CHAPTER 6

575 42 1
                                    

YOU’RE MY HERO
CHAPTER 6
written by:
KOKO_HOSHIN

HECTOR’S POV:

I’M sorry, sanay si Primo sa kahit na kaninong tao, estranghero man o hindi. He is very inquisitive,” biglang sambit ni Miguel. Noon ko lang nalaman ang kanyang pangalan may ilang sandaling umandar ang sasakyan. Napalingon ako sa kanya at nagkibit ng balikat.

Primo chatted with me endlessly. I indulged the boy until sleep silence him. Gusto kong sabihin kay Miguel na normal iyon sa ganoong edad subalit minabuti ko na lang na huwag nang magsalita. Something was bothering me though. Something strange.

This man had a husky voice. But so what? I encountered plenty of men with husky and sexy voices. But why his voice sending shivers to my spine? At sinasapawan niyon ang kirot sa likod ko? And then, there's was the man’s scent. Cool scent, sort of Adidas. At hindi ko maintidihan kung bakit pinag-uukulan ko iyon ng pansin.

Kanina, nang buksan ni Miguel ang pinto sa likod ng sasakyan ko upang ipasok si Primo ay nagdikit ang mga braso namin. It lasted only a few seconds but I was shocked to feel such an intense pull.

Something long dormant stirred me deep inside. And I didn’t want to recognize the feelings half an hour ago.

But it persisted, nagging me. I could feel his warmth beside me. At sa mismong sandaling iyon ay hindi ko maipagkaila ang pagnanasang unti-unti nang umaahon at pumupulupot sa buong pagkatao ko.

Gusto ko iyong tapakan at durugin sa mga paa ko kung paano dinudurog ang isang makamandag na ahas. But the desire was too strong that I had to face it head on. Sa loob ng mga taon ay inakala kong matagal nang namatay ang bahaging iyon sa pagkatao ko. Kasamang namatay ng mag-ina ko. And now, I was seeing a man as a man, reacting to man as a man.

Pero, bakit ba ako nagkakaganito ngayon sa kanya? At sa lalaki pa?

I didn’t mind if I felt desire again. Pero kung sana man lang ay nararamdaman ko ang ganitong damdamin sa mga babaeng halos ipagkaloob na ang sarili sa akin. Kay Gina halimbawa, ang sekretarya ni Miller. Sa mahabang panahon ay hindi miminsan ako nitong lantarang tinutukso.

For the first time, after almost five years, bakit kailangang mapukaw ang damdamin ko sa isang lalaking estranghero na mukha mang disente ay may asawa’t anak na?

Shit! Hindi ko matatanggap na nagkakaganito ako. Ayokong tanggapin na magiging isa na akong...

Napailing ako. Nagsalubong ang mga kilay kong tinitigan ang kalsada. Hindi na ako kumibo. Naiinis ako sa sarili ko.

-
-
-
-
-

MIGUEL’S POV:

KALAHATING oras na kaming naglalakbay subalit nanatili pa ring tahimik si Hector. Ni hindi na rin niya binuksan ang ilaw sa loob ng sasakyan.

Ipinagtataka ko rin ang matiyaga niyang pakikipagusap kay Primo hanggang sa antukin ito. Bigla ay naalala ko si Andrea, hindi nagpapakita ng ganoong pagtitiyaga sa pakikipagusap si Andrea sa anak. Bagkus ay humahanap siya ng paraan na maaaring mapagkaabalahan ni Primo. Toys, food, television shows, at kung ano-ano pang dahilan.

Hindi miminsan kong inisip na kaya agad na nag-alok ng kasal si Andrea isang linggo matapos niya akong sagutin ay upang magkaroon ng ama si Primo.

Remembering Andrea brought pain in my head.

Pagkuwan pa ay bumalik ang pansin ko kay Hector. The silence between us didn’t seem to bother him. Pero ikinababahala ko ang katahimikang iyon sa pagitan naming dalawa. To think na ihahatid niya kami sa pupuntahan namin at kahit papaano ay obligasyon kong maging palakaibigan.

You're My Hero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon