CHAPTER 5
Kumatok siya sa pintuan ni Clifford. Agad naman siyang pinagbuksan nito. Nilibot niya ang kabuuan ng opisina ni Clifford at nakita niyang may ilang painting na nakadikit dito. Ibat ibang paint iyon at isa-isa rin niyang tinignan. Una niyang tiningnan ang naka drawing na dalawang taong nagyayakapan. Wala itong mukha, tanging mukhang shadow lang, o kumbaga ang anino lang nito. Ang mga ito naman ay nasa ilalim ng buwanang liwanag at nakatayo sa dagat.
Pangalawa niyang tiningnan ay ang dalawa ring katulad din doon, pero itong dalawa rin ay nasa ilalim din ng isang painting sunset.
Napatingin na lang siya kay Clifford na tumikhim. Tiningnan niya ito at tanging tinitigan lang siya nito.
"A-ano pala ang pag-uusapan natin?" Panimula niyang tanong. Bago pa ito magsalita, iminuwestra nito ang kamay sa couch dito sa loob ng opisina. Umiling naman siya doon.
"No need na, aalis din naman ako kaag-" Hindi na siya nito pinatapos nang magsalita ito ulit.
"Wag matigas ang ulo, Rian." Sambit nito sa kanya, nabigla naman siya sa ekspresyon nito. Kaya napa upo na lang siya sa couch na itinuro nito.
"So?" Tanging tanong niya dahil nagugutom na daw siya.
"Kunin mo yung echo bag dyan," itinuro nito ang echo bag doon sa malapit na inuupuan niya. Agad naman niyang kinuha iyon.
"O," iniabot niya ito sa lalaki pero umiling lang ito. "Kainin mo yung laman dyan." Sagot nito sa kanya, bahagya namang lumaki ang mata niya.
"Ayuko nga," sagot niya at tiningnan naman siya nito ng masama. "B-baka kasi may lason o gayuma iyan. Ayuko n'yan." Sagot niya dito nang umiiling.
"You don't eat? O baka naman ako yung gusto mong kainin?" Nanlaki nanaman ang mga mata niya sa sinabi ng lalaki.
"Hoy, ang bastos nito." Sigaw niya dito at hahampasin sana niya ito nang mahuli agad nito ang mga kamay niya at pinagsalikop iyon ng lalaki sa kamay nito. Habang siya naman ay malalaki parin ang mga matang naka tingin doon.
"Malambot parin yung mga kamay mo," sambit nito sa kanya, binabawi niya iyon pero lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak ng kamay niya.
"Bitawan mo nga ako..." Pilit niyang binabawi iyon pero hindi pa rin nito binibitawan.
"Hindi mo ba ako namiss?" Napatigil siya sa pagbawi ng kamay nang marinig iyon. "I know, you not gonna miss me." He smirked.
Nagpasalamat na lang siya nang mabawi niya ang kamay at umayos ng tayo.
"Eh, ikaw nga halos hindi na magparamdam?" Sigaw pa niya dito. "Tapos tatanungin mo pa akong namimiss kita? Nababaliw ka na ba?" Dagdag niya pa dito at namiywang.
"Ayaw ni mama ang umuwi ako dito," natawa na lamang siya sa sinabi nito. "Pa salamat nalang pumayag sya nang isama ko si princess." Nainis naman sya nang marinig ang princess nayon.
"Bat kapa bumalik? At diba girlfriend mo na si princess?" Tanong niya dito at nagdidilaab sa galit. "Siguro nga kasal na kayo." Dagdag pa nya dito.
"Nagsinungaling ako sayo," Nagtataka syang tumitig dito. "Sinabi kong si princess ang girlfriend ko dahil yun ang inutos ni mama." Dagdag pa nito sa sinasabi. Lalo lang syang nainis.
"So nakinig kalang? At mas pinili mong iwan ako at sumama sa babae mo?" Tanong nya dito may tumulong isang butil naman sa mga mata nya, Agad nya namang pinunasan iyon. Tumayo naman ito sa pagkakaupo at akma syang hahawakan nang may bumukas ang pintuan nang office nito at pumasok si princess.
"O, nic-" napatigil ito sa sasabihin nang makita sya nito.
"Nag-uusap kayo?" Tanong nito sa kanilang dalawa, yumuko lang sya at pinunasan ang tumulong luha at nagmamadaling lumabas. Susundan sana sya ni Clifford nang pigilan ito ni princess at napatigil rin sya sa tapat nang pintuan nang may sinabi ito.
"Saan ka pupunta nick? dito kalang kumain na muna tayo." Rinig nyang sabi nito, May nalaglag nanamang luha sa mga mata nya. Tumuloy nalang syang lumabas sa pintuan. Pabagsak na isinirado nya ang pintuan nayon at huminto muna sya saglit sa harapan nito, para malaman nyang susunod ba si Clifford o hindi. Pero ilang segundo na syang nakatayo don at wala paring Clifford ang lumabas.
Siguro naglaplapan na ang dalawa.
Umalis nalang sya don at uuwi na sa condo para naman makapagpahinga sya. Ayaw nyang pumasok sa haponan nang klase ni Clifford at ayaw nya ring makita ang pagmumuka nito.
Bakit umaasa parin akong babalik siya? Eh alam ko namang Hindi na siya babalik sakin at alam ko namang may asawa na siya.
Pumasok sya sa condo unit nila nang may katamlayang mukha. Nawala kaagad iyon nang makita nyang may lalaking naka-upo sa couch nila at kumakain pa nang popcorn tapos nakatingin pa sakanya. Napairap nalang sya sa kawalan nang makita nyang si Dave iyon.
"Rian, anong mukha yan?" Tanong nito sakanya. Napansin siguro nito na matamlay sya.
"Wag mukong inisin, Dave." Sagot nya at nagmamartsang lumakad papalapit sa ref para uminom nang malamig.
Naramdaman naman nyang sinundan sya nito papuntang kusina.
"Sino pala nag bigay nang susi sayo?" Tanong nya kay Dave, na ngayon ay nakangiti syang tinitingnan.
"Si aillyn," sagot nito sakanya, napatingin naman sya dito habang umiinom nang tubig. "Tsaka, Rian dito na ako mag aaral, tsaran." Habang naka ngiti ipinakita nito ang papel na hawak sakanya at napatingin naman sya don. Tsaka inagaw para matignan kong ano iyon.
Tiningnan nya iyon laking gulat nya nang tuition fees iyon para dito mag aaral sa San Sebastian. "Tuition fees??" Sigaw nya dito. "Totoo to? Binigyan ka nga?" Hindi nya makapaniwalang tanong.
"Oo, nga" ngiti nitong sagot sakanya. Yumakap sya dito at hinalik halikan pa sa pisngi, pero binitiwan nya iyon kaagad nang mapagtantong Hindi nya pala ito boyfriend.
"Ay, sorry hehe ang sayasaya ko lang" she awkwardly said.
"Ohm, ok lang sarap mungang yumakap." Ngumiti ito sakanya at sya naman ay tiningnan naman ang papel animoy Hindi talaga makapaniwala.
"Sabay kang papasok saamin, bukas?" Tanong nya dito. Tumango ito at kumuha nang isang popcorn sa hawak nitong lalagyan.
"Oo, " maikling sagot nito sakanya.
"Anong major mo, ang kukunin mo dave?" Tanong nya dito.
"Pareha nang sayo, tourism." Sagot nito. Napanganga naman sya.
"Ano? Tourism? Pati Banaman sa major ko susundin mo lang?" Bigla nyang sigaw.
"Ano naman?" Tanong nito sakanya.
"Wala naman, pero ok lang naman iyon dahil makakasama kita bukas sa pagpasok." Sabi nya dito. Lumawak naman ang ngiti nya at sumusuntok pa sa hangin.
"Yes, yes excited nako wohooo." Sigaw nyang subrang saya dahil ka childhood friend ay makakasama nya sa klase bukas. tanging tinawanan lamang sya ni dave.
Dave is cute, friendly, joker and so malambing sakanilang dalawa ni aillyn. May gusto siya kay Rian pero Hindi iyon nakikita ni Rian dahil ang mandhid mandhid nito. Ani moy mukhang walang pakiramdam. Isa ring volleyball player si Dave at mukang sasali na naman ito sa mga tournament dito sa San Sebastian dahil maraming sport or program dito na masasalihan nito.
Alasais na nang gabi at nandito narin si aillyn bago lang nakarating dahil dumaan paraw ito sa bahay nang husband nya. Buti ngat nakauwi pa.
"Hoy, dave San ka matutulog? " tanong ni aillyn kay dave. "Don't tell me dito ka?" Turo nito sa sahig.
"Hindi no," sigaw nitong sagot. "May inupahan ako sa kabila at doon ako matutulog." Sagot nito, naka hinga naman nang maluwag si aillyn don sa narinig. Si Rian naman ay palipat lipat ang tingin sa tv at sa kanilang dalawang nag babangayan.
"Wag lang talaga, dahil kakasohan talaga kita nang pangre-rape kong sa tagalog pang aapi." dagdag pa ni aillyn, napatitig sya kay aillyn.
"Anong pang aapi? Baliw ka na yata aillyn" sabad ni Rian sa pagbabangayan nila.
"Pareha din yun," sagot nito. "At sisguraduhin molang na Hindi ka dito matutulog." Dagdag pa ni aillyn dito.
Bumaling naman si Dave kay Rian. "Rian? Muka naba akong rapist?" Tanong nito sakanya at itinuro pa ang sarili. Natawa nalang sya sa narinig. " Wag nyo nga akong tawanan, seryuso ako." Ngumuso ito nang parang bata.
"Hindi naman, sa gwapo mong yan magiging rapist ka?" Sagot nya dito kay Dave natuwa naman ito sa narinig, Tumayo nalang sya.
"Kumain nalang kayo d'yang dalawa at wag kayong magbabangayan sa hapag kainan dahil masama iyon." Sambit nya sa dalawa at naglakad papuntang kwarto para matulog. Naririnig nya pang nagbabangayan parin ang dalawa. Sinarado nya nalang ang pintuan nya at nahiga sa kama para matulog na.
—elsheisLady
YOU ARE READING
MY PROFESSOR IS MY EX BOYFRIEND (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING) He was scared of his mother. If he did not go to the US, he would also lose his sight and food. Rian would also be affected if he did not go. His mother could even make Rian leave their home. Clifford had no choice but to go and lea...