CHAPTER 8

442 38 0
                                    

YOU’RE MY HERO
CHAPTER 8
written by:
KOKO_HOSHIN

MIGUEL’S POV:

MALAKAS na ihip ng hangin at banayad na ulan nang iparada ni Hector ang kanyang kotse sa harap ng malaking bahay, ang dating masigla at magandang dalawang palapag na bahay ni Lolo.

Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at inaninag sa kadiliman ang bahay ng aking abuelo. Ang tanging liwanag na tumatanglaw sa paligid ay ang headlights ng sasakyan ni Hector. Madilim ang buong kabahayan.

“Bakit hindi man lang nag-iwan ng kahit na isang bukas na ilaw si Manong Didoy?” I asked in puzzled tone, more to myself.

Narinig ko naman ang sunod-sunod na pagbusina ni Hector. Naghintay kami na may magbukas ng ilaw subalit nanatiling madilim ang buong kabahayan.

“Natitiyak mo bang nasa loob ng bahay ang Manong Didoy na sinasabi mo?” ani Hector at muling bumusina. “Kung may tao riyan ay tiyak na nagising na iyon sa busina ko.”

“I-imposible iyon,” gayunman ay nasa tinig ko ang pag-aalinlangan. “Si Manong Didoy ang katiwala sa bahay na iyan. Nang mamatay si Lolo at ang mga magulang ko ay siya na ang tumatao. Ang maintenance ng farm at ng bahay at ng suweldo niya ay sa pamamagitan ng manager...” patuloy ko. And Georgina saw to it. Sa nakalipas na dalawang taong mahigit, sa pagkakaalam ko ay umuuwi minsan sa isang taon si Georgina sa San Nicolas.

Napatingin ako kay Hector. He sighed patiently. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang matinding pagod, idagdag pa na nabasa rin siya sa ulan nang tulungan niya kami ni Primo na makapasok sa kanyang kotse.

“Maraming posibilidad kung bakit wala ang Manong Didoy na sinasabi mo,” sabi niya. Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto ng kanyang sasakyan at lumabas. Muli siyang tumingin sa akin. “Maaaring nasa kamag-anak o sa kaibigan,” saka niya ito isinara. Tinungo niya ngayon ang covered portico at lumakad patungo sa malaking pinto. Nakita ko ang sunod-sunod at malalakas niyang pagkatok sa pinto. Dahil sa ginawa niya ay mabilis akong lumabas ng sasakyan niya. Lumapit ako sa kanya.

“That knock could have waken the dead, Miguel,” he mocked as he walked back towards his vehicle. “Walang tao ang bahay na ito.”

Hindi ko makuhang magsalita. Kaagad na bumalot sa akin ang panlulumo, pagod at kung ano-ano pang emosyon. Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Hindi ako nagpaabiso kay Manong Didoy na darating. Natural lamang ang posibilidad na wala kaming daratnan.

“At kung hindi ako nagkakamali, wala ka ring susi sa bahay na iyan,” nanlulumo pa rin akong tumingin kay Hector. Nakatayo siya ngayon di kalayuan sa akin. Hindi alintana ang ulan. And he couldn’t keep the sarcasm in his voice.

Hindi ko na lang pinansin ang kanyang sinabi. Sa halip ay lumakad ako patungo sa pinto at sinubukang pihitin ang doorknob subalit ni hindi iyon natinag. Nilinga ko ang madilim na kapaligiran. Walang maririnig kundi ang malakas na ihip ng hangin at ang marahas na paghampas ng mga alon sa baybayin. Ang dagat ay limampung metro ang layo mula rito.

Forlorn, I turned to look at him. “Y-you’re right, I don’t have a key in this house. Hindi ko inaasahang hindi daratnan si Manong Didoy.”

I heard he muttered something but I failed to catch it. Natitiyak kong nagmura siya. Bigla namang nag-init ang sulok ng mga mata ko. Gusto kong magalit sa lalaking ito, but he had the right to be angry. Inabala ko siya. Basa siya at marahil ay pagod na ring tiyak. Pagkatapos ay heto, wala naman pala ang taong inaasahan kong dadatnan.

You're My Hero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon