CHAPTER 29

437 29 2
                                    

YOU’RE MY HERO
CHAPTER 29
written by:
KOKO_HOSHIN

MIGUEL’S POV:

PRIMO, your dinner is getting cold. Hindi ka kumakain,” wika ko habang nakasilip mula sa kusina. Kasalukuyan itong nakadapa sa sahig at nanonood ng cartoons. Nasa tabi nito ang kanyang pagkain.

“I am eating, Daddy...” balik-sigaw na sagot ng anak ko. Pagkuwan ay dinampot nito ang chicken bits habang nakatutok pa rin ang mga mata sa TV, pagkatapos ay sinubo iyon.

Napailing na lang ako saka ako tumayo at tumuloy sa lababo. Inilagay ko ang pagkain ko roon na hindi ko man lang nagalaw. Apat na araw na ang lumipas mula nang lumabas ako ng ospital.

At marami na ang nangyari.

Kinausap at humingi na ng tawad sa akin si Lalyn para sa kanyang asawa. Tulad ng sinabi ko kay Georgina noong nasa ospital kami, pinatawad ko ito at pinanatili sa serbisyo. Inihayag ko rin ang pagnanais kong manatili ito sa San Nicolas at asikasuhin ang farm. And I needed her to assist me. Isa pa, plano kong magtayo ng clinic sa bayan.

I was a surgeon. I could be a general practitioner. And maybe in the near future, I would specialized in another field. I took up reconstructive surgery because my grandfather joked me about it. Now, I thought of specializing in psychiatry.

Paniguradong magiging abala ako. Hindi na magkakapuwang ang isip ko kay Hector. I sighed, saka ko hinugasan ang ginamit kong pinggan. Walang sandaling hindi ko naiisip si Hector. But they say time heals all wounds. All I had to do was wait for that time.

Kung kailan iyon mangyayari? Hindi ko rin alam. If ever I would forget him.

Ilang sandali pa ay may narinig akong bahagyang tunog ng makina ng sasakyan sa labas. Nagbalik na ba sina Georgina at James? Pero kanina pa sila nakaalis. James decided to spend the weekend in Santo Niño, a romantic place to discuss their wedding and their future plans.

I strained my ears to listen more. Pero ang mga panggabing kuliglig lamang ang naririnig ko at ang ingay ng mga dahong hinahampas ng hangin sa bintana ng kusina.

Pagkuwan ay narinig ko ang langitngit ng pagbukas ng pinto. At bago pa ako makalingon ay sumigaw si Primo.

“Daddy Hector!”

“Hello, pet...” his familiar raspy voice. I don’t know, but that was music to my ears. Kung posible lang na lumabas ang puso ko sa dibdib ko ay iyon marahil ang nangyari sa kabang nadarama ko.

Be still, my heart!

May ilang sandaling nanatili akong nakatayo sa lababo upang payapain ang sarili ko. Doon na ako mapalingon nang marinig ko ang tinig ni Primo sa entrada. Nakasakay na ito ngayon sa isang bisikleta.

“Daddy, look!” ang tila pagmamayabang nitong sabi. “Dala ni Daddy Hector!” dugtong nito pagkatapos ay ini-atras at nagpaikot-ikot sa sala.

I smiled indulgently. Tumaas ngayon ang paningin ko kay Hector na noon ay nakasandal sa hamba ng entrada. In his usual faded blue jeans and denim colored shirt. But this time, he had shaved. Nakabakas pa sa mukha niya ang mangasul-ngasul na pinagdaanan ng pang-ahit.

“Hi,” bati niya.

“Hi yourself.”

“You’re looking fine,” may pananabik niyang hinagod ng tingin ang kabuuan ko.

You're My Hero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon