LEAN MACAROV
"Yan, tama yan. But don't strain yourself"
Huminga ako ng malalim at sinubukan ulit na patubuin ang mga ugat mula sa ilalim ng lupa. Maliliit na mga ugat ang lumabas, tumatagaktak na ang pawis ko sa noo hanggang sa hindi ko makontrol ang sarili ko. Ang mga ugat ay mabilis na tumubo mula sa lupa at naging kasing laki at kasing taas ng mga puno.
Bumagsak naman ako sa lupa at naghahabol ng hininga. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang mga kamay ko. Why can't I get it right?! I always lose control.
Dahan-dahang bumalik sa ilalim ng lupa ang mga ugat at bumungad sa akin si Luke. Lumapit siya sa akin at inilahad sa akin ang kamay niya. Tinanggap ko ito at tinulungan niya akong tumayo.
"Bakit ba nagmamadali kang magtrain? kadadating lang natin kahapon. Ayos ka lang ba? Are you still bothered?" sunod-sunod niya tanong.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Yun na nga, I can't stop thinking about it kaya binubuhos ko lahat ng lakas ko sa pagtratrain. Tumingin ako sa taas, sumisilip ang araw sa mga dahon ng malalaking puno, ang tanging naririnig ko lang ay ang mga dahon na tinatangay ng hangin.
"My mom used to tell me the winds sing" panimula niya. Umupo siya sa isang malaking puno na natumba. Tumabi ako sa kanya "Kinakanta nito ang mga pangarap ng mga Fiarae, ang mga mensahe nila at mga hinanakit."
"Sa packhouse namin, may napakalaking puno na umaabot na hanggang sa langit. Itinanim iyon ng mga ninuno namin ng sinaunang panahon, simbolo iyon ng mga buhay ng mga yumao naming mga ninuno, simbolo ng dati naming mga Alpha." sabi niya habang nakangiti "We call it the Tree of life, a symbol of life for all wolf packs. The life of the people."
Nagulat ako nang bigla siyang nagkwento sa buhay niya pero naging interisado ako. He was always the silent type, palaging nagbabasa ng mga libro at nag-aaral. May pagkapareho sila ni Shane. Kaya siguro naninibago lang ako na nagkwekwento siya tungkol sa buhay niya.
"My mom sings me lullabies, my dad disciplines me and I became scared of him. Pero alam kong ginagawa lang niya iyon para sa ikakabuti ko."
"Don't you miss them?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at ginalaw ang mga daliri niya, may tumubo mula sa lupa na maliit na halaman, kinumpas niya ang kamay niya at tumubo ito ng dahon.
"Namimiss" sagot niya "Pero sinusulit ko lang ang mga oras na kasama ko kayo, I mean, nabibisita ko naman sila sa weekends kung gusto ko pero pagkatapos nitong lahat, kapag lumabas na tayo ng Academy magkakaroon na tayo ng mga sarili nating mga buhay. Mawawalan na tayo ng mga oras sa isa't-isa"
Napatigil ako, pagkatapos ng Academy? Ano nga ba ang gagawin ko paglumabas na ako sa academy? May mapupuntahan ba ako? makakalabas pa ba ako dito ng buhay? paano kung kunin ako ni Doyle?
Ni hindi nga ako mapakali dahil pakiramdam ko kukunin ako ni Doyle mamaya, o bukas, o ngayon. I can't help but be scared.
"Sana may mababalikan din ako" nasabi ko bigla ng hindi sinasadya. Napatawa siya ng mahina.
"Hindi mo naman kailangang may balikan. Nandito naman kami" sabi ni Luke. May kumuha siya mula sa bulsa niya, isang makalumang papel na naninilaw na. Sa papel na ito ay may mga taong nakaguhit, parang litrato pero gumamit ng apoy para iguhit ang bawat detalye ng mga mukha.
"Hala," bigkas ko "Ikaw pala yung kumuha!"
Nakita ko ang mukha ko don, nakangisi. Ito ang litrato na kinuha namin sa isang Fiarae na may ability sa paguhit ng mga portrait sa mga makalumang papel sa market place. May tatlong kopya lang ito, ang isa ay na kay Tracy, ang isa ay na kay Flame ang isa ay pinag-aagawan namin pero na kay Luke pala.
BINABASA MO ANG
SAFIARA ACADEMY: BOOK ONE
FantasySAFIARA ACADEMY: RETOLD Being trapped and suffocated was all that Lean felt all those years trapped in a castle. Having found a portal, she enters another Realm thinking it was the Human World. To her surprise, flying fishes, floating rivers and unu...