka sakin Rian," utal nitong sabi sa akin at pilit akong hinahawakan. "pinagkasundo lang kami ni mama at ayuko siya Rian, ikaw lang gusto ko please maniwala ka sakin." Umiling-iling ako. At tinuro ang pinto para naman lumabas na siya.
"Go out now, I don't want to see your face again." Sigaw ko at tinuturo ang pinto habang nakaharap sa kanya nang patuloy parin umaagos ang mga luha ko.
Nahuli niya na ang mga braso ko."Listen me, Rian! Babalikan kita at papakasalan. Gagawin ko to para saatin dahil yun ang makakabuti at sa panahong sakto kana sa edad babalikan kita at papakasalan." Hindi ako tumingin sa kanya, ang aking mga paningin naman ay nasa ibabang sahig lang. Pinunasan niya naman ang luha ko. Tsaka nag salita ulit.
"Pangako babalik ako at kapag nasa sakto kanang edad, papakasalan kita." Huling mga salitang binitiwan niya bago ako hinalikan sa noo. "Mag iingat ka aking pinakamamahal na Rian." Pagkatapos non pumasok na siya sa loob nang kwarto niya at kinuha ang mga gamit niya.
Nakatayo lang ako habang umiiyak. Hindi ko siya nilingon nang lumabas siya dahil Hindi ko kayang tignan ang taong Mahal ko ay aalis na at nangangako pangbabalik kahit alam ko naman sa sarili kong Hindi iyon tutuo.
Sabi nga nang iba Promise is turn to sorry. Ganon din ngayon ang kasintahan ko. Alam ko namang Hindi na ito babalik at sana naman Hindi ako aasa at pakakatagan ko ang sarili ko.
Lumingon ako sa pintong nilabasan niya bago umupo sa couch at isinubsub ang sarili dito at umiyak ng umiyak.
"Sana masaya kana sa bago mo." Sa sinambit kong iyon lalo lang tuloy sumakit yung dibdib ko.
Lumipas ang ilang oras at nakatunganga lang ako sa kwarto at nakatitig sa kisame. Iniisip kong anong mangyayari sakin pag katapos nang mga ito.

YOU ARE READING
MY PROFESSOR IS MY EX BOYFRIEND (COMPLETED)
Любовные романы(UNDER EDITING) He was scared of his mother. If he did not go to the US, he would also lose his sight and food. Rian would also be affected if he did not go. His mother could even make Rian leave their home. Clifford had no choice but to go and lea...