Chapter 30: Ambush in the Hall

84.3K 2.9K 279
                                    

3RD PERSON'S POV

Pagkatapos na tumakbo palayo ni Lean at hinabol siya ni Flame nakaramdam ng galit si Hilda. Napatingin ang mga tao sa kanya, she felt like she was dumped. Mabilis siyang pumunta sa CR at tiningnan ang sarili niya sa salamin. Dahil sa inis at galit ay sinuntok niya ito at nabasag ang salamin.

Kinuha niya ang maliit na orb mula sa bag niya at may lumabas na imahe ng lalaki dito.

"Matagal pa ba yan?!" galit niyang sabi. Ngumisi ang lalaki sa imahe ng orb.

"Nasa labas na sila, naghihintay ng signal mo" napansin ng lalaki sa imahe ang galit na mukha ni Hilda at napakunot noo "Bakit ganyan ang mukha mo? akala ko ba nag-eenjoy ka?"

"That btch snatched Flame from me, hinabol siya ni Flame"

"Akala ko ba sinabi mo na sa kanya ang pinag-usapan natin?"

"sinabi ko na nga! He believed that lie pero ngayon mukhang wala na siyang pakialam."

"Sigurado ka ba na sinabi mo na anak ko si Lisanna?"

"Oo nga! pero ngayon wala na akong pinanghahawakan. Kung sabihin ko yon they will start to investigate at malalaman nila na hindi totoo ang sinabi ko, that technically, Lean is Lisanna and the true heir. Malalaman nila na isa akong kasinungalingan!"

"Don't worry my daughter, hindi mangyayari yun. We will destroy them all. War is starting."

Nakarinig sila ng kaluskos mula sa labas. Biglang kinabahan si Hilda at bumalik sa orb.

"Dad, you need to do it now. May nakarinig sa akin"

"roger that"

Mabilis na tumakbo si Luke palabas ng CR kung saan niya narinig na nakikipag-usap si Hilda sa lalaki. 

"Si tito Doyle yun?!" gulat niyang tanong sa sarili, he clearly saw that man on the orb. May pulang buhok na tulad kay Hilda, kay King Dylan at pati kay Lean. Napasinghap siya. 

Lean is the crown. She is the one who deserves the life that Hilda has. Bago siya makarating sa mga kaibigan niya ay nagkaroon ng malakas na pagsabog mula sa gilid ng pader. Naalarma ang mga studyante at nagsitakbuhan.

Lumapit siya kay HM na walang malay dahil nabagsakan ng mga sumabog na piraso. Tinulungan siya ng mga Professor habang ang iba ay tinutulungan ang mga studyante sa pagtakas.

Tumakbo siya papunta sa mga kaibigan niya na abala din sa pagtulong.

"Ano ang nangyayari?!" pasigaw na tanong ni Tracy habang binubuhat ang studyanteng nasa ilalim ng semento.

"Si Hilda! sigaw ni Luke "Si Lean!"

Hindi nila natapos ang pag-uusap nila dahil may mga halimaw na sumugod papunta sa loob ng Hall. Mas nagkagulo ang mga studyante, ang iba ay ay tumulong sa laban at ang iba ay hindi alam ang gagawin dahil sa takot at pagkagulat.

Nagulat si Flame at si Lean pagkapasok nila. Mabilis silang kumilos para tumulong. Pinalipad ni Lean ang mga bumagsak na parte ng mga sumabog at pinatakas ang mga studyante na naipit dito. Tumulong din sina Shane na hilain paalis ang iba. Pinalipad ni Lean ang mga piraso at inihagis sa mga halimaw na padami ng padami.

Tumakbo si Flame at sinabihan ang mga studyante kung ano ang mga dapat gawin.

"Kumalma kayo! Fight them with your abilities! Use your training! Formation A! Stand on your feet!" sigaw niya, mabilis naman kumilos ang mga studyante "Students with defensive abilities take over! Students with Offensive Abilities target the enemies! Ang iba ay tumulong para mailigtas ang mga walang malay habang wala pa ang mag healers!"

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon