YOU’RE MY HERO
CHAPTER 1
written by:
KOKO_HOSHINHECTOR’S POV:
“HECTOR, we have a big problem! Ang minamanehong trailer truck ni Sitoy ay nadisgrasya! Napatid ang kadenang nakatali sa mga troso sa palusong na daan sa San Nicolas at mayroong dalawang nasawi!” it was Victor on the phone.
“What?!” napa-angat ako mula sa kinauupuan ko atsaka inilipat sa kabilang tainga ang telepono. “Kailan nangyari?” sunod kong tanong.
“Dalawang araw na ang lumipas.”
Napapikit ako. Pagkatapos ay marahas kong ibinagsak ang ulo ko sa headrest ng executive chair. “Okay, okay... I’ll be there.”
Wala sa sariling ibinalik ko ang telepono sa lagayan. My face was grim. Panibagong problema na naman. Dapat ay lilipad na ako ngayon patungong Mindanao upang subaybayan ang mga kilos ni Teodoro. Ang taong pumalis sa pamilya ko sa balat ng lupa!
I closed my eyes tightly. The zigzag road was so dangerous. Bituka ng manok kung tawagin ito ng mga taga-roon. Sa pagkakatanda ko ay may nangyari na ring aksidente sa truck namin many years ago. That time, I was still a young boy. Hindi nasaktan ang driver subalit magmula noon ay naging maingat na ang Papa pagdating sa safety measures ng mga logs.
At sa pagkakataong ito ay may nadamay! Dalawa ang casualties. Ayon pa kay Victor, dead on the spot! Nasa pagamutan na ang driver namin subalit fifty-fifty din ang chance. At isang nasa ospital sa Laoag with minor injuries—ang anak ng mga casualties. And I had to be there para ayusin ang lahat.
I was tied up to my neck. Parehong naghahanda upang madala sa batas si Teodoro Aguilar at pag-aasikaso sa negosyo namin. At ang Fernandez Logging ay ipinaubaya ko na sa manager. Kung ako lamang ang naroroon ay tiyak na nasusuri ko sa pana-panahon kung matibay pa ang mga kadena... kung gumagana ng maayos ang mga truck at trailers.
Kahit paano ay gusto kong sisihin ang sarili ko. Nauubos lamang ang panahon namin ni Victor sa pagtugis kay Teodoro Aguilar!
But Aguilar had to pay! I grit my teeth. Hindi kami titigil hangga’t hindi napagbabayaran ni Teodoro Aguilar ang ginawa nito sa pamilya namin!
-
-
-
-
-“HECTOR FERNANDEZ,” pagpapakilala ko sa doktor na inabutan ko sa silid ng pasyente, dalawang araw matapos ang pag-uusap namin ni Victor. Kaagad naman itong inabot ng doktor at nakipagkamay. “Pag-aari ng mga Fernandez ang trailer truck na nadisgrasya sa road bend sa San Nicolas. Kumusta na ang pasyente, doktor?”
“Hindi pa nagkakamalay ang driver ng trailer, Mr. Fernandez,” pag-iling nito. “We are giving him twenty-four hours. Kung malalampasan niya iyon, then he will live.”
“And... and the other survivor?”
“He’s fine,” sagot niya na umaliwalas ang mukha. Sinuri niya ang chart na nasa harapan namin. “Slight concussion, minor cuts and some bruises that would heal in no time at all. But he was hysterical when he woke yesterday and learned of his parent’s death...”
“You didn’t have to tell him that at this point of time!” I was aghast at the luck of consideration and sympathy. Ayon kay Victor, ang mga magulang ng pasyenteng nasawi sa aksidente ay anak at manugang ni Gregorio Arcilla, ang mayor sa San Nicolas—which we hadn’t even had the time to pay respect. Tatlong mahal sa buhay ang nawala sa survivor sa pagitan lamang ng ilang araw.
“We didn’t tell him, Mr. Fernandez. He knew. Confirmation na lang ang dahilan kung bakit niya itinanong. But he couldn’t remember what happened before he was thrown out of the car. He knew he jumped out of the car and nothing.”
BINABASA MO ANG
You're My Hero
RomanceMula nang pinatay ni Teodoro Aguilar ang pamilya Fernandez ay para bang namatay na rin ang puso ni Hector. Sa loob ng halos limang taon, tumanggi siyang maramdaman ang kahit anong emosyon. Ngunit isang gabing malakas ang bagyo, biglang nagbago ang l...