Chapter 22: Kingdom of Aselith

84.6K 3.4K 242
                                    

LEAN MACAROV

"Lean" hindi ako makapaniwala. Bakit hindi ko napansin? "Hoy!"

Napatili ako nang tinapik ni Shane ang balikat ko. Tiningnan ako ni Tracy.

"Kanina ka pa tulala" sabi niya sa akin. Bigla akong natauhan, nasa loob kami ng kwarto ni Tracy at bagong ligo. Ginamot na din ang mga sugat ko ng mga Healers nila. Napahawak ako sa kumot ng kama ni Tracy na inuupuan ko.

Ang kwarto niya ay malaki at kulay rosas. May mga bulaklak na nakapinta sa mga pader,  may kabinet din siya na para sa mga libro, may mesa para sa pag-aaral at yung kumikinang niyang mesa na para sa pagpapaganda. 

May mga maliliit na ilaw na nakapaligid sa napakalaking salamin. May kabinet din siya para sa mga pampaganda niya.

Naalala ko bigla ang kwarto ko sa mansyon, yung mg alibrong binabasa ko at ang higaan ko na malambot. Pero hindi ko na hihingiin pang bumalik doon.

"Bakit hindi mo sinabi?" mahinang tanong ko. Lumingon si Tracy sa akin, may puting maskara na nakalagay sa mukha nila.

"Ang alin?"

"Na prinsesa ka at prinsipe si Flame?" tanong ko, lumingon ako  kay Shane "Shane, alam mo ba?"

Napatawa siya at tumango.

"Bata palang kami magkakaibigan na kami. Natutulog din kami minsan dito"

Umasim ang mukha ko, lumapit si Tracy at niyakap ako.

"Sorry na" sabi niya "I didn't feel the need to tell you naman. Isa pa alam ko naman na walang magbabago sa atin eh"

Ngumuso ako at napatingin sa mga daliri ko. Nalaman ko rin ni si Luke ang susunod na Alpha sa pack nila at si Shane naman pinsan ng Hari ng Aquaria. Ang dami ko hindi alam tungkol sa mga kaibigan ko.

"Pati rin ikaw Shane" sabi ko sa kanya "Pamangkin ng hari? ang yayaman niyo pala"

Lumapit din si Shane at sumali sa yakap.

"Nagtatampo ang Lean namin?" malambing niyang sabi. Umiling ako, hindi naman ako galit pero kung nalaman ko ng mas maaga hindi sana ako parang tanga.

Yumakap din ako sa kanila, paano ko matitiis ang napakabait na mga babaeng 'to?

Bumukas ang pinto at sumilip si France. Tinawag siya ni Tracy kaya pumasok siya, nanibago ako sa kanya. Nasanay yata ako na nakaarmas siya at matapang. Nakasuot siya ng bestida na pula at umaabot hanggang tuhod. Ang buhok niya ay mahaba at tuwid.

Magalang siyang yumuko kay Tracy.

"Pinapapunta na po kayo sa hapagkainan" magalang niyang sabi, hinampas naman ni Tracy ang braso niya ng mahina.

"Wala ka sa trabaho, just act normal" sabi ni Tracy sa kanya, nginitian lang siya ng tipid ni France. Sabay-sabay kaming lumabas ng kwarto nina Tracy, naglakad kami sa pamilyar na daanan. 

Madilim ang Kastilya ng Aselith, tanging mga torch ang nagsisilbing ilaw sa madidilim na daanan. May pulang carpet na nakalatag sa sahig at may malalaking bintana sa gilid, mula sa bintana kitang-kitang ang mga ilaw sa captial. 

Ang capital ng Aselith ay nasa itaas ng bundok at ang mga bahay ay nakatayo sa paligid nito. Madilim ang langit at napapalibutan ng maninipis na ulap, ang pinagkukunan nila ng ilaw ay mga poste na palaging may apoy at sa mga bahay nila ay mga kandila at lampara. May mga lumilipad na malalaking paniki at maliliit na dragon sa kalangitan.

Pumasok kami sa napakalaking silid na may malaking carpet na umaabot hanggang sa katapusan ng silid. May mahabang mesa sa gitna at may tatlong malalaking chandelier na magkakasunod. Sa kanan ay may malaking fireplace at sa kaliwa ay malalaking bintana na nakikita ang buong capital.

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon