YOU’RE MY HERO
CHAPTER 18
written by:
KOKO_HOSHINMIGUEL’S POV:
“WALANG problema sa main switch, Miguel,” ani James at isinarang muli ang switch box. “Nag-brownout lang marahil kagabi. At ngayong umaga na lang uli nagkakuryente. Alam mo naman minsan itong kompanya ng elektrisidad, lalo at probinsiya pa.”
Nanlulumo ako ngayong humarap kay Georgina. “Bakit hindi ka nagising nang sumigaw at kalabugin ko ang silid mo kagabi, Georgina?” pagkatapos ay bumaling ako kay James. “At saan ka galing sa ganoong oras ng gabi, James? Ano ang ginagawa mo sa labas ng silid ko? Hindi mo nasabing narinig mo akong sumigaw kaya ka naroroon kagabi?”
“Whoa... whoa!” pagtaas ni James sa kanyang mga kamay. “Calm down, Miguel.”
Umiwas naman ng tingin si Georgina sa akin, then said guiltily. “I took sleeping tablets last night, Migs. Alam mo namang kapag nasa ibang lugar ay namamahay ako at hindi makatulog,” pagkatapos ay iginala niya ang kanyang paningin sa buong kabahayan at nagbuntong-hininga. “Hindi na ako pamilyar sa bahay na ito. Lalyn knew that, too, kaya nang sa kanila ako natulog noong gabing dumating ako ay binigyan na niya ako ng sleeping tablets maaga pa lang.”
“At sa baybayin ako natulog kagabi,” paliwanag naman ni James. “I brought my camping blanket. Umuwi lang ako nang magsimulang umulan. Anong oras ba may nagtangkang magbukas ng silid mo?”
Almost at the same time you knocked on my door!
Gusto kong sabihin iyon subalit pinili ko na lang na huwag nang kumibo. Hindi rin tamang pagbintangan ko ito. It was absurd.
“Could it be another of your nightmares, Migs?” Georgina said sympathetically. “Nananaginip ka na naman bang muli? Baka naman sa halip na nakabuti ay nakasama pa ang pagbabakasyon mo rito. Mula nang mamatay ang mga magulang mo ay hindi ka na tinatantanan niyang masasamang panaginip mo.”
Gusto ko sanang sabihing hindi ako nananaginip kagabi. Subalit walang katibayang may nagtangka ngang pumasok sa silid ko.
“If it makes you feel secured and safe,” patuloy ni Georgina sa nag-aalalang tinig. “Kailangan nating humingi ng proteksiyon para sa iyo. Tutungo kami ni James ngayon sa police station sa bayan at—”
“At ano ang sasabihin natin?” pagputol ni James. “Nasaan ang katibayang may nagtangka ngang pumasok sa silid ni Miguel kagabi?”
“We could report the previous incident,” sagot ni Georgina.
“Why only now? Bakit ipinalinis nang hindi man lang ipinakita sa mga awtoridad? At kahit ang sulat sa sahig ay salita lang ni Hector ang pinanghahawakan natin. For all we knew, gawa-gawa lang ni Fernandez ang bagay na iyan!”
“Tama si James, Georgina,” sabi ko na napabuntong-hininga. “This is a small town. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao? Kahit si Hector ay hindi sinabi kay Manang Felicia ang tungkol sa pananakot,” binanggit sa akin ni Hector na siya mismo ang bumura sa dugong nakasulat sa sahig bago pa iyon makita ng inatasang maglinis.
“Anyway, why would anybody wants to kill you?” tanong ni James sa nanunuyang tono.
“I’ve asked the same question a million times already, James,” I felt weary and confuse. Tumayo ako. “Ikaw na muna ang bahala kay Primo, Georgina. Gusto kong bisitahin ang farm ngayong umaga,” hindi ko na kailangang sabihin sa kanila na si Hector ang sasadyain ko kina Manang Felicia.
BINABASA MO ANG
You're My Hero
RomanceMula nang pinatay ni Teodoro Aguilar ang pamilya Fernandez ay para bang namatay na rin ang puso ni Hector. Sa loob ng halos limang taon, tumanggi siyang maramdaman ang kahit anong emosyon. Ngunit isang gabing malakas ang bagyo, biglang nagbago ang l...