CHAPTER 25

483 41 0
                                    

YOU’RE MY HERO
CHAPTER 25
written by:
KOKO_HOSHIN

MIGUEL’S POV:

NAGISING ako nang maramdaman ko ang init ng araw na pumapasok sa silid ko. Napabalikwas ako ng bangon at inikot ang tingin sa paligid. Nasa loob na ako ng silid ko. Binuhat ba ako ni Hector pabalik dito? Bumaba ako ng tingin at suot ko na ngayon ang pantulog ko.

Where was he? Was it all a dream?

Pinakiramdaman ko ang katawan ko. No! Hindi iyon panaginip. My body was tender in some parts. A soft smile came out of my lips as memories of last night creeped into my mind.

True to his words, the pain in his back was less of his worries. I had learned the arts of love in one whole night. He was an excellent teacher and I was willing to learn for him.

Nilinga ko ang orasan sa nightstand. Alas-dos na ng hapon! Patamad akong bumangon.

Inayos ko ang sarili ko. Nagbihis at lumabas ng silid at bumaba. Nagulat pa ako nang makita ko sa kusina si Georgina. Hindi ko inaasahang nakauwi na pala sila ngayon.

Sa nakikita ko ay parang naghahanda ito ng mga ingredient para sa lulutuing pancake. Hinanap ko sa paligid si James but he was nowhere around.

“Hi, Migs,” bati ni Georgina nang makita ako. Ang mga mata niya ay tumaas-baba na tila ba nanunuri.

“Anong oras kayo dumating? How’s your overnight in Santo Niño?” I asked, saka ako dumiretso sa cupboard at kumuha ng tasa upang magtimpla ng kape. It didn’t matter if it was two o'clock in the afternoon, but I had to have my morning cup of tea.

“An hour ago,” sagot niya. Binasag niya ngayon ang tatlong itlog sa malaking bowl. “James enjoyed it immensely. He loved that place.”

“Where’s Primo?” naupo ako sa silya, saka ako humigop ng kape.

“Nagyaya si Primo sa dagat. Mamumulot daw siya ng shells. Napuyat ka ba kagabi at hinapon ka ng gising?” she asked sarcastically. Tinitigan niya ngayon ang telltale signs sa mga balikat ko. I groaned. Kanina ko pa ito napansin nang inayos ko ang sarili ko at humarap sa malaking salamin. Naging maingat naman si Hector na huwag mag-iwan ng marka sa bahagi ng katawan ko. But no part of my body was left untouched and unloved. Hindi ko naisip na nakauwi na sina Georgina at James or else I would have worn something to cover my shoulder base. Naka-sando lang kasi ako.

“They are not hickies anymore, Migs,” patuloy ni Georgina na bahagyang nanlaki ang mga mata. “They are almost bruises! Hector’s that wild, eh? I can imagine what’s underneath your clothings,” her voice filled with malice.

“Shut up, Georgina!” saway ko. Kinakabahan akong baka nasa paligid lang si Hector at marinig ang sinasabi ng babaeng ito. Nagsalita pa siyang muli ngunit hindi ko na siya pinansin pa, tumayo ako at binuksan ang pinto sa kusina. Sumilip ako sa labas, expecting to see Hector outside. Subalit wala ito. Lumakad ako pabalik upang lumabas patungo sa sala.

“Oh!” Georgina said with exaggeration, watching me intently. “Nakalimutan kong sabihin sa iyong nang dumating kami ay nagpaalam na rin si Hector. Ipinapasabi sa iyo na may importante raw siyang lalakarin. Tatawagan ka na lang daw niya. He took your cell phone from your car and asked me to recharge it,” litanya nito. Hindi ko pinansin ang tono ng kanyang pananalita.

You're My Hero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon