LEAN MACAROV
"Bakit mo sila pinayagan na sumugod?!"
"Nawawala ang dalawang bata! Siya ang kumuha sa kanila!"
"Hindi nga kayo sigurado!"
"Trabaho niyo ang paalisin ang Shouma na iyan pero natulog lang kayo!"
Napabalikwas ako ng gising, narinig ko ang salitang Shouma. Tiningnan ko ang paligid, wala na ang mga kasama ko. Mabilis akong lumabas ng bahay, nakita ko ang mga kasama ko na nakikipagsigawan sa chief ng village. Tumakbo ako palapit sa kanila.
"B-bakit? ano ang nangyayari?" natataranta kong tanong. Nakita ko ang pagkainis sa mukha ni Wade at ginulo ang buhok niya. Hindi umiimik ang mga kasama ko.
"Ano ang nangyayari?!" pasigaw kong tanong sa kanila. Mabigat ang paghinga ko at masama ang kutob ko.
"Pinasugod ng chief ang bahay ng Shouma dahil ninakaw nito ang dalawang bata na nakatira sa village na ito. Wala kaming magawa dahil nagpalabas siya ng order na hindi tayo pwedeng manghimasok" sabi ni Shane sa akin.
Lumapit ako sa chief
"Ang mga batang tinutukoy mo, babae at lalaki?" tanong ko sa kanya, kumunot ang noo niya
"Paano mo nalaman?"
Nanlaki ang mga mata ko, I swear na nakita kong umuwi ang dalawa kagabi. Tatakbo na sana ako papunta sa kubo nang hinawakan ni Krayver ang kamay ko, umiling siya.
"Hindi tayo pwedeng mangialam o gumalaw, nagpalabas siya ng order. That means we have to follow her or else the Academy will be in great trouble. It's the violation we're talking about, they have the right at mga studyante lang tayo."
I shook my arm off from Krayver's grip. Tiningnan ko ang chief, nakahalukipkip lang siya at nakatingin sa ibang dereksyon, nakataas din ang isang kilay niya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kwelyo ng robe niya, hinawakan nina Shane ang magkabilang kamay ko.
"wala siyang ginagawang masama! If there is anyone that is evil here, it's you!" sigaw ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at takot na nakatingin sa akin.
Binitawan ko siya, tiningnan niya ako ng masama at napaubo.
"Studyante ka lang!" sigaw niya pabalik "Ako ang chief dito! Ako ang masusunod!"
"The one who made you a chief, is foolish" seryoso kong sabi sa kanya. Naglakad ako palapit sa matataas na damo pero pinigilan ulit ako ni Tracy.
Her eyes were pleading me to stop. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niy amula sa pagkakahawak sa akin.
"Lean please. You will be punished" mangiyak-ngiyak niyang sabi "If the order is violated, you will be punished in the favor depending in who issued it. Sa sitwasyon naton ngayon, maaaring lang maexpel kung gugustuhin ng chief nila"
Binitawan ko siya at tumalikod. I will never let someone innocent die, no matter what.
"Then expel me" yan nalang ang tanging nasabi ko bago tumakbo sa kalagitnaan ng matataas na damo.
Napadaing ako dahil sa mga galos na natatamo ko mula sa matutulis na dahon ng damo. Sa kalagitnaan ay may nakita akong binata na may hawak na dalawang batang umiiyak. Lumapit ako sa kanila.
"Ate! Ate!" nagpumaglas ang batang lalaki at tumakbo palapit sa akin at yumakap, binitawan din ng binata ang isa.
"S-sinasaktan nila si Shouma!" umiiyak niyang sigaw "T-tulungan mo po si Shouma!"
"Bakit? ano ang nangyari?"
"K-kagabi nung hinatid mo kami sa bahay, nakalimutang ibigay kay Shouma ang regalo ko" humihikbing sabi ng batang lalaki, madungis ang kanyang damit dahil sa pagpupumaglas kanina "P-pero nakalimutan namin pabalik sa bahay kaya sa bahay lang ni Shouma kami nakitulog"
BINABASA MO ANG
SAFIARA ACADEMY: BOOK ONE
FantasySAFIARA ACADEMY: RETOLD Being trapped and suffocated was all that Lean felt all those years trapped in a castle. Having found a portal, she enters another Realm thinking it was the Human World. To her surprise, flying fishes, floating rivers and unu...