YOU’RE MY HERO
CHAPTER 9
written by:
KOKO_HOSHINHECTOR’S POV:
MULA sa posporong nakita ko rin dito sa kusina ay sinindihan ko ang isa sa dalawang kandilang nakita ko sa storage cabinet. Lumakad ako patungo sa pinto ng kusina at maingat iyong isinara at ibinaba ang barrel bolt.
I actually picked the lock nang walang kahirap-hirap. But there was no need for Mr. Arcilla. Ipinagpapasalamat kong hindi naka-barrel bolt ang pinto. Marahil ay sa kusina nagdaan nang umalis ang katiwala nilang si Manong Didoy.
Luma na ang bahay na ito subalit mahuhusay ang mga kahoy na ginamit at solido ang mga barrel bolts maliban sa mga door knob na de-susi. The windows were huge. The windowpanes were encased in metals and wrought iron bars.
Nang maalala kong wala na akong iba pang kukunin ay bumalik na ako sa sala. “Nakakita ako ng posporo at—” I stop in mid-sentence. Bumagal ang paghakbang ko. Nakita ko si Miguel na nasa sofa, nakahilig sa malaking almohadon. At sa kandungan niya ay naroon si Primo na mahimbing na natutulog.
Sa hindi malamang dahilan ay biglang nandilim ang paningin ko. Bago pa ako makagawa ng anumang ingay ay kaagad ko nang inilapag sa kalapit na mesa ang bitbit kong kandila. Napahawak ako sa sentido ko at bigla kong naalala ang mag-ina kong si Mariel at Kristine.
Yumuko ako. I planted a soft kiss on Mariel’s forehead. Nagising siya sa ginawa kong paghalik sa noo niya at isang inaantok na ngiti ang ibinigay niya sa akin.
“Nakatulog na kami sa paghihintay sa iyo,” wika niya.
“I’m sorry, hon,” I said gently. “Narito sa Maynila si Mayor. Lumuwas kaninang umaga mula sa Capistrano. May importanteng appointment si Victor kaya ako na ang humarap.”
Napa-simangot siya. “Nangako ka kay Kristine na panonoorin natin ang Aladdin.”
Napangiti ako at yumuko. Maingat kong binuhat mula sa kanyang kandungan ang natutulog na si Kristine. Pagkatapos ay dinampian ko ang ibabaw ng kanyang ulo ng halik. “I’ll make it up tomorrow, promise. Maghapon tayo sa labas. And you can go shopping, too. Anything you want to buy.”
Bigla namang umaliwalas ang mukha niya, inabot niya ang batok ko at dinampian ng halik ang aking labi. “Anything I want... hmm. Then I forgive you.” natawa na lang ako sa sinabi niya. “And, Hector, tomorrow, may sorpresa ako sa iyo.”
“Mariel... Kristine...” I whispered. My face twisted into an agonized mass.
Sa isang mahabang sandali ay sinikap kong ibalik sa normal ang aking paghinga. Pagkatapos ay dahan-dahan akong tumayo at yumuko. Maingat kong kinuha mula sa kandungan ni Miguel si Primo. Dinoble ko ang pag-iingat na huwag madaiti ang kamay ko sa balat ni Miguel. Ang nangyari kanina sa labas ay ikinamangha ko. A mere touched and I was rock hard. Wala akong natatandaang napukaw nang ganoon katindi ang pagkalalaki ko sa nakalipas na halos limang taon. Ni hindi sa kapwa lalaki...
Hindi lang ala-ala ng aking mag-ina ang pinukaw ni Miguel.
Years of celibacy made that to a man, katwiran ko.
It’s time I start dating again. Pagkatapos ng bakasyong ito, I grimly promised to myself.
Biglang dumaan sa utak ko ang anyo ng sekretarya ng boss kong si Miller.
BINABASA MO ANG
You're My Hero
RomanceMula nang pinatay ni Teodoro Aguilar ang pamilya Fernandez ay para bang namatay na rin ang puso ni Hector. Sa loob ng halos limang taon, tumanggi siyang maramdaman ang kahit anong emosyon. Ngunit isang gabing malakas ang bagyo, biglang nagbago ang l...