Chapter 12

1.5K 43 0
                                    

CHAPTER 12



HABANG umaandar ang kotse, may isang lalaking katabi niya ang bigla siyang tinutukan ng kutsilyo. Nanginig ang kanyang mga kamay sa takot, at ang kanyang isip ay paulit-ulit na nananalangin ng tulong.

"Wag kang gagalaw, miss," binalaan siya nito habang nakatutok ang kutsilyo.

"Please, maawa ho kayo sa akin!" nangingiyak niyang pakiusap.

"Hindi ka masasaktan kung susunod ka sa pinapagawa namin," sagot nito habang hindi inaalis ang kutsilyo sa kanyang leeg.

"S-sige po. A-ano pong ipapagawa niyo?" utal niyang tanong.

"Tawagan mo si Clifford at makipaghiwalay ka na."

Biglang nanlumo si Rian nang marinig ang pangalan ng lalaking mahal niya.

"Ha? Ako? Makikipaghiwalay?" bulong niya sa sarili, halatang hindi makapaniwala.

"Bakit? Kasabwat ba kayo ng mama niya?" takang tanong niya sa lalaki.

"Gawin mo na, bago pa kita saksakin dito," banta nito.

"A-ah, s-sige po. Gagawin ko na." Hinawakan niya ang cellphone niya habang pinipilit pakalmahin ang sarili. Alang-alang sa baby ko, kapit lang, baby. Matatapos din ito. Hindi ka pababayaan ni Mommy, sabi niya sa kanyang isipan.

Tinawagan niya si Clifford, at agad naman itong sumagot. "C-Clifford," mahina niyang sabi, nanginginig ang kanyang labi.

"Yeah, what? Rian?" sagot nito sa kabilang linya. "Umiiyak ka ba?" tanong nito nang marinig ang hikbi niya. Pilit niyang pinigil ang kanyang pag-iyak dahil naroon pa rin ang kutsilyo sa leeg niya.

"M-makikipaghiwalay na a-ako. Ayoko na sa relasyon natin. Magpakasal ka na kay Princess," utal niyang sambit. May kung anong tumusok sa puso niya nang sabihin ang mga salitang iyon. Biglang natahimik si Clifford sa kabilang linya.

"Fuck. What? Rian, seryoso ka ba?" tanong nito. Humikbi siya, halatang hirap na hirap.

"Yeah. S-salamat sa lahat," mahina niyang sagot habang kinakagat-kagat ang mga daliri niya.

"Please, Rian. Don't give up. May problema ba? Please tell me. Mababaliw na ako dito!" sagot nito, at tila naririnig niyang umiiyak din si Clifford.

Tumingin siya sa lalaking may takip ang mukha. Lalo pang idiniin nito ang kutsilyo sa leeg niya. "Gawin mo na. Bilis," bulong nitong puno ng pagbabanta.

"Please, Rian, answer me. Si Mama ba ang may uto-" Hindi natapos ni Clifford ang tanong nang putulin ni Rian ang usapan.

"No. Ako ang nagsasabi nito. Makikipaghiwalay na ako, Mr. Galvez. Huwag mo na akong hanapin pa. Salamat sa lahat," utal niyang tugon bago tuluyang pinutol ang tawag. Nagsimula siyang humikbi.

"Please, pakawalan niyo na ako," naiiyak niyang pakiusap. Nag-aalala siya para sa kaligtasan ng kanyang dinadala.

Ilang sandali pa, huminto ang kotse. Napatingin siya sa labas, hindi alam kung nasaan sila. "N-nasaan tayo?" takot na tanong niya.

Hinawakan siya ng lalaki at kinaladkad palabas ng kotse. Pagkatapos ay itinulak siya papunta sa isang madilim na lugar na may bangin.

"Dito ang destinasyon mo," sabi nito. Nang mapatingin siya sa ilalim ng bangin, para siyang nanigas sa takot. Tila naramdaman na niya ang sakit ng posibleng pagkahulog.

Bigla siyang itinulak ng lalaki, ngunit nagawa niyang kumapit sa isang ugat ng puno. "Parang awa niyo na, tulungan niyo ako!" umiiyak niyang sigaw.

Ngunit tawa lamang ang isinagot ng mga lalaki. "Hindi ka na mabubuhay, iha. Kami na ang bahalang magsabi sa pamilya mo na wala ka na."

Lalo siyang naluha sa narinig. "Hindi... Hindi pwede ito. Ang anak ko..."

Sinubukan niyang humingi muli ng tulong, ngunit ang isa sa mga lalaki ay pilit binabaklas ang pagkakakapit niya sa ugat. Nanghina na siya at naramdaman ang pagbibigay ng kanyang mga daliri. "Baby, sorry. Hindi ka na kayang protektahan ni Mommy," bulong niya habang hinahaplos ang kanyang tiyan. Pagkatapos ay tuluyan na siyang nahulog.







PANAY ang tawag ni Clifford kay Rian, ngunit hindi ito sumasagot. Kanina pa niya itong tinatawagan matapos makipaghiwalay sa kanya. Labis na siyang nababaliw sa sitwasyon, nag-aalala kung nasaan si Rian at kung bakit ganoon na lang kadali itong nakipaghiwalay.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya—inis, lungkot, at labis na pag-aalala. Paulit-ulit din siyang nag-o-overthink, iniisip kung bakit ganoon kasimple ang dahilan ng hiwalayan nila.

Tinawagan niya ang kanyang ina upang magtanong. "Yes, son?" sagot nito, may kakaibang ngiti sa mukha.

"Sinabihan mo ba si Rian na makipaghiwalay sa akin?" tanong niya, deretsahan.

"No. Bakit ko naman gagawin iyon?" sagot nito na tila inosente.

"Alam kong ayaw mo kay Rian, Ma, pero huwag mo akong ganituhin," aniya, pilit na pinapanatili ang kalma. "Pag nalaman kong may kinalaman ka dito, hindi kita mapapatawad." Sigaw niya bago ibinaba ang tawag. Naiinis siya sa kanyang ina dahil palagi itong nakikialam sa kanyang buhay.

"Rian, fuck! Nasaan ka ba?" galit niyang sigaw habang ginugulo ang buhok sa frustration. "Nababaliw na ako!" dagdag pa niya.

Napaisip siya nang malalim. Paano kung totoo ang sinabi ni Rian? Paano kung talagang ayaw na nito sa kanya? Sinabi pa nitong magpakasal siya kay Princess. Ngunit hindi niya kayang gawin iyon—hindi niya kayang pakasalan si Princess. Para na itong kapatid sa kanya. Gusto niyang magpakasal kay Rian dahil ito ang mahal niya, ito ang gusto ng puso niya.

Lumipas ang ilang buwan, ngunit hindi niya nakita si Rian. Hinanap niya ito kahit saan, ngunit tila naglaho ito. Kinausap niya sina Aillyn, ngunit sinabi lamang nilang hindi nila alam kung nasaan si Rian. Labis na lungkot ang bumalot kay Clifford. Miss na miss na niya si Rian—ang yakap nito, ang halik, at ang lambing nito. Ngunit wala na ito sa tabi niya. Hindi man lang niya makita o malaman kung nasaan ito.

Tila nagkatotoo ang sinabi ni Rian—wala na itong gana sa kanya at ayaw na nito sa kanilang relasyon. Dumating din ang panahon na pinipilit siyang magpakasal kay Princess, ngunit hindi niya magawa. Ayaw rin ni Princess ng ganoong sitwasyon, kaya natuwa siya roon. Ngunit ang ina niya, nalungkot at nagalit. Hindi na lang niya pinansin ang ina dahil sawa na siyang makialam ito sa kanyang buhay.

Pagkaraan ng ilang linggo, nasa kwarto si Clifford. Kakarating lamang niya galing sa San Sebastian College. Napag-usapan nila sa eskwelahan na mag-aaral siya sa ibang bansa para pag-aralan ang pagiging principal. Tatagal siya roon ng tatlo hanggang apat na taon dahil mahirap ang pagiging principal at maraming kailangang asikasuhin. Pumayag siya dahil sa tingin niya, makakatulong ito upang maka-move on mula sa mga nangyari. Inisip na lang niya na sa kanyang pagbabalik, magiging isang ganap na principal na siya.

Elsheislady—




MY PROFESSOR IS MY EX BOYFRIEND (COMPLETED) Where stories live. Discover now