Chapter 16: Cocoon House

91.7K 3.5K 385
                                    

LEAN MACAROV

Bumalik kami sa bahay pagkatapos ang nangyari. Nandoon na rin ang ibang mga kasama namin. Kwinento nila ang mga nakita nila at pare-pareho kami ng nahanap at naisip. Isang malaking halimaw ang kumukuha sa mga bata at babae. 

Nag-alala din sila dahil sa lalaking nilapitan ako kanina. They were asking me all sort of questions pero nanatili akong tahimik, iniisip kung ano ba ang meron. The man looked terribly scared and it bothers me alot.

Napag-usapan din namin ito sa hapagkainan. Binigyan kami ng marami at masasarap na pagkain but I was too occupied to have appetite. Ang sabi nila ang lalaking iyon ang unang biktima, kinuha mula sa kanya ang kanyang anak habang natutulog sila sa kanilang bahay. Nasiraan siya ng bait kaya ganyan siya.

Tumingin ako sa babaeng nagpatuloy sa amin, masaya siyang nakikipag-usap kay Zeroth at Mela.

"Nasaan po ang asawa niyo?" biglaan kong tanong, tumahimik ang mga tao at nagulat sa tanong ko. Lahat naman sila at tumingin sa babae. "I mean, okay lang po ba na kumakain tayo na hindi siya kasabay?"

"Salamat sa pag-aalala hija," sagot niya "pero hindi na makatayo ang asawa ko, sa kwarto ko nalang siya dinadalhan ng pagkain"

Napatango nalang ako, nagpatuloy sila sa pag-uusap na para bang walang nangyari. But I was still bothered, hindi ko maintindihan ang sarili ko. 

Siniko ako ni Krayver na nasa tabi ko, lumingon ako sa kanya.

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin, tumango ako pero parang hindi siya naniniwala "I just find it hard to believe that you're not eating"

Napatawa ako ng mahina, anong akala ni Krayver sa akin? Matakaw?

Hindi nga ba?

"Sabihin mo lang sa akin kapag may problema ka" sabi niya, ngumiti siya at pati na rin ang mga mata niya, bumungad sa akin ang mga dimple niya. Nahawa ako sa ngiti ni Krayver kaya napangiti din ako.

Binalik ko ang tingin ko sa mesa, pag-angat ko nakita ko si Flame na seryosong nakatingin sa akin.

Pagkatapos kumain ay humati kami sa dalawang grupo na magbabantay sa village. Ang unang grupo ay si Tracy, Shane, Krayver, Kairo at Luke. Sa pangalawang grupo naman ay ako, si Flame, si Tristan at si Wade.

Natulog kami sa kwarto habang nagbabantay sila sa village dahil sa pagpatak ng alas dos ay kami naman ang papalit at sila ang matutulog. Nakaupo ako sa kamay habang natutulog sa sahig si Tristan at Wade na magkayakap at humihilik. 

Umupo sa tabi ko si Flame, napansin ko ang inaantok niyang mga mata.

"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong ko sa kanya, umiling siya at tumingin sa akin.

"Gusto mo ba si Krayver?" biglaan niyang tanong. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, ganon na ba siya kaantok nakung ano-ano nalang ang pinagsasabi?

"Inaantok ka lang, kung ano-ano lang ang iniisip mo" natatawa kong sagot sa kanya. Pinaglaruan ko ang maliliit na mga dice na pinapalipad ko sa ere. 

Nagulat ako an nabagsak ang mga dice na pinaglalaruan ko nang biglang matumba si Flame sa akin. Napasandig siya sa balikat ko at nagbigkas ng mga salita na hindi ko maintindihan.

"Wag kang magkakagusto sa kanya, lahat nalang ng gusto ko kinukuha niya"

"Ha? ano ba pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko talaga marinig ang mga pinagbubulung niya. Dahil sa bigat at inihiga ko siya sa kama, kumunot ang noo ko habag tinitingnan siyang humihilik. Bumalik din ang tingin ko sa dalawang natutulog sa sahig.

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon