LEAN MACAROV
"Aalis muna ako" sabi ko kay Tracy na busy sa pagsusulat. Tumango lang siya at binalik ang atensyon niya sa pagsusulat. Ilang araw na simula nung dumating kami mula sa kastilya at nagsisimula nang magplano sila Tracy para sa Anniversary ng Academy.
Lumabas ako ng dorm at nagsimulang tumakbo. Kailangan kong palakasin ang pisikal kong katawan para mas marami akong magawa sa ability ko. Hindi pa masyadong marami ang tao sa Academy dahil masyado pang maaga at hindi pa nagsisimula ang klase.
Habang tumatakbo, hindi ko maiwasang maisip ang mga nangyayari nung mga nakaraang buwan. I never thought I'd be able to get here. Akala ko habang buhay nalang ako makukulong sa mansyon na iyon. Simula nang lumabas ako don tumawa ako ng maraming beses, napilayan at nasugatan ako ng marami beses, umiyak at natakot din ako ng maraming beses.
Ngayon, hinahabol ako ni Doyle at pinag-iinitan ni Hilda. Napakarami nang nangyari, sana naman matapos na ang lahat ng ito.
Napatigil ako at napaatras nang may mapansing kakaiba. Nasa likod ako ng Academy kung saan walang masyadong tao na pumunta. Lumapit ako sa pader na natatabunan na ng mga halaman at ugat. Kakaiba ang kulay ng parte ng pader na ito kumpara sa iba. Hinawi ko at tinanggal ang mga halaman na nakaharang sa pader at nang makita ko ito ay napagtanto ko na hindi pala pader.
Isa itong malaking pintuan na may nakaukit sa itaas na mga letra. Nangingitim at kinakalawang na ito.
Mystica
Sinubukan kong buksan ang pinto pero hindi ito mabukas. Ginamit ko ang ability ko para kalikutin ang lock na nasa likod ng pintuan. Napangiti ako ng makarinig ako ng click mula dito. Nahirapan akong buksan ito dahil maraming mga damo at bato ang nakaharang sa paanan ng pintuan.
Nang makapasok ako napasinghap ako sa nakita. Sino ang mag-aakala na may magandang hardin sa loob ng Academy? sa likod ng pinto ay napakagandang tanawin. Napapalibutan ang kapaligiran ng iba't-ibang kulay na halaman at mga bulaklak. Maraming mga paru-paru ang nagsisiliparan. Sa gitna ng hardin ay may pond na linalanguyan ng maliliit na isda.
Sa gitna ng hardin ay may upuan na gawa sa kahoy. Lumapit ako dito at tinanggal ang mga damo at ugat na pumupulupot sa mahabang upuan. Napangiti ako, dadalhin ko dito si meow, sigurado akong magugustuhan niya ang hardin na ito.
Nakarinig ako ng kaluskos sa likod ng mga halaman. Lumapit ako dito at sumilip para lang makita ang dalawang itim at bilog na mga mata na nakatingin sa akin. Dahil sa gulat ay napatras ako at natumba sa damo.
Ang nilalang ay siniksik ang sarili niya paalis ng mga halaman papunta sa akin. Gumawa ito ng maliliit na tunog at nagpatuloy sa hindi tuwid na paglalakad palapit sa akin. Nagkatinginan kami at lumapit ako sa kanya.
Hinawakan ko ang noo sa gitna ng mga mata niya at pinikit niya ito. Ninakawan ako ng hininga, napakamaamo.
Ang nilalang ay kalahating ibon at kalahating pusa. Ang ulo nito pababa pati ang mga paa na nasa harap ay parang ibon, may mga pakpak din ito. Mula sa kalahati naman pababa hanggang sa mga paa niya sa likod at buntot ay parang katawan ng isang malaking kayumangging pusa.
Tiningnan ko ang kapaligiran, walang iba pang nilalang dito kundi siya lang. Tiningnan ko ito ng mabuti, base sa liit at itsura nito ay sanggol palang ito. Huminga ako ng malalim at ngumiti.
Ang cute.
Bigla akong nag-alala, nilibot ko ang tingin ko. Saan kaya ang nilalang na ito kumukuha ng pagkain? Tiningnan ko ang katawan niyang bakat na ang mga buto. Hinawakan ko siya at dinala sa mga kamay ko, sobrang gaan. Kailangan ko siyang pakainin pero hindi siya pwedeng makita nina Flame o ng ibang studyante dahil bawal ang mga nilalang dito.
BINABASA MO ANG
SAFIARA ACADEMY: BOOK ONE
FantasíaSAFIARA ACADEMY: RETOLD Being trapped and suffocated was all that Lean felt all those years trapped in a castle. Having found a portal, she enters another Realm thinking it was the Human World. To her surprise, flying fishes, floating rivers and unu...