Chapter 27: Fiarae League

83K 2.9K 88
                                    

LEAN MACAROV

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa uhaw. Bumaba ako ng hagdan ng hindi binubuksan ang ilaw dahil tinatamad ako. Dumaan ako sa kwarto ni Hilda na nakabukas ng kaunti. Narinig ko ang boses niya na parang may kinakausap.

"I told you! Gagawin ko ang sinasabi mo!"

"I don't care! basta gawin mo ang gusto ko"

Kumunot ang noo ko, naramdaman niya yata ang presensya ko kaya lumingon siya pero buti nalang nakababa na agad ako ng hagdan. Naghilamos ako dahil mugto ang mga mata ko at kumuha na rin ng tubig na maiinom.

"Did you know that eavesdropping is a crime?" 

Napalingon ako sa kanyang habang umiinom ng tubig. Nakasandig siya sa kitchen counter at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbi naming ilaw. Binaba ko ang baso pagkatapos kong uminom.

"Pinagsasabi mo?" sabi ko at binuksan ang fridge para kumuha ng chocolate. Chocolate always makes me feel better.

"You know you don't belong here" sabi niya bigla, natigilan ako pero pinagpatuloy ang pagkakalikot sa fridge.

"You don't get to decide that" maiksi kong sagot. Kumuha ako ng chocolate bar at naglakad papunta sa hagdan.

"They only let you stay so they could take a good look at you," sabi niya "They never wanted to be your friend. Isa kang mushroom na kinupkop nila dahil mapanganib ka."

"Ano ba ang pinagsasabi mo?" lumingon ako sa kanya ng nakakunot noo "They let me stay dahil tinutulungan nila ako. Alam nila kung gaano kahirap ang sitwasyon ko."

"Oh please," natatawa niyang sabi "You are a suspicious person that came from a suspicious place. You really think that helping you is their only intention?"

Napatigil ako at umiling, hindi ako magpapaapekto sa sinasabi niya. It's only normal for them to doubt me kasi prinpoprotektahan lang nila ang Academy at ang Vindora. 

"Come to think about it. Bakit ka nga pala napadpad dito? Bakit pilit ka na hinahabol ng taong kumupkop sayo? According to the reports, that man seems powerful. Is it because he wants your power all to himself?"

Naglakad siya palapit sa akin at hinawakan ang buhok ko at tiningnan ako sa mga mata, masyado akong naninigas para makasagot.

"Or is he trying to protect this world from you?" bulong niya sa mukha ko. Naglakad siya papunta sa hagdan.

"Pag-isipan mo ng mabuti, is the bad guy here really me? o ikaw pero hindi mo lang alam?"

Tuluyan na siyang umakyat sa kwarto niya at isinara ang pinto. Napabagsak ako sa sahig at tiningnan ang mga palad ko. In the first place, bakit ako kinulong ni Doyle sa mansyon na iyon? bakit niya ako tinutusukan ng droga na makakapagpapigil sa paglabas ng Ability ko?

Bigla kong naalala halimaw sa Haiyan, hindi rin mapakali ang mga nilalang sa Vindora at nagkakagulo na rin sa mga village. Dahil ba talaga ito sa Zaldea? o kay Doyle? o dahil sa akin?

Hindi ako makatulog ng gabi na iyon sa kakaisip. Dumaan na ang ilang araw at tuluyan na akong hindi pinansin ni Flame, ni hindi niya ako matingnan. Palagi silang magkasama ni Hilda.

Ngayong araw ay ang pagbubukas ng Fiarae Festivities para sa Anniversary ng Academy. Nagkakagulo ang mga studyante sa paghahanda ng pagbubukas ng ceremony. Sa mga daanan ay nakapila ang iba't-ibang booth na inihanda ng bawat class sa bawat year. May mga banerita na lumilitaw sa taas ng daanan at grounds. 

Sa kanan ay may maliit na open arena para sa duel mamaya, may magrerepresenta sa bawat class o sasali ang mga gustong sumubok sa pakikipag duel. Sa kaliwa naman ay mga activities ng iba't-ibang class. Magkakaroon din ng Campfire at concert ng isang sikat na idolo sa Vindora.

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon