CHAPTER 7

519 38 0
                                    

YOU’RE MY HERO
CHAPTER 7
written by:
KOKO_HOSHIN

MIGUEL’S POV:

I WAS equally speechless. No wonder he sounded so familiar. Sa kabila ng alanganing liwanag kanina, he still looked familiar. And his name is Hector Fernandez. Iyon ang sinabi niyang pangalan sa akin noon sa ospital. Yes, I remembered him. I remembered coming out of the bathroom and found a tall and attractive man in the middle of my hospital room.

Natatandaan ko ring hindi ko tinanggap ang pakikiramay niya.

It had been two months short of my twenty-fifth birthday. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Papa na inatake sa puso si Lolo na siya nitong ikinamatay. Mula sa Amerika ay agad akong bumalik sa Pilipinas. Nasa San Nicolas na sina Papa at Mama nang dumating ako. Nag-eroplano ako patungong Laoag at pagkatapos ay nagrenta ng sasakyan na maghahatid sa akin sa aming bayan.

Nang mailibing si Lolo ay bumalik na kami sa Maynila kinabukasan. Ginamit namin ang vintage car ni Lolo, ang top-down Chevy at si Papa ang nagmaneho. Hindi ko na matandaan pa ang sumunod na pangyayari... hindi ko gustong tandaan ang buong pangyayari.

All I could remember was the pain I felt when my body hit the road. Then nothing. I woke up in the hospital with a slight concussion and minor cuts and bruises. And too shocked. Ayon kay Georgina, my parents died on the spot. Nadaganan ng mga troso mula sa itaas na daang pinanggalingan ng aming sasakyan. At hindi nakatalon sina Papa at Mama.

Isang buwan matapos ang pangyayaring iyon ay bumalik ako sa Amerika. Sa ibang bansa ko na ipinagpatuloy ang medical practice. Gayunman, ang kaalaman ko sa Medisina ay hindi nagpangyari upang magamot ang aking trauma. It only made me understood.

Eight months ago, bumalik ako sa Pilipinas sa pagpipilit na rin ni Georgina. Nagtrabaho ako sa ospital kung saan ako unang nag-aral ng Medisina. At sa ospital ko na nakilala si Andrea.

I didn’t want to remember her now. I didn’t want to feel the guilt.

“Kaya pala napaka-pamilyar ng pangalan mo...” sandaling nahinto si Hector. “Miguel...” mahinang dagdag niya.

“And now you know,” wika ko habang diretsong nakatingin sa mukha niya.

Napatingin siya sa akin. Doon ko nakita ang matinding guilt sa kanyang mga mata. “H-hello again, Miguel. We never—”

“It’s Migs for short,” putol ko sa sinasabi niya.

Hector was silent for a moment. Then, “Miguel suits you better,” wika niya, an edge in his voice. Pagkuwan ay mabilis niyang dinagdag ang, “Sinisisi mo pa rin ba ako sa pagkamatay ng mga magulang mo, Miguel?”

Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon. Hindi kaagad ako nakahagilap ng isasagot. Napaisip ako... sinisisi ko pa rin ba siya tulad ng nararamdaman ko noon?

Nawalan ako ng mga magulang ng sabay, sa mismong panahong nawala si Lolo. At dahil iyon sa kapabayaan ng mga Fernandez sa safety measures ng mga truck at trailers nila.

And three deaths in my family almost at the same time was too much to bear.

Ngunit aksidente ang nangyari sa mga magulang ko. Ipinaliwanag sa akin ni Georgina iyon nang una akong magkamalay. Ganoon din ng mga imbestigador. Subalit may bahagi ng isip kong tinatanggihan iyon, lamang ay hindi ko maisatinig. I took out my anger on Hector Fernandez.

“Sino ang uuwian ninyong mag-ama sa dating bahay ng Lolo mo?” pag-iiba niya sa tanong.

“Ang katiwala, si Manong Didoy. Siya ang tumatao roon,” sagot ko.

“Alam niyang darating kayo?”

“Ang bakasyong ito ay isang biglaang pasya,” my voice was cold and stiff.

“Hindi birong biyahe ang ginawa mo. Alam ba ng asawa mo ang bakasyon mong ito?”

“It’s none of your business,” I snapped and wished he’d stop interrogating. I didn’t want to lie about this non- existing wife.

“Rude, aren’t we?” tuya niya. “At isiping kanina mo pa ako gustong huntahin.”

Napatingin ako sa kanya. ‘Kanina iyon, nang hindi mo pa ako isinasailalim sa third degree!’ sigaw ng isip ko. “Nasagot ko na ang ilang tanong na dapat mong malaman.”

“Hindi natin alam kung anong panganib ang naghihintay sa daan,” he persisted. “I could guess you had a row with your wife and left without her knowledge. You are crazy. You took chances with your life and your son’s!” napa-angat ang likod niya sa sandalan. Nahihimigan ko sa kanyang tinig na tuluyan nang bumaon ang iritasyon at galit.

“My life. Correct. And my... son’s. So, wala kang pakialam! Hindi ko sinabi sa iyong hintuan mo ako. In fact, pinilit mo akong sumakay rito.”

“Why?” nagtataka niyang tanong. Lumikot ang kanyang mga mata. “Okay, I’m so—rry,” eksaheradong paumanhin niya sa nanunuyang tono. “Ipagpaumanhin mong nag-alala akong baka mapahamak ang isang lalaking walang sentido-komun na tumayo sa gitna ng kalye sa ilang na lugar at sa dis-oras ng gabing bumabagyo.”

May ilang sandali akong natahimik. Hindi ako makapaniwalang nagsisinghalan kami ngayon ng lalaking ito. But he was right though. Napaka-walang isip kong basta na lang nanatiling nakatayo sa gitna ng madilim na kalye.

Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na paghinga. Then in a gentle voice said, “I know how you feel, Miguel. Alam ko ang nararamdaman ng mawalan ng mga mahal sa buhay. I am sorry you lose your parents in that tragic accident two and a half years ago. But don’t take it out on me. It was an accident. Pero sa ginawa mo kanina ay isinapanganib mo ang buhay ninyong pareho ng anak mo. At kung may nangyari sa inyo, hindi iyon aksidente...”

Napayuko ako. “I... went out of my car when I saw another vehicle was coming from the opposite side of the lane,” paliwanag ko. “Hindi na ako nag-isip at tumakbo ako palabas upang parahin iyon. Subalit natakot yata sa akin ang driver. Hindi ako hinintuan.”

“It seemed na mas may matinong kaisipan ang driver na iyon,” he said in mock amusement.

“Stop insulting me!” I hissed.

Kaagad din siyang huminto at nagpakawala ng paghinga. Napansin ko namang sinipat niya sa rearview mirror si Primo sa likuran.

“Ilang taon na ang anak mo?” he asked.

“He’s three and a half...”

Muli niyang sinilip si Primo sa salamin. Sandali kong nakita ang paglambot ng kanyang anyo. At pagkuwan ay tumiim ang kanyang mukha. I saw the muscles in his jaw flexed. At pagkatapos ay ang marahas niyang paghugot ng hininga.

I almost feared him at that moment. Hindi ko maintidihan ang biglang paghalili ng kanyang ekspresyon.

At sa sumunod na sampung minuto, sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagpasalamat ko ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

You're My Hero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon