YOU’RE MY HERO
PROLOGUE
written by:
KOKO_HOSHIN“TARA na, Miguel,” ang narinig kong bulong ni Papa sa aking likuran. Kaagad kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko bago tumayo. “Tayo na lang ang tao rito,” dugtong niya kaya bahagya akong napalingon sa paligid.
Nanlalabo pa rin ang aking paningin dahil sa mga luha. Muli ay sinulyapan ko ang tombstone ni Lolo. Muli kong binasa ang nakaukit niyang pangalan doon. Gregorio Arcilla. Born September 16, 1929. Died April 24, 2015.
Muling nag-uunahan sa pagsibagsakan ang mga luha ko na kaagad ko ring pinunasan sa dala kong panyo. Basang-basa na ito at kung tutuusin ay puwede nang mapiga.
Kung physical closeness ang pag-uusapan ay hindi ganoon ang relasyon namin ni Lolo. Sa Maynila ako ipinanganak, doon na lumaki at nagkaisip. At si Lola Rufina, simula pa man noon ay hindi ko na ito namulatan pa. Si Lolo naman ay inuubos ang buong panahon sa paninilbihan sa mga tao. He had been in politics as far as I could remember. Just my great grandfather had been.
Pero kahit ganoon ay mahal na mahal ako ni Lolo, at ganoon din ako sa kanya. Kung posible at puwede nga lang ay sa San Nicolas ko igugugol ang lahat ng oras ko makasama lang siya. At kapag naroon naman ako ay hindi maaaring hindi ako kasama sa lahat ng kanyang mga lakad. Talagang binabawi ni Lolo ang mga panahong hindi kami nagkakasama.
“I want you to be a doctor, Miguel. A reconstructive surgeon. Para kapag nangulubot na ang mukha ko ay magagawa mong pabatain akong muli.” anang Papa.
I know it was a joke and we're both laughed at that. Gayunpaman ay medisina ang kinuha ko sa kolehiyo. Nang magtapos ako sa kursong kinuha ko ay si Lolo mismo ang nagmungkahing sa Amerika ako mag-practice.
I stayed in America for three years until seven days ago. Bumalik lamang ako sa Pilipinas para sa libing niya. My grandfather died of a coronary.
“Let’s go. Naghihintay na ang Mama mo sa kotse. Masama ang pakiramdam niya, hijo. Nitong nakalipas na ilang araw ay wala siyang maayos na tulog dahil sa pag-aasikaso sa mga taong nakikiramay.”
I sniffed. Tumikhim ako at tinggal ang bara sa lalamunan ko. Pagkatapos, tumalikod at inakbayan si Papa papunta sa kotse. My father's cousin, Georgina, ang tanging natitira naming kamag-anak, had gone back to Manila a day ahead. Hindi na niya hinintay ang libing ni Lolo dahil may hinahabol pa itong taping sa TV. Isa itong TV actress.
Nanatili pa kami ng isang araw sa San Nicolas upang ipagbilin kay Manong Didoy, ang katiwala ni Lolo, ang bahay at ang iba pang dapat ayusin. Ang dalawa namang katulong na babae ay tinapos na nila ang paninilbihan.
Nang sumunod na araw ay maaga kaming gumayak upang lumuwas ng Maynila. Ginamit ni Papa ang kotse ni Lolo—ang top-down Chevy. Ayon kay Papa ay ipahahatid na lang kay Manong Didoy ang van namin sa Maynila sa ibang araw.
Lolo’s car was a vintage car. At mahusay pa rin itong tumatakbo. Talagang inaalagaan ni Lolo noong nabubuhay pa siya. At ngayon, pag-aari na ni Papa ang kotse.
“Ewan ko ba diyan sa Papa mo,” nakasimangot na sagot ni Mama nang itinanong ko kung bakit kotse ni Lolo ang ginamit at hindi ang van. Wala kasi itong bubong, mabuti na lang at hindi gaanong mainit sa mga sandaling iyon. “Gusto kong umidlip pero hindi ko naman maituwid itong katawan ko. At paano na lang kung biglang uminit mamaya sa daan?”
“Honey, relax...” Papa said patiently. “Maaari nating ibaba ang bubong. Walang probelma,” ang tila cool niyang sabi saka ngumiti. “Paniguradong kaiinggitan ako ng mga kumpare ko sa Maynila kapag nakita nila itong kotse ko.”
I secretly rolled my eyes. Isang businessman si Papa at siya ang nag-aasikaso sa fruit farm namin. Now that Papa’s father was dead, natitiyak kong papasukin din niya ang pulitika rito sa San Nicolas. Naghihintay lang siya ng tamang pagkakataong mahikayat si Mama na dito na mamirmihan. Nasa dugo na kasi ng aming mga ninuno ang pulitika.
Subalit natitiyak kong hindi gustong iwan ni Mama ang trabaho niya sa Maynila. Manager kasi ito sa isang kilalang supermarket/mall. At si Papa naman ang siyang nagde-deliver ng mga prutas sa lahat ng supermarkets sa Kamaynilaan. Doon na rin sila nagkakilala. At kahit nang mag-asawa na sila at sa Maynila na naninirahan, patuloy pa rin si Papa sa pag-aasikaso sa fruit farm namin. Umuuwi ito tuwing weekends at lumuluwas ng Lunes.
My mother was a city breed. Bihira lang itong mahikayat ni Papa na umuwi sa San Nicolas. She didn’t like the long hours of travel. Isa sa mga dahilan kung bakit madalang ang pag-uwi namin sa San Nicolas.
“Tulog na ang Mama mo,” wika ni Papa makalipas ang kalahating oras na pagmamaneho. “Hindi man lang niya ma-enjoy ang sceneries.”
Nasa zigzag road na kami ngayon, pasulong. Si Mama naman ay nakaunan sa bagahe at naiidlip. At ako naman ay tila noon lang na-appreciate nang husto ang tanawin dahil walang bubong ang sasakyan. Nasa kaliwa namin ang Pacific ocean. At sa kanan ko naman ay ang walang katapusang bulubundukin ng Norte. Sa ibaba ng daan ay bangin.
“The car feels as if we were in the sixties, Papa,”
“Yeah!” sagot ni Papa, then smiling at me.
I laughed. Tiningala ko ang pinanggalingan namin sa itaas na kalsada. Kasunod pa rin namin ang truck na iyon ng troso na maingat na lumulusong.
Halos nasa huling zigzag na kami nang biglang suminghap si Papa. Nilingon ko ang nililingon niya. Pagkatapos ay nanlaki ang mga mata ko sa sindak. Kumalas ang mga troso mula sa trailer ng truck! Isa-isa iyong gumugulong paibaba sa bangin patungo sa kinaroroonan namin!
And there was no way we could escape death!
BINABASA MO ANG
You're My Hero
RomantikMula nang pinatay ni Teodoro Aguilar ang pamilya Fernandez ay para bang namatay na rin ang puso ni Hector. Sa loob ng halos limang taon, tumanggi siyang maramdaman ang kahit anong emosyon. Ngunit isang gabing malakas ang bagyo, biglang nagbago ang l...