SHANE OMEGA
ilang araw na rin simula nung nangyari, di na namin siya nakakasama at napansin ko rin na matamlay na ang iba pa naming mga kasamahan. for now, kasama namin si Reisa. She's looks innocent so far pero hindi namin maiwasang magtaka, why was Lean so scared of her?
Hindi na rin namin masyadong nakikita si Lean, sa umaga hindi na namin siya nakikita dahil nauuna siyang pumasok, pagkatapos naman ng class nagkukulong lang siya sa kwarto o di kaya sa labas sila kumakain ni Krayver, nagkaayos na kami nila Krayver pero hindi tulad nung dati.
He was acting weird around Lean, nagiging ibang tao siya. He was more protective around her. Minsan kakausapin namin si Lean para magsorry pero kung hindi siya natutulog ay nagtratraining labas kasama si Krayver.
I feel sorry for Flame, alam kong hindi niya sinasadya yung mga sinabi niya.
Kumatok ako sa pintuan ni Lean pero walang sumasagot.
"Kanina pa siya umalis" sabi ni Flame, kakalabas lang niya mula sa kwarto niya, he looked restless and tired. Nagkakalat ang buhok niya at nangingitim ang ilalim ng mata niya.
"Flame," sabi ko. Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng tipid na ngiti. Inayos niya ang uniform namin para sa exam at naglakad paalis.
"Maghanda ka na, exam na ngayon. Mamaya na natin intindihin ang problema."
Sumunod ako sa kanya at bumaba. Nakita namin ang mga kasama namin na nakasuot na rin ng uniform. Lahat ng Class may sariling color coding para sa exam.
Ang Class A ay itim, ang B ay pula, ang C ay asul at and D ay berde. Pero lahat kami pare-pareho ang disenyo. Para sa mga lalaki combat gear tulad ng combat boots, tactical combat pants at rash guard at combat fingerless gloves.
Sa aming mga babae, fitted combat gears pero crop top yung rash guard para madaling kumilos. Para kaming mga militar na susugod sa digmaan, sa harapan ang mga nakaitim. I tied my hair into a ponytail.
Napasipol si Tristan nang bumaba si Tracy, pati ako nagandahan din sa kanya. The gear hugged every part of her curves, lumilitaw ang puti niyang balat sa itim na suot niya. Inayos niya din ang buhok niya sa isang braid.
Naglakad na kami papunta sa field, inayos ito para maging arena. Sa labas, mukha itong malaking dome na gawa sa lupa, may mga maliliit na pintuan na pinapasukan ng mga studyante sa iba't-ibang class. May mga studyante din na nakabantay sa labas para icheck ang attendance ng mga papasok.
Pumasok kami ng hindi na kailangang magsulat ng pangalan, umakyat kami sa taas hagdan para ipakita ang malaking dome na may butas sa taas na pinapakita ang kulay asul na langit.
Nakaupo na sa mga bleachers ang mga studyante, makikita agad kung anong class dahil sa mga kulay nito, sa taas naman ay ang banner na dinisenyo nila. Lumapit kami sa kumpol ng mga nakakulay itim.
Ang mga Freshmen at Sophomore ay excluded sa exam dahil ibang level ang difficulty ng exam nila na tapos na nilang gawin kahapon. However, they were allowed to watch.
Sa gitna ng arena ay may bilog na stage na napapalibutan ng tubig na umaagos mula sa miniature falls na nakalagay sa gitna ng mga division ng arena, nagsisilbi itong boundary sa iba't-ibang class at year. Sa baba ng Arena ay may mesa kung saan uupo ang mga staff at guro. Nakapalibot naman sa baba ng arena ang mga flag ng Safiara Academy.
Sa taas ay may makukulay na banderita na kumakatawan sa mga kulay ng iba't-ibang class. May mga studyanteng naglilibot-libot at nagbebenta ng mga makakain sa ibang studyante. Ilang araw itong inayos ng Academy Council at mga staff at ibang mga studyante nagvolunteer. Yan din ang isa sa mga rason kung bakit halos walang tulog ang mga tao sa dorm namin.
BINABASA MO ANG
SAFIARA ACADEMY: BOOK ONE
FantasySAFIARA ACADEMY: RETOLD Being trapped and suffocated was all that Lean felt all those years trapped in a castle. Having found a portal, she enters another Realm thinking it was the Human World. To her surprise, flying fishes, floating rivers and unu...