Chapter 6: Nightmares

112K 4.4K 230
                                    

LEAN MACAROV

Sa kadiliman ng buwan, dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto ko. Tumakbo ako sa gitna ng madilim na hallway, nararamdaman ang mga mata ng mga tao sa portrait painting na nakadikit sa mga pader ng mansyon. 

Sinilip ang ang hagdan at nakitang walang tao dito. Bumaba ako, bawat yapak pababa ng hagdan, mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Pumasok ako sa likod ng mansyon kung saan pumupunta ang mga tagasilbi para kumuha ng mga lulutuin. 

Sa likod ng napakalaking pintuan ay sunod-sunod na mga naglalakihang istante kung saan nakalagay ang mga sangkap, sa gilid naman ay ang malaking metal na pintuan na pinaglalagyan ng mga frozen goods tulad ng mga karne, poultry at iba pang kailangan ng lamig para hindi masira.

Naglakad ako sa gitna ng mga estante, hinahanap ang isang tagasilbing napalapit na sa akin. Pinangako niya sa akin na tutulungan niya akong makatakas sa mansyon ngayong gabi, kasabay ng pagdating ng mga kasangkapan na dinideliver isang beses sa isang buwan. 

Hindi ko mapigilan ang mapangiti, pagkatapos ang ilang pagplaplanong pagtakas, matutuloy na ngayong gabi, makakatas na ako mula kay Doyle.

Ayaw ko nang maalala ang mga nangyayari dito sa mansyon. Ayaw ko nang maalala ang mga ngisi niya at ang mga mata niyang nakakatakot tingnan. 

Naghintay ako sa pinangakuan naming lugar, sa likod ng mga estante ng mga tinapay. Dumaan na ang ilang minuto, ang minuto ay naging oras pero hindi siya dumating. Bumalik ako sa kwarto na puno ng galit, siguro ay nalaman ni Doyle ang plano namin at binayaran siya at pinalayas.

Sa susunod na araw, sa hapagkainan magkasabay kaming kumain ni Doyle pero wala akong gana, hindi ko ginalaw ang pagkain ko at nanatiling nakatulala.

"Is something wrong with the food?" bumalik ako sa realidad nang tinanong ako ni Doyle. Umiling ako at binalik ang tingin sa pagkain. 

"You know, that's why servants stay servants," umangat ako tingin ko dahil sa sinabi niya, kinuha niya ang table napkin at pinahid ito sa mga labi niya "they never get contented with what they have. They don't know the limits of their judgement."

Bigla akong kinabahan, kaya pala. Binayaran ni Doyle ang taga-silbi kaya wala na siya dito, nilaglag ako ng taga-silbi at tumakas kasama ang pera. Napangiti ako ng mapait, I hated people who make money their gods. Blinded by all its possibilities.

"Last night," panimula niya "you looked for her did you? did you check the fridge?"

naibagsak ko ang kutsara at tinidor na hawak ko at tumingin sa kanya, my mind was filled with assumptions and not one of them were good. I felt the blood rush down from my face, nakita niya ang ekspresyon ko at napangisi, one of his sinister smiles whenever he's done something to break me.

Napatayo at mabilis na tumakbo papunta sa storage room, nabigla ang mga taong nagtratrabaho sa biglang pagdating ko sa kitchen. Pumunta ako sa pintuan kung saan nakatago lahat ng pagkain, nanginginig kong binuksan ito.

 I don't know how many times I wished that what I was thinking was not true. Mabibigat ang mga yapak na ginawa ko papunta sa metal na pintuan ng freezer. I tried hard not to choke from my tears.

Dahan-dahan kong inikot ang wheel sa gitna ng pintuan a nagsisilbing lock. Bawat ikot nawawalan ako ng lakas, tuluyan na akong napaiyak. 

"Please," my voice broke "Please, sana lumayas ka pagkatapos kang bigyan ng malaking halaga, please"

Paulit-ulit akong nagmakaawa na sana tumakas nalang siya, sana tumakas siya dala ang malaking halaga ng pera. Sana hindi totoo ang iniisip ko.

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon