YOU’RE MY HERO
CHAPTER 19
written by:
KOKO_HOSHINHECTOR’S POV:
“NIGHT,” masuyo kong bulong pagkatapos ay dinampian ko ng halik ang noo ni Primo. Kanina pa ito inaantok kung kaya ay dinala ko na ito sa silid ni Miguel. Si Miguel naman ay nasa ibaba at nagpupunas ng mga hinugasang pinagkainan namin.
Alas-sais ng gabi noong dumating ako rito sa malaking bahay. Hinintay ko pang matapos ang pagpipintura ng bahay ni Manang Felicia. Hindi ko na rin nadatnan sina James at Georgina. I was glad to have an excuse to be here. Hindi ko rin gustong wala silang kamasa rito sa bahay.
Something was mortally wrong. I hated this feeling. Sa kabila ng masasayang biruan kasama ng mga Japanese sa rancho sa Capistrano ay nararamdaman kong parang may hindi tamang mangyayari. I dismissed this feeling only to find out that my whole family was murdered on that very day.
At muli ngayon. I smothered a curse. I feared that should anything happen to Miguel I might not be able to do a damn thing to prevent it.
“Andrea was my mom,” inaantok na wika ni Primo, then sleepy eyes turned to him. “But she’s gone,” tumigil ito. “How can I find a new Mommy, Hector?”
“I don't know, Primo. But if you want, you can call me Daddy so you'll have two Daddies,” kung bakit nasabi ko iyon ay hindi ko alam. Kahit na hindi naman ito konektado sa sinabi ni Primo.
“Really?”
I gently combed his soft brownish hair with my fingers. “Yes, kid.”
I saw he smiled contentedly, yawned and closed his eyes. “Night, Daddy...”
“Night,” I whispered back. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama at tinitigan ito. “No one will harm your father, Primo. I promise you that...” bulong ko at pagkatapos ay hininaan ko ang lampara sa night table at lumabas ng silid.
Nasa puno na ako ng hagdan nang marinig ko ang pagbagsak ng kung anong nabasag sa sahig. I frowned. Then I heard Miguel cried my name... almost a croak, bahagya nang umabot sa pandinig ko. Kaagad kong hinugot ang baril sa waistband ko. Halos talunin ko na rin ang hagdan pababa sa pagmamadali.
Ilang saglit lang ay nasa kusina na ako habang nakatutok ang baril. “Miguel!”
But there was no one in the room. Si Miguel lang ang nakita ko na nakatayo sa may lababo na tila na-estatwa habang nakatitig sa bahagi ng bintana, sa paanan niya ay naroon ang basag na pinggan.
Ibinaba ko ang baril. “What is it? Are you all right?”
“M-may tao sa bintana... nakasilip siya rito at nakatingin sa akin... m-may hawak siyang patalim, Hector!”
Sa dalawang hakbang ay nasa pinto na ako at binuksan ito, nasa kamay ko ang baril habang nakatutok ito sa dilim. My trained eyes scanned the surroundings. Subalit wala akong maaninag. Ni ingay ng nabaling sanga na natatapakan nito ay wala. Ang tanging ingay na naririnig ko ay ang katahimikan ng gabi at ang hampas ng alon sa dagat sa di-kalayuan at ang ingay ng panggabing insekto.
“M-may nakita ka ba?” tanong ni Miguel nang makabalik ako sa loob. Isinara kong muli ang pinto.
“Kukunin ko ang flashlight sa sasakyan,” ngunit bago pa man ako makarating sa entrada palabas ng sala ay nasa tabi ko na si Miguel at nakahawak sa braso ko.
BINABASA MO ANG
You're My Hero
RomanceMula nang pinatay ni Teodoro Aguilar ang pamilya Fernandez ay para bang namatay na rin ang puso ni Hector. Sa loob ng halos limang taon, tumanggi siyang maramdaman ang kahit anong emosyon. Ngunit isang gabing malakas ang bagyo, biglang nagbago ang l...