Chapter 3

4.6K 111 5
                                    

CHAPTER 3



Nakarating na siya sa library nang ilang minutong lakad niya patungo roon. Hinahanap niya ngayon ang libro tungkol sa kanyang major.

Ilang segundong paghahanap niya sa libro pero hindi pa rin niya makita. Inukay na niya lahat pero wala pa rin.

"Argghh, kainis!" Sinabunot pa niya ang kanyang buhok. "Bakit, di ko ba mahanap?" Dagdag niya pa at naupo sa malapit na upuan.

Nagulat siya at napatayo na lang bigla nang may kumalabit sa kanya. Napahawak naman siya sa dibdib niya kung saan naroroon ang puso niya.

"Ayy! Kabayo!" Sigaw niya habang nakahawak sa dibdib. Napatingin naman siya sa taong kumalabit sa kanya. Nakita niyang si Princess iyon at napakunot ang noo niya. May inis din sa mukha niya nang makita niya ito.

"Ano? Nanggugulat ka naman." Sagot niya dito.

"Ay sorry, hindi mo ba alam na klase muna ngayon kay Professor Nicko?" Paghihingi nito ng tawad bago ito ngumisi.

Feeling friendly.

"Hindi," tiningnan niya ang relo niyang suot at nagulat siya nang 2:05 PM na. Sinukbit niya ang bag at nagmamadaling lumabas.

"Una na ako sa iyo, bye." Sigaw niya dito at nagmamadaling lumabas sa pintuan ng library.

Hingal na hingal siyang dumating sa silid-aralan. Napatingin naman siya sa mga kaklase niya at sa professor. Nakita niya pa si Aillyn doon.

Bakit ito naroon?

Kunot noong pumasok siya at tumabi kay Aillyn na nakakangangang tiningnan siya.

"Aillyn, bakit ka nandito?" Tinanong niya ito pero walang boses ang lumabas sa bibig nito dahil sa gulat kung bakit siya nandoon eh hindi naman sila parehong major na kinuha. Napatingin na lang si Rian sa nagsalita.

"Ms. Rian, why are you late in my class?" Napatingin siya dito sa professor niyang tinatanong siya. Napatayo naman siya nang tuwid bago sumagot.

"A-ahm, kasi naghahanap ako sa library ng libro at natagalan ako ng paghahanap." Sagot niya ditong nauutal. Tinaas baba naman nito ang mukha, nagsasign na makaka upo na siya.

Tumingin kaagad siya kay Aillyn at binigyan ito ng mga matang nagtatanong kung bakit nga ba classmate sila nito.

"So ano nga? Bakit ka nandito?" Tanong niya rito, bago umayos ng upo.

"E-eh, kasi dito ako pinapasok ng professor ko." Sagot nitong si Aillyn at ito naman ang nag tanong sa kanya.

"Rian? Siya ba ang sinasabi mong ex-boyfriend mo?" Tanong ni Aillyn sa kanya. Tumango naman siya at nanahimik na.

"Gwapo naman pala eh, per-" Hindi na nito natapos ang sasabihin nang sinigawan sila.

"Ms. Tan and Ms. Salvador, please listen to this discussion." Sigaw nito sa kanila. Napanganga naman sila.

Tsk, makasaway mukha kong papa ah.

Dalidali naman silang bumaling dito dahil pinagtitinginan na sila ng mga kaklase nila at sinasabihang ang daldal nilang dalawa. Umayos naman sila kaagad ng upo.

Natapos ang klase nila nang mga 4:20 PM dahil may pupuntahan pa daw ito. Naglalakad sila ngayong dalawa ni Aillyn palabas ng college na ito. Habang naglalakad nag-uusap naman sila.

"Aillyn, ano ngayong assignment natin?" Tanong niya kay Aillyn. Tumingin naman agad ito sa kanya.

"Hindi iyon assignment no, bring your things para sa experimentong gagawin bukas. Tangik!" Sigaw nito sa kanya.

"Ayy, ganon ba? Ano namang mga gamit iyon?" Tanong niya kay Aillyn.

"Pati ba naman iyon? Hindi mo malaman?" Takang tanong nito sa kanya. Dahil makatanong naman daw siya dito mukhang walang alam.

"Hindi, hehe." Sagot niya ditong natatawa pa at kinamot ang ulo.

"Ewan ko sa iyo, mamaya ko na lang sasabihin." Sabi nito at napatingin ito sa gawi ng kabilang kalsada.

"Rian," kinalabit siya nito at tumingin naman agad siya dito. Tsaka binigyan ng mga matang nagtatanong. "Si Professor Clifford oh." Sagot nito habang ang mga nguso ay naka turo sa kabilang kalsada.

Nakita niya si Clifford at yung kasama nitong si Princess. May kumirot nanaman kung anong sakit sa dibdib niya.

Matagal na iyon? At 6 years na ding lumipas bakit ganito pa rin ang epekto ko sa kanya? Bakit nasasaktan pa rin ako?

Hindi niya iyon tinagalan ng pagtitig dahil hindi niya na kaya itong titigan ang dalawang ito.

Masakit na kasi sa mata.

"Ano naman? Halika na nga," hinila niya ito patungo sa bus stop. Nakahinga siya ng maluwag nang makarating na sila doon.

"Ayaw mong makita sila?" Tanong nito sa kanya. Tumingin siya sa kalsada kung saan dumadaan ang mga sasakyan. Tsaka sinagot ito.

"Hindi ba obvious?" Tanong niya rin. Pinukol siya nito ng tingin. Mukha daw kasi siyang nang-iinis.

"Tsss, mukha mo." Sagot nito sa kanya.

"Ano nga? Sino ba ang professor husband mo?" Tanong niya dito nang namimilosopo. Pinandidilatan naman siya nito.

"Anong husband? Arrange marriage lang yun no at malapit naman kaming maghiwalay sa susunod na year." Sagot nito sa kanya na naiinis ang mukha.

"Tsk, hindi ba kayo magkasunod? Bakit naman maghihiwalay kayo?" Tanong niya dito. Tsaka seryusong nakatingin dito.

"May girlfriend iyon, at ayoko ring sirain iyon dahil 4 years na sila at hindi naman ako Mahal nito. Tsaka ako lang naman nagmamahal sa aming dalawa at nasasaktan na rin ako sa nakikita." Nakita niyang tumingin ito kung saan may masasaganang ulap at araw.

"Pain," tanging sagot niya lang. Napatingin ito bigla sa kanya at kunot noo.

"Anong pain? Eh ikaw nga, ex mo din si Professor Clifford tapos may asawa na ito." Lumungkot naman ang mga mukha niya sa narinig.

Bakit ako nagkakaganito? Bakit nasasaktan na naman ako?

"Tara na nga, nandyan na yung bus oh." Hinila siya nito patayo at agad naman siyang nagpahila.

Nang dumating na ang bus, sumakay na sila at umupo sa hulihan ng mga upuan nito. Nakatulala lang siya at hindi niya iyon alam. Tsaka bumuntong hininga.

Siniko siya ni Aillyn. "Kanina ka pa, buntong hininga dyan ah?" Tanong nito sa kanya. Bumuntong hininga naman siya tsaka sinagot ito.

"Aillyn, paano kung hindi na ako makapag asawa? Sasamahan mo ba akong tumanda mag isa?" Tanong niya dito. Natatawa naman itong tumingin sa kanya.

"Bakit mo naman na tanong?" Natatawang tanong nito sa kanya. "At hindi ka tatandang dalaga no at hindi pa yan napapasokan." Pinukol niya ito ng tingin noong huling salita nitong pabulong.

"Ang bastos mo," sagot niya dito.

Akalain mo ang bastos sa gaga.

"Jwk, yun no at maniniwala naman akong makakapag asawa ka Rian," ngiti nitong sambit sa kanya. "Tsaka, ang ganda mo kaya." Dagdag pa nito. Hindi niya na ito sinagot at binigyan na lang ng isang ngiti. Bumaling na lang siya sa labas ng bintana para maka amoy ng sariwang hangin.

Sana nga makapag asawa ako.

Nakarating na sila sa condo nilang dalawa ni Aillyn. Dalawa sila sa iisang condo dahil Mahal ang bayad dito at para daw maging maliit sila na lang dalawa at paghatian ang bayad.

Pumasok siyang may katamlayang mukha at pumunta sa CR para maunang maligo dahil mainit daw kanina. Pagkatapos niya noon sumunod naman si Aillyn at pumunta na lang siya sa sala kung saan may TV para makapanuod siya.

Habang nanunuod ng TV nakita niyang lumabas na ng CR si Aillyn at nagtungo sa kwarto nito para mag bihis. Binalik na niya ang mga tingin sa TV.

"Rian?" Tawag ni Aillyn sa kanya. Hindi man lang niya iyon narinig dahil ang atensiyon niya ay nasa TV. "Rian!!" Galit nitong sigaw sa kanya at mula sa malalayong isip ay napukaw siya.

"Ano?" Sagot niya dito.

"Kakain na, hindi ka ba kakain?" Tanong nito sa kanya. Napatingin naman siya sa lamesa kung saan may mga pagkaing nakahanda. Hindi man lang niya napansin si Aillyn na naghahanda na pala ng mga pagkain.

Tumayo siya bago pinatay ang TV at nagmamartsang pumunta sa lamesa tsaka umupo. Tahimik silang kumakain nang may marinig silang may kumatok sa condo nila.

Kunot noo niyang tinatanong sa mga mata si Aillyn. "Sino yun?" Tanong niya dito.

"Malay ko ba, tsaka wala naman tayong ibang kakilala dito ah maliban doon sa dal-" Hindi na nito natuloy ang pagkakasabi nang nagmamadali itong pumunta sa pintuan para pagbuksan ang nasa labas ng pintuan.

"Ay, hala may maghahatid pala ng pagkain." Sigaw nito at nagtungo sa pintuan. Nakakunot naman ang noo niya.

Sinong magdadala naman ng pagkain.

"Bakit ang tagal mong buksan ang pintuan?" Rinig niyang sigaw ng tao sa labas.

Lalaki.

"Sorry uyy," rinig niya ring sagot ni Aillyn habang nasa malayo.

Hindi na niya narinig ang pag-uusapan ng mga ito nang humina ang boses. Nagpatuloy na lang siya sa pagkain. Nakita niyang pumasok na sa sala si Aillyn at may dalang isang mukhang kartong nilalagyan ng chicken joy.

"Sinong nag bigay nyan?" Tiningnan niya ito habang may sinusubong pagkain.

"Ang gwapo kong husband." Sagot nito. Nabilaukan naman siya doon sa narinig at napaubo.

"Oh dahan-dahan naman sa pagkain Rian." Sigaw nito sa kanya at hinihipo ang likod para naman matigil siya pag-uubo at mawala ang pagkakabilauk.

"Anong? Dahan dahan ka nga sa pananalita." Hinwi niya ang kamay nito sa likod.

"Tss, ikaw nangatong tinutulungan ikaw pang galit?" Nguso nitong sabi at umupo tsaka binuksan ang binigay ng husband daw nito. Nakita niyang chicken joy na nasa malaking lalagyan iyon at may dalawa pang Sprite.

"Buti hinatid niya rito ito." Nakita niyang nakangiti itong kumukuha ng chicken joy.

Buti pasya, hinahatidan ng pagkain kahit hindi naman sila at arrange marriage lang ang mga ito.

May kainggitan naman sa mukha ni Rian ang tumingin dito.

"Tsk, buti ka pa." Bulong niya habang sinusubo ang kanin na nasa kutsara niya at tumayo.

"Anong sabi mo??" Tanong nito sa kanya.

"Wala, sabi ko hugasan mo ang mga plato." Sagot niya dito bago nilagay sa lababo ang mga pinggan.

"Hoy, ako kaya kagabi? Tapos ako na naman ngayon?" Sigaw nito sa kanya pero sininyasan niya lang itong hugasan na. Tsaka pumasok sa kwarto niya para matulog.

—elsheisLady

MY PROFESSOR IS MY EX BOYFRIEND (COMPLETED) Where stories live. Discover now