CHAPTER 15

396 37 1
                                    

YOU’RE MY HERO
CHAPTER 15
written by:
KOKO_HOSHIN

MIGUEL’S POV:

KATATAPOS lang naming maghapunan at si Primo ay tulog na nang ipanhik ni Hecto sa itaas. Pagkatapos ay tinulungan ako ni Hector na magsara sa mga bintana at pinto sa ibaba. Pagkuwan pa ay nakarinig kami ng parada ng sasakyan sa harap ng bahay. Nagkatinginan kami at sabay na lumakad patungo sa harapang entrada.

Pagbukas ni Hector sa pinto ay nasa harap na namin ang isang lalaki. May bitbit itong malaking bag.

“James?” manghang bungad ko sa boyfriend ng tiyahin ko. Sa labas ay naaninag ko ang kotse ni Georgina na nasa pagitan ng sasakyan namin ni Hector. Umatras ako upang makapasok ito.

“Gosh, I almost got lost!” bulalas ni James at humakbang papasok. “Bakit napakadilim—” he stopped in mid-sentence when he noticed Hector who stood behind me. Tumingin sa akin si James. “May... kasama ka?” it was more of a statement than a question.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagtataka akong nagtanong. “Bakit ka pala narito, James? Where’s Georgina?”

“We were trying to reach you through your CP since early this morning, pero walang sumasagot. Laging ‘out of coverage area’ o ‘unattended’ ang sinasabi ng prompt voice,” sagot niya pagkatapos ay tumuloy na siya sa loob.

I groaned silently. Naalala kong inihagis ko sa passenger seat ang cell phone ko nang gabing ma-stranded kami sa daan. Malamang ay naroon pa rin iyon sa loob ng kotse.

“Kanina pa kami dumating ng San Nicolas,” sambit ni James at naghubad sa jacket, nakita ko pang sumulyap-sulyap ito kay Hector. Nasa mga mata ang disgusto. “Nagpa-iwan ang aunt mo sa bahay ni Lalyn Legazpi. Doon daw muna siya ngayong gabi. You know her, don’t you?”

Napatango-tango na lang ako.

“I’m sure it was out of politeness that Lalyn asked me to stay,” patuloy ni James. “Ipinasya kong mauna na lang dito,” hinayon ng mga mata niya ang lamparang nasa center table. “Brownout ba? May ilaw naman sa dinadaanan ko, ah?” sarkastikong sabi niya at muling sinulyapan si Hector bago ibinalik ang nang-uuring tingin sa akin. “Dumating ba ako sa maling tiyempo? Tama bang isipin kong baseless ang pag-aalala ni Georgina na sumunod kami rito?”

I was glad of the darkness. Natitiyak kong namula ang buong mukha ko sa walang pakundangan niyang pagtatanong. Bukod pa roon, kahit papaano ay nakadama ako ng guilt sa mga sinabi niya. Nilinga ko si Hector na nananatiling hindi kumikibo. At madilim kaya hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya sa pagkatitig kay James.

Though Hector was taller, James was muscular, the Arnold Schwarzenegger type. Naging runner-up din si James sa Mr. Philippines contest years ago at body builder instructor ang trabaho niya sa Maynila. Ang slimming salon na pinupuntahan ni Georgina ay katabi lang ng gym nito. Doon na sila nagkakilalang dalawa.

Georgina said, she and James hit if off immediately. Isang taon na rin silang magkasintahan at ayon kay Georgina ay nababanggit na ni James ang salitang kasal. James was thirty-nine at kasing-edad lang din ni Georgina.

“Hindi nabanggit ni Georgina na may kasama kang uuwi rito sa San Nicolas?” biglang untag ni James.

“It’s a long story, James. Anyway, this is Hector... Hector Fernandez. He’s my... friend. Luke, this is—”

You're My Hero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon