Chapter 26: Rift the Griffin

86K 3K 192
                                    

LEAN MACAROV

Nakauwi ako agad pagkatapos magamot sa Healer's station pero naiwan dun si Hilda na hindi pa nagigising. Pinagalitan kami ni HM dahil sa nangyari, kung bakit daw pumayag pa akong makipaglaban kay Hilda. Pati ako nagsisisi na rin sa mga ginawa ko.

Flame stayed there with her. Hopefully daw magising na siya bukas. Tracy and the others were shocked, tinanong nila akong kung ano ang nangyari at bakit ganon kalakas ang naging pag atake ko pero paano ko sasabihin sa kanila na pakiramdam ko may alam si Hilda tungkol sa akin? Wala akong ebidensya at naunahan lang ng emosyon. 

Umuwi ako kasama si Luke, Shane at Kairo. Ang iba ay pumunta kay HM at sa mga gawain nila para sa pag-aayos ng Fiarae  Fesitivities na mangyayari sa susunod na linggo. Umakyat ako ng hagdan kasabay si Shane pero hindi ako umimik, nawalan ako ng gana.

"Lean, it's not your fault" malambing na sabi ni Shane sa akin "Hilda is like that, she fights recklessly at ginawa mo lang iyon para depensahan ang sarili mo."

Ngumiti ako ng tipid sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Salamat"

Pumasok siya sa kwarto niya at pumasok na rin ako. Napatili ako nang makita si Krayver na nakaupo sa kama at hinihimas ang ulo ng nilalang na nahanap ko sa kagubatan. Ngumiti siya nung nakita niya ako.

"Akala ko hindi ka na uuwi," sabi niya "Nagwawala na yung alaga mo at halos masira lahat ng gamit sa kwarto mo"

Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto pero parang wala namang nagbago.

"Inayos ko na lahat" sabi niya. Huminga ako ng malalim at pabagsak na umupo sa beanbag na nasa tabi ng higaan. Napatingin ako sa nilalang na natutulog ng mahimbing.

"This is called a Griffin," panimula ni Krayver "These are one of the most ancient creatures in the kingdom of Vindora. Hindi ko alam kung paano ako nakahanap ng ganito sa kwarto mo."

Nabigla ako, parang napakaimportante ng Griffin na iyan at dinala ko lang sa kwarto ko. Una palang ano yung ginagawa niya dun sa hardin?

"Griffins are born every 100 years, and after that, the parents dies immediately in the Forest of the Unknown. dalawa o minsan tatlo lang sila na ipinapanganak sa isang daang taon. They are known to be powerful and loyal sa mahahanap nilang amo" sabi niya at tiningnan ang griffin na dahan-dahan nang nagigising. Nakita niya ako at mabilis na lumipad palapit sa akin at dumapo sa kandungan ko at mulang natulog.

"And that little one found its master" sabi niya "Pero kailangan mong sabihin kay Headmaster yan. We need to make a report on everything that happens. Pero pwedeng bukas naman. Anyways, ano ang nangyari at ngayon lang kayo bumalik?"

Huminga ako ng malalim at nag-alinlangan na tumingin sa kanya pero may something kay Krayver na komportable akong sabihin lahat. Kwinento ko sa kanya ang nangyari kanina pati na rin ang nararamdaman ko kay Flame at yung sinabi ni Hilda sa akin. Tumahimik siya ng mahabang oras kaya bigla akong kinabahan.

"Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo kay Flame?" mahina ngiyang tanong.

"H-ha?" tumikhim ako at nag-iwas tingin "Oo, yata. Pakiramdam ko"

Tumawa siya ng mahina pero nanatiling nakayuko. Inangat niya ang ulo niya at tinitigan ako sa mata, ngumiti siya ng matamis.

"Susuportahan kita sa kanya," sabi niya "Basta sa kanya ka sasaya."

Hindi ko maintindihan pero bakit parang kakaiba ang kinikilos niya? Nakangiti siya pero hindi ngumingiti ang mga mata niya. Ang lungkot ng mga ito.

"Kray--"

"Another thing is," pinutol niya ang sasabihin ko at tumayo, hinawakan niya ang baba niya at naglakad sa harapan ko "Hilda, base sa sinabi mo ginamit niya ang Telekinesis niya para makontrol nag katawan mo?"

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon